Mas namayani ang ingay ng kanyang pusong marahas na pumipintig kumpara sa ingay ng paligid. As Donny walked closer, his brown eyes lazily drifted to her. He scanned her from head to foot. Nagsalubong ang mga kilay nito at tila problemado sa kung ano. She also noticed how his irises turned into a darker hue of brown.
Huminto ito nang tuluyang makalapit at binalik ang tingin sa lalaking nagpakilala sa kanya. Mas tumalim ang ekspresyon nito. Nakalimutan niyang hawak pa nga pala ng lalaki ang kamay niya dahil sa pag-focus ng buong mundo niya kay Donny.
He's wearing a black shirt that only defined his broad shoulders and lean upper body. Kapares no'n ang isang faded maong shorts na may ilan pang hibla sa laylayan nito. Iyon yata ang kauna-unahang pagkakataong nakita niya ito'ng nagsuot ng kulay itim.
And, damn her if he's not ten times hotter and more dangerous right now. Idagdag pa ang panganib na nakikita niya sa mga mata nito.
"Baka naman may plano ka nang bitawan ang kamay niya, totoy?" bakas ang iritasyon sa tono ni Donny kahit pa ngumingisi ang labi.
Ngunit walang maloloko ang ngiting iyon dahil halata sa mga mata nito ang pagbabanta. Para tuloy napaso ang lalaking may hawak sa kamay niya at agad na bumitaw.
Napalingon siya kay Lemuel na ngayon ay namumula at bakas ang takot sa mukha. Nahihiya siya nitong hinarap, "A-Aalis na pala ako, Lily. Maglalaro pa kami ng mga kaibigan ko."
"Nice to..." hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil dali-dali na ito'ng kumaripas palayo roon.
Hinarap niya si Donny ngunit kay Aileen ito ngayon nakabaling.
"Nagpaalam ba kayo sa bahay, Aileen? Bakit nandito si Lily?" kausap ni Donny kay Aileen na para bang wala siya roon at hindi niya ito naririnig.
"Oo, Donny. Nagpaalam ako kay Nana Conchita. Pumayag naman siya."
"Si Tatay? Sinabi niyo ba sa kanya?" nanatiling diskumpiyado ang tinig ni Donny.
"Sabi naman ni Nana Conchita siya na ang bahalang magsabi kay tatay Albert. Papayag naman siguro iyon. 'Tsaka hindi naman ito masyadong malayo rito at magkasama pa kami ni Lily."
But that didn't remove the scowl on Donny's face. Para bang hindi nito nagustuhan na naroon siya. Ganyan ba ito kagalit sa kanya? Nakaramdam ba ito na kaya siya naroon ay dahil...iniisip niyang makikita niya ito roon?
"Ano'ng oras kayo uuwi?" tanong nito muli kay Aileen.
Napansin niya ang pagtahimik ng mga kaibigan ni Aileen na nag-aasaran pa kanina noong malayo si Donny.
Donny's really scary when he's being serious like this. Mabait ito sa mabait, pero oras na maging ma-awtoridad na ito ay agad napapatiklop ang ibang tao. And she's not immuned to that effect. Kahit gustuhin niyang sumabat, napipipilan siya sa panganib na nararamdaman dito.
But she's not really scared. Hindi niya matawag ng ganoon ang kanyang nararamdaman. Mabilis ang tibok ng kanyang puso habang tinutunghayan ito ngunit hindi iyon sanhi ng takot.
"Tatapusin lang namin ang practice at uuwi na rin," tugon ni Aileen.
"Gabi na iyon masyado. Umuwi kayo ng mas maaga."
Napakamot na sa ulo nito si Aileen. Sinulyapan siya nito at kita niya ang pagkalito sa mga mata. That's when she decided to step in and include herself in the conversation. Saglit lang ang tinging ibinigay ni Donny sa kanya at nag-iwas na kaagad.
"U-Uuwi naman kami ng maaga. Don't worry; I won't get you into trouble again like yesterday. Promise..."
Hindi siya nito inimikan. Sandali ito'ng tahimik bago suminghap. Kitang-kita sa mga mata ang frustration nito. "Basta umuwi kayo kaagad, Aileen."
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfic"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."