WARNING: R-18
-------------------------------------
After the simple ceremony, they headed to a restaurant near the hotel where they're staying to eat. Giniya siya ni Donny sa mesang nasa sulok ng mamahaling restaurant. Hindi niya napigilang sulyapan ito nang matagpuan ang bungkos ng rosas sa ibabaw ng mesa at maliit na cake na nababalutan ng kulay puting icing.
"For my wife..." he murmured before giving her a kiss on the temple. Kinuha nito ang bulaklak at ito mismo ang nag-abot no'n sa kanya. "...I want to celebrate our marriage."
Nais niyang kastiguhin ang ginagawa nito. He doesn't need to do this because, first, they both know that this wasn't a real marriage. Kinasal sila dahil may kailangan sila sa isa't-isa ; kung ano man ang layunin at pakinabang ng pagpapakasal nito sa kanya. Kaya walang dahilan upang i-celebrate ng ganito ang okasyon.
Kinuha niya ang bulaklak mula rito ngunit siniguro niyang mahahalata nito ang kanyang pagsimangot. Pinagmamasdan siya nito ngunit sa halip na magtanong, itinuon na lang ang atensiyon sa paghila ng silyang para sa kanya.
Naupo siya saka nilapag ang bulaklak sa isang tabi. In-okupa ni Donny ang upuan sa harapan habang napapasulyap sa kanyang gawi.
"What's wrong?" anito nang marahil ay hindi makatiis. Hawak na ang menu at naka-antabay ang waiter para sa kanilang order ngunit wala sa alinman ang atensiyon.
"Nothing," she replied coldly. Ibinigay niya na rin ang order sa waiter bago marahang tiniklop ang menu.
Naninimbang ang tingin na ibinibigay sa kanya ni Donny. She chose not to stare back and just looked around the restaurant. Nais niyang makasiguro na walang nakakakilala sa kaniya roon na maaaring magkapagsabi sa kanyang ina o kahit sa Tito George niya. They do not have to know about this or it would be a disaster.
Binalaan na siya ng kanyang mommy tungkol sa pakikipaglapit muli kay Donny bago ito umalis at nabanggit din nitong hindi nagugustuhan ng tito niya ang 'hindi nila pagkakaintindihan' ni Arturo. Ano pa ngayong malaman ng mga ito na kinasal siya sa ibang lalaki at sa panganay pang anak ng babaeng kinamumuhian ng kanyang mommy?
Kaya mabuti nang mag-ingat siya. Sapat nang ang mga tauhan nila ni Donny ang makaalam tungkol sa biglaan nilang pagpapakasal na dalawa dahil, unang-una, iyon naman ang plano. Matinding pakikipagsapalaran na nga iyon dahil hindi pa rin imposibleng makarating iyon sa tiyo pero wala naman siyang mapagpipilian. She's already desperate to keep the hacienda intact.
"If you'll continue acting like a spoiled little brat, kahit ikasal ka ng ilang beses sa'kin 'di ka gugustuhing balikan ng mga tauhan mo," ani Donny nang umalis na ang waiter dala ang kanilang order.
"I'm not acting like a brat!" she hissed.
Nanunuya ang ngisi nito ngunit malinaw ang nagbabadyang panganib sa mga mata. "Bakit kanina ka pa hindi mapakali? May hinahanap ka ba?"
"I'm looking around for people who might recognize me. Hindi puwedeng malaman ni Tito George ito, Donny, even mommy. Alam mo naman siguro kung bakit."
"Wala naman siguro silang gagawing hindi maganda sa'yo," anito.
Sa kanya, oo. Pero paano dito? Hanggang ngayon, tuwing naaalala niya kung paano ito nawalan ng malay dahil sa labis na pambubugbog ng bodyguards ng kanyang mommy noon, nangangatog pa rin siya sa takot. Kahit na alam niyang kaya nang depensahan ni Donny ang sarili nito ngayon, 'di pa rin niya maiwasang mangamba para dito.
"Hindi rin ako papayag na may ibang manakit sa'yo. Kahit sabihin mong pamilya mo pa ang mga iyon, Lily," mariing dagdag nito.
Bahagya siyang nagyuko ng ulo. Natagpuan niya ang kanyang daliring ina-adornohan na ngayon ng dalawang singsing. Her engagement and wedding rings. Hinaplos niya ang mga iyon kasabay ng kakaibang init na bumalot sa puso niya. She still can't believe that she's married to Donny now. Parang kailan lang pinapangarap ito ng kanyang batang puso...and now it really happened.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfiction"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."