CHAPTER 24

3.4K 115 9
                                    

Naisin man niyang sundan si Donny ay hindi siya nabigyan ng pagkakataon. Ibinaling kasi ni Turs ang kanyang baba paharap dito upang makuhang muli ang kanyang atensiyon.

"Hey, baby, what is it? Hindi ka ba masaya na makita ako rito ngayon?" anitong kunwaring nagdaramdam sa kanya.

Kumurap siya at umiling. Iniisip ang ginawa nito kanina at ang maaaring naramdaman ni Donny tungkol doon. "N-No...I'm just...I'm just surprised. But...you s-shouldn't have done that Turs."

"What?" inosente nitong itinabingi ang ulo. Hindi niya alam kung sadya iyon o hindi.

"Y-You shouldn't have kissed me on the lips."

Itinaas ni Turs ang dalawang kilay nito sa kanya. His pinkish thin lips were smirking. "Is there anything wrong with that, Lily?"

Yes! Mali iyon! Maling-mali! Dahil sila na ni Donny ngayon at hindi na siya dapat hinahalikan pa ng iba. Ngunit gustuhin mang sabihin iyon kay Turs ay hindi niya alam kung saan mag-uumpisa. Magulo ang utak niya ngayon dahil sa biglaang pagsulpot nito!

"Sino nga pala iyong lalaking kasama mo kanina, Lily?" tanong nitong muli.

"H-He's...ahm...m-my..." but she trailed off when she noticed that his attention was already diverted on something.

Bumaba ang palad ni Turs sa kanyang palapulsuhan. Inangat nito iyon at kunot-noong pinagmasdan. Sa una'y hindi niya matanto kung ano'ng posibleng bumabagabag dito hanggang sa magsalita ito.

"Where's the bracelet that I gave you, Lily? Bakit hindi mo suot?"

Shoot! Umawang ang kanyang labi at pilit humagilap ng dahilan. Magkasalubong ang mga kilay ni Arturo habang hinihintay ang kanyang sagot. Kita niya ang tinitimping inis sa mga mata nito.

Ang ingay ng dumating na sasakyan ang umagaw sa kanilang atensiyon. Nilingon niya ang pick up ng kanyang ama hanggang sa tuluyan ito'ng huminto. Lumabas ang kanyang daddy mula roon. Ang kuryosong tingin ay agad napako sa kanyang kasama.

"Dad!"

Nahihiya siya dahil nakaramdam siya ng relief nang makita ang kanyang ama roon. Turs couldn't corner her anymore with his questions. Para niyang pinagtataksilan ang kaibigan dahil sa pagtatago niya rito sa katotohanan.

Tumuwid si Turs ng tayo upang mas maging pormal ang pagharap sa kanyang ama. Arturo flashed his pleasant and friendly smile before extending a hand to her father, "Good evening, Sir. I am Arturo Daza. You can call me 'Turs'."

Bakas man ang pagtataka sa kanyang ama ay tinanggap nito ang pakikipag-kamay ni Turs. "Albert Bernardo. Lily's father," her father as he formally introduced himself.

Nang magbitiw ang mga ito ay binalingan siya ng ama. He gave her a questioning look which she clearly understood. "H-He's...my friend, dad. Back in Manila."

Mula sa gilid ng mga mata niya ay kita niya ang pagsulyap ni Turs sa kanyang direksiyon. She pretended like she didn't notice it. Tumango na rin naman ang kanyang ama at mukhang tumakas na ang tensiyong nararamdaman niya mula rito kanina.

"Galing ka pa pala ng Maynila, hijo?" his dad's tone now is a little friendly for Turs.

"Yes, tito. I travelled all the way here to surprise, Lily."

His father smiled a little. But she could still see his defensiveness. Bumaling ito sa kanya muli. "Bakit hindi mo yayain ang bisita mo na kumain sa loob? Sigurado ako'ng pagod siya at gutom sa ilang oras na biyahe."

She nodded obediently at her father. Hinarap niya si Turs na naka-ngiti lamang sa kanya. "L-Let's go inside, Turs?"

Pumasok na silang lahat sa loob. Nagpaalam ang kanyang ama na maliligo lamang at magpapalit ng damit. Nauna sila ni Turs sa hapag. Hindi pa tapos ihain ang lahat ng pagkain. Puna niyang mas maraming iniluto ngayon para sa hapunan kaysa sa mga nakaraang gabi at malamang dahil iyon kay Turs.

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon