"Walang dapat ikabahala, Albert. Lily is fine. It's just a simple indigestion," the doctor told her still worried father.
"Sigurado ho ba kayo, Doctor Manansala? I'm not questioning your credibility. Pero hindi ba talaga kinakailangang isugod si Lily sa ospital?" maririnig pa rin sa tono ng kanyang ama ang labis nitong pag-aalala.
Nangingiting umiling si Aling Mirasol. Nang magmulat siya kanina ay ang doktor at ito ang nabungran niyang kasama ng kanyang papa. Maybe her father called Aling Mirasol. Balisa ito kanina at tila ba hindi alam ang gagawin kaya marahil kailangan ang suporta.
"Kumalma ka na Albert. Sinabi na ng doktor na walang malalang problema," tinignan siya ni Aling Mirasol at nginitian. "Nabanggit ni Aileen sa'min na kumain ka raw ng fishball kahapon, Liberty? Naparami ka ba ng kain?"
She smiled shyly at Aling Mirasol. Nanghihingi naman ng tawad ang ngiting binigay niya sa kanyang papa.
"S-Sorry, dad. It was my first time to try it! M-Masarap pala ang fishball at kikiam, dad. Especially the quail eggs coated in orange something. K-Kaya...po...tuloy..."
Natatawang hinawi ni Aling Mirasol ang kanyang buhok. Her hand was gentle and warm. So as the smile on her beautiful bare face. Habang hindi magkanda-ugaga ang kanyang ama ay nanatiling kalmado si Aling Mirasol. Ito ang nagpapa-panatag sa kanyang papa kanina habang sinusuri siya ng doktor.
Her father sighed, "Princess..."
"Sorry," she smiled apologetically again.
"See, Albert? There's nothing to be worried about," tinapik ng doktor ang balikat ng kanyang ama.
Tumango ang kanyang ama at kahit paano'y nakita niya ang relief sa anyo nito. Nagpaalam na rin ang doktor dahil may iba pa ito'ng pasyenteng kailangang puntahan. Nag-excuse sa kanila ang kanyang papa upang maihatid ito sa baba.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo, Lily?" marahang tanong ni Aling Mirasol sa kanya nang maiwanan sila.
"Yes, tita. Thank you for being here to calm dad."
"Mahal na mahal ka ng daddy mo, Liberty. Nag-alala siya ng labis sa'yo kanina nang mawalan ka ng malay," anito sa malumanay na tono.
Hindi niya maiwasang makaramdam ng guilt dahil doon. Napansin iyon ni Aling Mirasol kaya naman inalo rin siya nito.
"Ayos na iyon, Lily. Huwag mo na ring isipin. Ang mahalaga ngayon ay maging maayos ka. Gusto mo pa ba ng tsaang ipina-inom ko sa'yo kanina? Maginhawa ba ang pakiramdam mo roon, hija?"
"Yes, please, tita. Thank you," she beamed.
Tumayo ito para magtungo sa bedside kung saan ang dala nitong thermos. "Ito rin ang pinapa-inom sa'min noon ng nanay kapag masakit ang tiyan o kaya 'di maganda ang pakiramdam."
Pinanood niya si Aling Mirasol habang sinasalinan ng panibagong tsaa ang kanyang tasa. Simple ang bestidang suot, naka-pusod ang mahaba at itim na buhok at walang kahit na ano'ng kolorete sa mukha at katawan. Donny and Benjamin were lucky to have Aling Mirasol as their mother. She's so warm, gentle and caring. Very motherly.
Hindi niya maisip ang kanyang mommy na inaalagaan siya ng ganito. Whenever she's sick, her yaya Rene is the one who takes care of her. Kukumustahin lang ng mommy niya ang kanyang kondisyon o bibisitahin sa kanyang silid kung nagkataong wala ito'ng party na dinaluhan at nasa bahay lang pero hindi siya personal na aasikasuhin.
Humarap si Aling Mirasol sa kanya dala ang tasang may lamang umuusok pang tsaa. Maingat ito'ng naupo sa gilid ng kama niya. "Maganda ito'ng inumin ng mainit para mas maginhawaan ka. Pero mag-ingat ka, Lily, ha? Baka mapaso ka."
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfiction"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."