CHAPTER 58

3.1K 87 11
                                    

Hindi na niya napigilan ang mapaiyak nang magising sa silid niya sa ospital kung saan siya pinagtulungang dalhin nina Donny at ng iba niyang tauhan sa hacienda. Naabutan siyang nakahandusay ng mga ito at walang malay ilang metro mula sa bangin. Her clothes were torn and her body was wrapped with dirt, wounds and bruises.

She couldn't stop her whole body from trembling as she recalled what happened. Wala na ang kabayo niyang si Batik. At kung marahil ay hindi siya naglakas-loob na tumalon mula sa likuran nito, kasama siya nitong nahulog sa bangin at namatay.

"Shhh...everything's okay, love. Huwag ka nang umiyak. Ligtas ka na. Ligtas ka na..." paulit-ulit na sabi ni Donny sa kanya habang maingat siyang niyayakap.

Donny's eyes were bloodshot and tired. Halata niya kung paano nito sinisikap na magmukhang matibay sa harapan niya ngunit ibinubuking ng mga mata ang matinding takot na nararamdaman.

She tried to hug him back with the same tightness but her sprained left shoulder didn't allow her. Masuwerteng iyon at ilang pasa at sugat lang ang natamo niya sa aksidente. Kung siguro walang damong nakabalot sa lupa at mabato ang bahaging kinabagsakan niya, mas malala pang pinsala ang inabot ng katawan niya.

Ang sabi ng doktor ay ilang linggo lang at maghihilom na rin ang mga iyon. Ngunit sa tingin niya matatagalan pa bago niya malimutan ang trauma na dinulot sa kanya ng pangyayari.

Hindi siya makapagsalita dahil sa labis na paghagulgol. Idiniin na lamang niya ang mukha sa leeg ng asawa upang damhin ang init na ibinubuga ng katawan nito. His warmth brings comfort to her system. Kahit paano'y naiibsan ang mabigat na pakiramdam.

"Ako ang tumingin kay Batik kaninang umaga. Wala naman ako'ng napansing kakaiba sa ikinikilos niya," si Benjamin na pagkamulat niya ay naroon na. Kasama nito si Aling Mirasol at ang tiyo ni Donny na si Mang Hugo. Nababakas din ang pag-alala sa mga ito lalong-lalo na sa nanay ni Donny.

Bahagyang inilayo ni Donny ang sarili sa kanya upang matitigan ang kanyang mukha. She looked away as tears continued to stream down her face. Naramdaman niya ang marahang pagpupunas ng daliri nito sa kanyang luha at pilit na pagpaling sa kanyang mukha upang harapin ito.

"...pero hindi rin naman imposibleng bigla na lang siyang magwala. Tulad ni Bangis, mahirap makasundo ang kabayong iyon. Masuwerte ngang ilang beses mo na siyang nasakyan, Lily," mas malumanay nitong sinabi.

Ngunit hindi napawi ng paliwanag na iyon ang bigat ng kanyang loob. Ayaw niya ring maniwala na bigla na lang nawala si Batik sa sarili nang walang dahilan.

"Something must've triggered it, Benjamin," pagsasatinig niya sa kanina pa naiisip.

Mahirap makasundo si Batik pero nagawa niyang kunin ang loob nito. Maka-ilang beses na rin niyang nasakyan ang kabayo at ngayon lamang ito umakto ng ganoon. Inalala niya ang mga huling sandaling nakasakay siya kay Batik at mas lalo lang tumindi ang pakiramdam niya na may iniinda ang kabayo.

Dahil sa kanyang pahayag, kumunot ang noo ni Benjamin. Nararamdaman niya naman ang mabibigat na titig ni Donny sa kanya nang sabihin iyon. Malalim na rin ang itinatakbo ng isip.

"Ano'ng ibig mo'ng sabihin, hija?" si Aling Mirasol na mas lalo lang yatang lumalim ang mga linya sa mukha dahil sa pag-aalala. Humakbang ito ng kaunti upang mas lalong mapalapit sa kanyang kama.

Tumikhim si Mang Hugo bago pa man siya makapag-salita. "Ang sinabi ng mga tauhan mong nakakita sa'yo ay masyadong mabilis ang naging pagpapatakbo mo sa kabayo, Liberty. Hindi kaya may nagawa ka kaya bigla na lang nagwala si Batik?"

Namula ang kanyang mga pisngi dahil sa sinabi ng tiyo ni Donny. Ang pinapalabas nito ay kasalanan niya ang nangyari. Pero matatag ang kanyang paniniwalang wala siyang nagawang anoman para magwala si Batik ng ganoon. None that she could think of...

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon