Paulit-ulit na pine-play sa kanyang utak ang halik na ibinigay ni Donny sa kanya kanina. Para iyong panaginip at parusa. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Kung hindi lang nananakit ang puso niya ngayon, iisipin niyang gawa-gawa lamang niya iyon.
Lubos na sana ang saya niya kung hindi lang ito humingi ng tawad pagkatapos. Kung hindi lang siya nito iniwan habang naguguluhan at napapatanong kung bakit hinalikan siya nito ng ganoon. Pigilan man niya kasi ay hindi niya maiwasang umasa na may katugon ang nararamdaman niya para dito.
Ngunit kung totoo man iyon, why is he avoiding her with passion? Bakit sinabi nitong hindi niya ito dapat mahalin? Is it because of her father? Pakiramdam ba ni Donny ay tina-traydor nito ang kanyang ama kung sakaling magkaroon silang dalawa ng relasyon?
Wow. Her mind is so advanced. A romantic relationship with Donny? Ang sarap sanang isipin. Pero hindi naman talaga siya sigurado sa nararamdaman ni Donny para sa kanya. Paano kung hinalikan lang siya nito dahil una naman siyang nagpakita ng motibo? And the reason why he's sorry for it is because he felt guilty for Ysabel?
Now, that's a more logical reason.
Ang marahang katok mula sa kanyang pintuan ang nagpahinto sa kanyang malalim na iniisip. Her heart raced in anticipation as the door slowly opened. When it revealed her father, she felt ashamed of herself for being disappointed.
Agad niya iyong binura ng kanyang ngiti. Naupo siya sa kama mula sa kanyang pagkakahiga.
"How are you now, my princess?" malambing na tanong ng kanyang ama bago siya hinalikan sa noo.
Naupo ito sa gilid ng kanyang kama. Lumundoy iyon nang dahil sa bigat nito. Kinuha nito ang kanyang mga kamay at kinulong sa mga palad.
She stared at her strong father. There were times wherein she sees Donny in him. Both of them were strong, manly and very hardworking and passionate with what they're doing. Kumpara sa kanya, mas malaki ang pagkakahalintulad ni Donny sa kanyang ama, sa pisikal man o personalidad nito.
"I'm fine now, dad, really," she assured him. "I've never seen you that restless. You're always cool and in control," she chuckled.
Naiiling na nangiti ang kanyang ama. "Sobra ang pag-aalala ko kanina para sa'yo, Lily. Lalo na noong mawalan ka ng malay! I swear, if something bad happened to you, I can never forgive myself."
"Dad, it's just indigestion," nangingisi pa rin siya dahil sa pagiging exaggerated ng reaksiyon ng ama. But she cannot deny the happiness she's feeling. This only means that her father cares for her so much.
"Be careful next time, okay? Hindi ko na yata kakayanin pa sa susunod. I almost had a heart attack!" anito habang marahang hinahaplos ang kanyang buhok.
She nodded but still chuckled at that. "Mabuti na lang po Tita Mirasol was here kanina. And the tea she gave me helped in making me feel a lot better." Of course, Donny's brief visit a while ago too. And his toe-curling kiss...
Naging malamlam ang ekspresyon ng mga mata ng kanyang ama. He looked at her hands placed on his huge palm with that peaceful smile on his lips. "I'm thankful for her too."
"I like her very much."
Nag-angat ng tingin sa kanya ang ama. Mas lalong naging malapad ang ngiti nito. "You do?"
"Yes," she nodded enthusiastically. Aside from being Donny's mom, she likes Aling Mirasol because she's a very good person. "She's really warm and nice, dad. You're lucky to have a friend like her. 'Di ba friend mo rin po ang daddy nina Donny and Benjamin? Aileen told me before when I saw a picture of you with them in the library."
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfiction"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."