After a few exchange of texts with Donny, she decided to call her mother. Nagri-ring iyon ngunit hindi naman nito sinasagot. Dahil sa desperasyon na malaman kung nasaan ito, tinawagan niya na ang kanyang tiyo.
"Your mother is in Las Vegas right now, Liberty. Iyon ang huling pagkakaalam ko. Is there any problem, hija? I can send Tanya to assist you." Tanya is her tito George's secretary.
"No need, tito. Everything's fine here. I just really wanna talk to mom. Her phone's ringing but she's not picking up."
Humalakhak ang kanyang tiyo pagkasabi niya no'n. "We both know your mother, Lily. Nagpapakasaya lang iyon doon. Anyway, I'm sure you still don't know this. She broke up with your Tito Damian."
Nagilalas siya roon, "What?! How did that happen?"
"Apparently, your Tito Damian proposed to her during their trip. Ayaw ng mommy mo kaya nakipaghiwalay," kaswal na imporma sa kanya ng kanyang tiyo. "Sigurado ako'ng pagbalik ng iyong mommy dito ay ibang lalaki na naman ang bitbit no'n. Soledad never grows up."
Napabuntong-hininga na lamang siya. Gusto mang depensahan ang ina ay higit niya ito'ng kilala.
"Mabuti na lang at mukhang iba ka sa iyong mommy, Liberty," anang kanyang tiyo.
"Nagkausap kami ni Arturo at nabanggit niya sa'king maganda ang takbo ng relasyon ninyong dalawa? That's good, Liberty. The Dazas were a good friend of our family. Malaking pangalan din sila sa larangan ng pagne-negosyo kaya mas lalo iyong makakabuti. Ngayon nga ay nagbabalak muli kaming magsosyo ng ama ni Arturo sa isang malaking proyekto. If you marry Arturo in the future, just think of all the benefits it will bring us, Lily."
"M-Marry Arturo, Tito?"
Narinig niyang muli ang tawa nito sa kabilang linya. "Oh, don't worry, hija. Hindi pa naman ngayon. You're still too young. I'm sure Arturo's willing to wait until you're of age and ready."
Gusto sana niyang itama iyon. Una sa lahat, wala silang relasyon ni Turs. Not the kind of relationship that her tito is talking about. Ngunit naalala niya ang katangahang nagawa niya nang huling tawag nito sa kanya. Hindi niya naipaliwanag iyon ng maayos kay Turs.
"I need to go now, Liberty. Call me again if you need anything. Send my regards to your father." Napatay na ng kanyang tiyo ang tawag bago pa man niya mabuka ang labi upang magsalita.
Ang numero naman ni Turs ang sinubukan niyang kontakin. Dapat ay maitama na niya iyon sa lalong madaling panahon. Ngunit maging cellphone nito ay hindi niya matawagan. Nag-desisyon na lang siyang tawagan ito bukas at matulog na ngayon. Naalala niya ang 'date' nila ni Donny at hindi puwedeng may eye bags siya no'n.
Payapa at malalim ang naging tulog niya. Kinabukasan, napansin niya sa repleksiyon sa salamin ang pagiging maaliwalas ng kanyang balat at mukha. Kontento ang kanyang ngiti pagkalabas ng silid upang makakain na sa kusina.
Hindi niya naabutan ang kanyang ama. Alas-nuwebe na rin kasi at maaga ang trabaho nito sa bukid at kamalig. Ngunit halos lumuwa sa kanyang bibig ang puso nang si Donny ang mabungaran niya roon.
"Oh, Liberty, nariyan ka na pala. Nauna na ang iyong amang kumain kanina. Napasarap ba ang tulog mo, hija?" si Nana na naglalapag ng tinapay sa mesa.
"Y-Yes, nana..."
Palihim na ngumisi si Donny. Dumampot ito ng pandesal mula sa basket na nilapag ni Nana at tumingin sa kanya, "Kumain ka na."
She nodded her head. Sinisikap pigilan ang mangiti. Naroon si nana at ayaw niyang may mahalata ito sa kanila ni Donny. "G-Good morning, Donny."
"Morning..." malambing nitong bati.
"Himala at mukhang magkasundo kayong dalawa ngayon. Magmula yata noong dumating si Liberty dito, eh, nagkaka-initan kayong dalawa."
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfiction"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."