Marahas at mabilis ang tibok ng puso niya habang pinagmamasdan ang dulo ng baril na nakatutok sa kanya. One wrong move and she knew Hugo won't hesitate to pull the trigger. Mamamatay siya roon nang walang nakakarinig dahil sa silencer na nakakabit sa baril.
Bumaba ang mga mata ni Hugo kay Aileen na nakahandusay sa kanyang paanan. There was delight in his cruel expression. Sa ganitong sitwasyon, hindi ang ganoong ekspresyon ang aasahan sa taong nasa matino nitong pag-iisip.
"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang bumalik ng babaeng ito rito at kausapin ka. Sana nanatili na lang siya sa pinanggalingan niya. Pinabayaan ko na nga silang tumakas noon," paliwanag nito sa kalmadong tono.
She swallowed hard while keeping her eyes attentive with Hugo's every move. Iba na ang pakiramdam niya rito noon pa man pero hindi sumagi sa isip niya na makakaya nitong gawin ang lahat ng ito.
And why would she even think of him as a suspect? Kutob lang ang mayroon siya. Wala rin siyang maisip na rason para pagtangkaan ni Hugo ang buhay niya. Para ipahamak nito maging ang sariling pamangkin. Why is he doing this?
"I-Ikaw ang nagpapatay kanila Mae. I-Ikaw rin ang may gustong patayin ako," aniya sa mahina at nanginginig na tono.
Umangat ang tingin ni Hugo sa kanya. His hand was holding the gun lightly. Ngunit alam niyang oras na may gawin siyang hindi nito magugustuhan ay walang pagdadalawang-isip nitong papuputukin iyon sa kanya.
"Iyong una? Oo. Ako nga ang nagpapatay sa babaeng iyon. Malapit na kasi silang mahanap ni Donato at alam kong hindi magtatagal ay magsusumbong ito at madadawit ang pangalan ko. Sinubukan kong i-frame up si Donato sa krimen na iyon para mas mapadali pa ang pagpatay ko sa'yo pero ang Sorianong iyon ay ayaw maniwala na kayang pumatay ng pamangkin ko," Mang Hugo's lips curved into a sinister smile as he shrugged. Mukhang hindi naman nito inaalintana ng husto ang nabulilyasong plano.
Tumiim ang kanyang bagang at matapang ito'ng tinitigan sa mga mata. He looked so scary before but even more now. Even without the gun on his hand, she wouldn't even think that he wasn't dangerous.
"Pero kung iniisip mong ako rin ang nag-utos na lasunin ka...nagkakamali ka, Liberty. Pati ang paglagay ng tinik sa ilalim ng siyahan ni Bangis para magwala ito habang sakay ka ay hindi ko ideya," pagak ito'ng natawa. "Hindi sa ganoong paraan kita gustong mawala."
She gasped at her new discovery. She was right! Hindi lang basta aksidente ang pagwawala ni Bangis! Sinadya iyon pero hindi ni Hugo. May kasama pa ito na gusto rin siyang patayin.
"S-Sino ang may gawa no'n?" tanong niya rito.
Nais niyang kuhanin ang pagkakataon na iyon para kuhanan pa ito ng impormasyon habang bumibili ng oras para sa sarili. Hindi magtatagal ay hahanapin siya ng mga pulis. They just have to realize that she's been gone for too long.
Nalusaw ang ngiti ni Hugo habang mariing nakatitig sa kanya. D-um-oble pa ang bilis ng tibok ng puso niya nang sa mababagal na hakbang ay magtungo ito palapit sa kanya.
"Alam ko ang ginagawa mo. Kung sa tingin mong makakatakas ka sa'kin ngayon nagkakamali ka. Masyado ko nang pinatagal ito, Liberty. Dapat nga noon pang natuklasan kong ipinapahanap mo si Amador ay tinapos na kita. O siguro bago mo pa man muling baliwin si Donato at sirain ang lahat ng magagandang plano ko."
Her forehead knotted. She was about to speak again when she heard one of the policemen.
"Mrs. Pangilinan?" tawag nito.
Sandaling nakuha no'n ang atensiyon ni Hugo. Mabilis na nakabuo ng desisyon ang utak niya at bago pa man niya matanto kung gaano kahibang ang gagawin ay sinubukan niyang tabigin ang kamay ni Hugo na may hawak sa baril.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfic"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."