Patuloy ang pagsubok niyang pigilan si Turs sa binabalak nito kahit noong inilalabas na si Bangis sa kuwadra at handa nang sakyan. Doon pa lang ay halata niya nang aligaga ang kabayo at pinapakalma lamang ng haplos ni Donny sa bandang ulo nito.
"Turs...please..." she almost begged him.
Ngunit sa halip na magpapigil si Turs ay pinatabi lamang nito si Donny upang masakyan na si Bangis. Tumabi si Donny gaya ng gustong mangyari ni Turs. Nagtungo ito sa kanya habang si Turs ay maingat na tinatantiya si Bangis.
"Ako'ng bahala, Lily. Huwag ka nang mag-alala..." masuyo nitong sinabi sa kanya.
She nodded. Napalingon sa gawi ni Turs nang marinig ang alumpihit ni Bangis. Nabitawan ni Turs ang renda nito dahil sa lakas ni Bangis ngunit sa halip na magpakita ng pagsuko ay mukang mas naging determinado pa si Arturo na amuhin ito.
"Turs..." sinubukan niyang lumapit ngunit iniharang ni Donny ang braso nito sa kanya.
"Alam kong mahalaga sa'yo ang kaibigan mo kaya ayaw mo siyang masaktan," anito muli sa mababang tono. "Pero isipin mong mas masasaktan ako oras na may mangyari sa'yo, Lily, kaya diyan ka lang."
Dahil sa sinabi ni Donny ay hindi na niya muli sinubukan pang lumapit. Ipinagkatiwala niya na rito ang kaligtasan ni Turs.
Ilang beses na sinubukang hulihin muli ni Turs ang tali ni Bangis ngunit umiiwas lamang ang kabayo. The horse looked very distressed now. Himalang maituturing na hindi pa nito sinasaktan si Turs.
Lumapit na si Donny sa mga ito. Ngunit hindi pa man nito nakakalma si Bangis ay pinigilan na ito ni Turs.
"Back off! I can handle this!" sigaw nito kay Donny. "Give me a whip. Kailangan matutunan ng kabayong ito kung sino ang dapat masunod sa'ming dalawa."
"Dadaan ka muna sa'kin bago mo masaktan si Bangis," ani Donny sa galit na tono. Bawat salita ay naghahatid ng babala para kay Turs.
"For a mere helper you're too gutsy and proud!"
Ilang tauhan sa kuwadra ang lumapit na nang marahil ay marinig ang pagtatalo ng dalawa roon.
"Donny, may problema ba rito?" one of the stable staff asked.
Nagpatuloy ang sukatan ng tingin nina Turs at Donny. Ang buong akala niya'y susuko na si Turs ngunit sa halip ay sinuong nito si Bangis at nagpumilit na sumakay sa likuran nito.
"Arturo!" she shrieked when Bangis violently moved his body to get rid of Turs.
"Ano'ng nangyayari?" narinig niya ang tinig ni Ysabel mula sa kanyang likod ngunit kahit pa nakakabiglang naroon ito ay hindi niya ito mapagtuonan ng atensiyon.
Lalo na noong magwala muli si Bangis at sa pagkakataong ito ay bigo na si Turs na kumapit sa lubid nito.
"Arturo! Donny, please!" pa-hysteria na niyang sigaw.
Ilang tauhan ang lumapit kay Turs na namimilipit sa sakit habang nakahiga sa lupa. His clothes were now very dirty. Mabilis na nagtungo si Donny kay Bangis. Agad nitong nahuli ang lubid ng kabayong maging dito ay kumakawala rin.
Nakaramdam siya ng takot para kay Donny. Masyadong bayolente si Bangis ngayon dahil sa ilang beses na pagpupumilit ni Turs dito upang sakyan. Baka pati si Donny ay masaktan na rin nito.
But Donny seemed to know what to do. Maingat nitong hinaplos ang ulo ni Bangis. Kumikibot din ang labi nito na tila may ibinubulong sa kabayo. Ang bayolenteng mga kilos ni Bangis ay unti-unting napawi at kumalma.
She heaved a deep sigh of relief. Sinulyapan siya ni Donny at nginitian. Ngumiti siya rito pabalik at piping nagpasalamat. Nakabangon na si Turs at naabutan siya nitong nakatunghay sa direksiyon ni Doony. Nilusaw niya ang kanyang ngiti ngunit hindi iyon nakatulong para apulahin ang nagbabagang galit sa mga mata nito.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfiction"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."