Gaya ng sinabi ni Doctor Sarosa, pinayagan na nitong mai-discharge ang kanyang daddy sa sumunod na araw. Hindi naitago ng kanyang ama ang saya nito dahil sa balitang iyon. Bakas na bakas sa anyo nito ang pananabik na umuwi sa hacienda.
"I'll just settle the bill—"
Tatlong magkakasunod na katok sa pinto ang nagpahinto sa kanya sa pagsasalita. Because her tita Helga was the closest to the door, ito na ang nagbukas niyon. Nagliwanag ang mukha nito nang makita kung sino ang bisita. Samantalang siya'y pinaghalong inis at pagkamangha ang agad na naramdaman.
"Donato!" her tita joyfully exclaimed. "I didn't expect you'll come here today. Pauwi na kami."
Tumango si Donny dito nang may tipid na ngiti sa mga labi. She's waiting for him to look at her way so he would see her sharp glare. Ngunit hindi man lang siya nito nililingon na mas lalong kinainis niya.
What is he doing here, anyway? Ang tanda niya'y magka-away sila. Akusahan ba naman siya nitong naglalaro ng mga lalaki! But then she realized that she cannot put all the blame on him. Sino ba'ng mag-iisip na isa siyang matinong babae kung sinabi niyang may ka-relasyon na siya pero hindi lamang niya pinayagan ito'ng halikan siya, tinugunan niya pa? And she even asked him to make love to her! Mabuti na lang at maaari niyang idahilan ang pagkalasing niya no'n.
Then fine. Patas na sila nito. Mas mabuti na ngang isipin ni Donny na isa siyang masamang babae at hindi siya naging seryoso sa relasyon nila noon. Mas tamang kamuhian na lang nila ang isa't-isa upang hindi na nito muling guluhin pa ang nananahimik na niyang puso.
"Kaya po ako nagpunta ngayon para tulungan kayo sa mga gamit. Kasama ko rin ang dalawa pang tauhan sa rancho. Ako na ang maghahatid sa inyo pauwi."
"Oh! Hindi na tayo mahihirapan, Lily," malapad ang ngiti ng kanyang tiya nang balingan siya. Like she's expecting her to be happy with what Donny told them, as well.
"Didn't you bring the car, Tita? We're fine. Salamat na lang sa offer mo," aniyang naka-direkta kay Donny. Lumingon ito sa kanya. And when their eyes met, her heart fluttered like how it usually does for him. "Magbabayad na po ako—"
"Nakapag-bayad na ako. Paakyat na ang nurse rito para dalhin ang wheelchair at alisin ang suwero," he said in a very formal tone.
Halos malaglag ang kanyang panga sa gulat dahil sa sinabi nito. And here she thought that he couldn't be more irritating!
"Totoo ba iyon, Donny? You don't have to do that, hijo. Napakalaki nang abala ang naidulot namin sa'yo simula pa noon. Sobra-sobra na ito," nahihiyang sabi ng kanyang Tiya Helga rito.
Muling hinarap ni Donny ang kanyang tiya. Totally ignoring her growing annoyance for him.
"Hindi ho ito abala sa'kin. Kung tutuusin, kulang pa ang lahat ng ito sa naging tulong ni Sir Albert sa'min."
"Tita's right," naglakad siya palapit sa tiya upang makuha ang atensiyon ni Donny. Luminga ito sa kanya. His eyes were cold and expressionless as he looked at her. Parang gusto niyang matunaw. "We're very much capable to pay for my father's hospital bills. Hindi ka na sana nangealam pa," aniyang hindi na naitago pa ang talim sa tono niya.
"Liberty..." saway ng kanyang tita Helga sa kanya.
Hindi nabura ang pagkaka-simangot ng kanyang mukha. Hindi siya natutuwa sa pangengealam na ginagawa ni Donny. What's his goal for doing this?
"Good morning po," bati ng isang lalaking nurse sa kanila na tulak ang wheelchair dahilan ng pagkaka-tahimik niya.
"Lily," anang tiya na halatang pinipigilan siya sa mas paghuhurumentado roon bago nito magiliw na hinarap ang nurse.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfic"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."