Napa-ungol siya nang makagisnan ang matinding pananakit ng ulo. Sinubukan niyang abutin ang sentido ngunit pansin niyang hindi niya maikilos ang mga kamay. Nagmulat siya at natagpuan ang mga iyong mahigpit na nakapaloob sa mga kamay ni Donny habang yakap-yakap siya ng asawa mula sa likod.
Mas humigpit ang makakapal na mga braso nito sa mas maliit niyang katawan. Ganoon din ang ginawa ng mga binting ikinukulong naman ang mga binti niya. Naramdaman niya ang mararahang halik ni Donny sa kanyang batok na pansamantalang nagpalimot sa kanyang hangover.
"My head hurts, Donato," sumbong niya rito.
Naringgan niya ito ng mahinang halakhak. "Surprising. Nagsumbong si Cora sa'kin na halos gawin mong tubig ang lambanog kagabi."
Napanguso siya kasabay ng pagtapat nito ng mga mata sa kanya. Donny shook his head while smiling saka siya ginawaran ng mabilis na halik sa labi.
"Do you remember what you did and told me last night, Liberty? You asked me to make love to you. Iyon na ang pangalawang pagkakataon hindi ba? Tuwing lasing mo lang ba ako maiisipang yayain, asawa ko?" mahihimigan ng tawa at paglalambing ang tono nito.
Alam niyang pulang-pula ang kanyang mukha ngayon. Ginawa na naman niya iyon?! Bumalik sa kanya ang mga ala-ala na agad nagpa-totoo sa sinabi nito. Naalala niya rin ang mapangahas na sayaw at haplos niya sa asawa! Lalo siyang nanliit sa kahihiyan! Oh my God, and I even did it in front of so many people?!
"Shit..." marahang bulong niya.
Donny chuckled before giving her a kiss on her cheek. "Hindi ka pupuwedeng uminom kung hindi mo ako kasama. I don't want any other man receiving indecent proposals from you. I don't want you to seduce any man aside from me. No matter how frustrating that is, my wife."
Paano niya ba sasabihin kay Donny na hindi naman siya nagkaroon ng ganoong problema noon? Wala siyang niyayaya at hinipuan ng ganoon kahit pa gaano siya kalasing! Ang alam niyang pinaka-malalang nagawa ay nakipaghalikan sa isang random guy sa dance floor. But she cannot remember inviting anyone to sleep with her! Bakit kay Donny dalawang beses niya iyong ginawa?
Umarte siyang lalong inaatake ng pananakit ng ulo. Ngumiwi siya at umungol sa sakit. It worked because he stopped teasing her. Napalitan ng pag-aalala ang mga mata saka mabilis na bumangon. Lihim siyang napangisi.
"Gaano kasakit? Dadalhan kita ng gamot. Hintayin mo rito, Lily," sinabi nito saka tuluyang tumayo mula sa kama.
Akmang lalabas ito sa silid suot lamang ang itim na boxers nang pigilan niya. She cannot allow anyone to see him in that state kahit si Aling Lydia pa iyon!
"Put on some clothes, Donato!" saway niya na nakapagpaupo pa sa kanya sa kama.
Sinulyapan siya nito na may pang-aasar na naman na kinang sa mga mata. Pinanatili niya ang masungit na ekspresyon ngunit hindi natinag ang ngiti nito. "Yes, ma'am."
Pinakawalan niya ang kanina pa itinatagong ngisi nang maglaho ang asawa sa kanilang walk-in closet para mag-damit. Damn him for effortlessly making her happy. Dapat ay patuloy siyang nasasaktan ngayon sa mga narinig kagabi ngunit madaling napagaan ni Donny ang kanyang pakiramdam nang hindi nito nalalaman.
Totoong masakit ang ulo at sa kabila ng gamot na ininom ay hindi iyon kaagad nawala. Nag-desisyon siyang mamaya na magtungo sa hacienda para kumuha pa ng saglit na pahinga. Maghapon sana sila ni Donny sa loob ng silid at kontento nang magkatabi't magkayakap kung hindi lang nakatakdang dumating sa araw na iyon ang mamahaling kabayo na nais ipa-train sa kanyang asawa.
Alas-tres nang tuluyang malaho ang pananakit ng ulo ngunit hindi niya pa rin mapuwersa ang sariling magtungo sa hacienda. Tumawag na lang siya kay Mae roon para maipaalam kay Mang Roman na bukas pa siya makakabisita.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfiction"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."