Nakakatanggap siya ng paisa-isang texts mula sa ina upang kumustahin siya ngunit pagkatapos niyang mag-reply ay hindi na ito sumasagot. Naging madalang din ang mga tawag at text ni Turs dahil nasa bakasyon. Same goes with her other friends. Siguro'y nagsasaya din sa kanya-kanyang bakasyon.
She, too, is enjoying her vacation so much.
Ang oras niya tuwing hapon ay nalalagi muli sa pamamasyal kasama ni Donny. That's how her days went on. Marami na silang napuntahang lugar nito. Marami na rin siyang bagay na natutunan patungkol sa hacienda at sa operasyon nito. Habang tumatagal, lalo lamang napapalapit ang puso niya sa lugar.
Ngunit ang dumagdag pa sa kanyang saya ay ang mas pagbuti ng pakikitungo ni Donny sa kanya. He'd still tease her and they would throw banters at each other but, unlike before, the atmosphere between them became obviously friendly now. Hindi na nasundan pa ang mga naging pagtatalo nila and she want it to remain that way.
Okay, inaamin naman niya. She's crushing on Donny. Iyon lang ang tanging eksplanasyon sa nararamdaman at kakaibang ikinikilos kapag nariyan ito.
Ito ang kauna-unahang beses niyang maramdaman ito. Like how the books and movies described it, parang may mga nagwawalang paru-paro tuwing magtatama ang mga mata nila ni Donny at nginingitian siya nito. But aside from his undeniable good looks, tingin niya, isa pang rason kung bakit ganito na lamang ang paghanga niya rito ay dahil sa pagiging maabilidad nito, responsable, matalino at masipag.
She'd never seen anyone who's as skillful as him! Kayang-kaya nito ang lahat ng klase ng trabaho. Hindi rin nito alintana ang magbilad sa ilalim ng mainit na sikat ng araw, mabalot ng dumi at pagpawisan. Even those workers who are older than him relies on him and trusts his decisions. Kapag nakikita niya ito'ng nagmamando at tumutulong sa trabaho, hindi na niya maalis ang mga mata sa pagmamasid dito.
She can't explain how those little and simple things that Donny could do fascinate her. Even his thick and deep manly voice, hearty chuckle, sarcastic smirk and deep frown didn't fail in making her heart beat faster.
Siguro'y ganito na talaga sa simula pa lang ang kanyang nararamdaman para dito. It's just that...it's too early to realize it. Isa pa, hindi naman lalaki ang hinahanap niya nang magpunta rito. Ngayon ay napagod na lang siyang i-assess at pagtakpan iyon kaya tinanggap niya na lang.
Wala naman sigurong masamang magka-crush hindi ba? It's normal for girls her age. Iyong iba nga, nagka-boyfriend na.
This is just a happy crush. There's also no way for this feeling to develop into something deeper and more serious. Hindi maaari. Una ay dahil lilisanin niya rin ang lugar na ito para tahakin ang buhay na matagal nang nakahanda para sa kanya. Second, her mom would surely disown her for liking a farmer. And lastly...Arturo would get hurt.
Damn, Arturo! Ngayon pa nga lang ay sinusundot na siya ng kaunting konsensiya. May mga pagkakataon kasing nakakalimutan niya ang tungkol dito lalo na kapag kasama niya si Donny. And the bracelet he gave her, magmula nang hubarin niya iyon ay hindi na niya isinuot pang muli.
Why is she feeling these strange feelings for Donny and not for Turs? Halos magdadalawang-linggo pa lamang niyang nakasama at kilala si Donny kumpara kay Turs na halos buong buhay niya. Bakit ganito?
"Lily?"
Mula sa paglalagay ng huling plato sa cabinet na katatapos niya lamang punasan at tuyuin ay nilingon niya si Nana Conchita. "Yes, Nana?"
"Maaari mo bang ihabol kay Aileen ito'ng listahan ng mga bibilhin niya sa palengke? Nakalimutan niyang dalhin..." inilahad ni Nana Conchita sa kanya ang piraso ng papel.
She smiled and eagerly nodded. Nagmamadali siya rito sa ginagawa niya para makapaghanda na sa pamamasyal nila ni Donny ngayong araw pero hindi naman niya maaaring tanggihan ito. Isa pa, sigurado naman siyang kahit pa mahuli ay hihintayin siya ni Donny.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfiction"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."