CHAPTER 51

4K 85 7
                                    

Hindi niya alam kung ilang sandali na ang lumipas magmula noong iwan siya ni Turs doon. Nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan at kung hindi pa narinig ang pagtawag ni Donny sa kanya ay baka hindi pa rin siya kumilos.

"Liberty..."

She looked at her husband. And when their eyes locked, she felt that familiar connection between them that she couldn't explain. Madilim ang ekspresyon nito ngunit lumapit ito sa kanya upang dampian siya ng masuyong halik sa labi at yakapin.

"Nasaan siya?" marahang tanong nito sa kanya nang hindi bumibitaw.

Batid niya kaagad kung sino ang tinutukoy nito. Bahagya rin siyang nabiglang alam nito ang tungkol sa pagbisita ni Turs doon ngunit nang maisip na marahil ay ikinuwento ng isa sa mga tauhan niya ay agad siyang nagbuga ng hangin. Wala rin naman siyang planong itago iyon.

"Umalis din kaagad. Hindi na nagtagal," aniya.

Bahagya niyang inilayo ang sarili rito ngunit hindi inaalis ang mga braso sa leeg nito. Maingat ang mga mata ni Donny habang may tila hinahanap sa kanyang ekspresyon. She smiled to let him know that she's fine.

"Did he do anything to you, baby? You look pale," may bahid ng galit ang anyo nito na sigurado siyang hindi para sa kanya.

"Wala," iling niya upang kalmahin ito kaagad.

"Bakit siya nagpunta rito? Ano'ng kailangan niya sa'yo?" sunod-sunod nitong tanong.

"He knows that we're married, Donato. He said he doesn't care and that he deserves someone better, anyway. But he's pulling out all their investments in our company. At marami pang ibang investors ang nagsisi-alisan sa AGC."

Tumiim ang bagang nito. Despite the dilemma she's currently facing, hindi niya mapigilang mapahanga sa perpektong features ng mukha nito na mas nade-depina tuwing dumidilim ang anyo sa galit.

"Siguradong hindi lang nagkataon iyon."

She shrugged her shoulders. She wasn't thinking otherwise, either. May kinalaman si Turs sa nangyari. It was perhaps his way of revenge. Wala na ito'ng pakealam na naikasal siya sa ibang lalaki ngunit hindi ito makakapayag na maging ganoon lamang kadali sa kanya ang lahat.

Kinuha ni Donny ang atensiyon niya sa pamamagitan ng paghawi nito ng kaniyang buhok sa likuran ng tenga. Tumitig siya sa tsokolate nitong mga mata.

"What do I have to do?" he asked her tenderly.

Kumunot ang kaniyang noo bago pagak na natawa sa tanong nito. Inalis niya ang mga braso sa balikat ng asawa. "What do you have to do? Nothing, Donny. This is my problem."

"Your problem is my problem," giit nito.

"No, babe," mas mariin niyang sinabi. Kahit na kailangan niyang tingalain ito ay ipinakita niyang pinal na ang kanyang desisyon at siya ang masusunod doon. "Problema ko 'to at ng pamilya ko. Stay out of this, okay? Kailangan kong maka-usap si Tito. Siguradong namomroblema na iyon sa mga oras na 'to."

Naglakad siya papanhik sa kaniyang kuwarto para makaligo at makapagbihis ng panibagong damit. Naririnig niya ang mga yapak nitong nakasunod sa kanya at hinayaan niya ito.

"You're calling him?" he asked as he closed the door to her bedroom.

"Yes. Pero siguro luluwas na rin ako sa Maynila bukas."

"Lily—"

Hinarap niya ito bago tunguhin ang banyo. Nagdidilim ang ekspresyon nito sa hindi maitagong iritasyon. "Look after the hacienda—"

"I'm coming with you. Kung haharapin mo ang pamilya mo, sasama ako."

"Donny, this is not the right time! Tito George is probably furious at me right now. Hindi malabong alam na rin nila ang tungkol sa'ting dalawa. Baka pauwi na rin si mommy dahil doon. Ayaw kong mas lalo silang galitin ngayong namomroblema ang kompanya."

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon