CHAPTER 42

3.1K 93 13
                                    

"I'm really sorry that I wasn't able to come, Lily," bigong-bigo pa rin ang tono ni Sam nang tawagan siya nito sa telepono. Tatawagan na rin dapat niya ito nang araw na iyon ngunit naunahan siya nito.

She smiled although her friend wouldn't be able to see it. "It's okay, Sam. No worries."

Wala kasi ito'ng nakuhang flight na sasakto sa araw ng libing ng kanyang daddy. Hindi na rin niya ito inudyukan pang magtungo roon. Alam niya kasing abala pa rin ito sa preparasyon ng sariling kasal at sa lahat ng trabahong kailangan nitong akuin para sa kanya.

"How are you feeling now?" marahan nitong tanong.

Limang araw na rin ang nakalipas magmula noong libing ng kanyang daddy. Kahit paano'y unti-unti niya nang natatanggap. Nakakatulong din ang pangakong binitawan niya sa ama upang magkaroon siya ng rason na magpatuloy sa buhay.

"I'm fine," aniya at totoo iyon. "I know dad's already in a good place now. Matagal din siyang pinahirapan ng kanyang sakit."

"Right." Nakikita niya sa isip ang malungkot nitong tango.

Humugot siya ng malalim na hininga upang alisin ang bikig na namumuo sa kanyang lalamunan. She may really be fine now but that doesn't mean she never missed her father. Hindi na nga siguro maaalis pa ang pangungulilang ito habang nabubuhay siya.

"I'm really glad you called, Sammy. Actually, I intend to call you today. May...mahalaga ako'ng gustong sabihin sa'yo."

"Yes. What is it?" her friend, more attentive.

"Hindi pa ako makakabalik diyan. And to be honest, I don't know if I'll be able to come back and live there ever again. Iniwan ni daddy sa'kin ang pangangalaga ng hacienda na ilan taon na ring pinapatakbo ng pamilya namin at hindi ko ito basta-basta puwedeng iwan."

Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa kabilang linya at naiintindihan niya iyon. Sa totoo lang ay mahirap din para sa kanya ang desisyon lalo na dahil kaibigan niya si Sam at hindi niya ito gustong iwanan. Maganda rin ang kasalukuyang itinatakbo ng business at nasisiguro niyang bigyan lang ng ilang taon, mas lalo pa iyong lalago.

"I understand," anito, tunog malungkot. Tila nabasa ang kanyang iniisip, maagap ito'ng nagdagdag. "Really, I understand, Lily. Hindi ko pino-problema ang business. I could look for another business partner and designer but...I don't think it will ever be the same again."

"Samantha..." nagbuga siya ng hangin.

Kung hindi lang siya nahihiya sa lahat ng trabahong naiiwan dito at mga responsibilidad na hindi niya magampanan dahil malayo, hindi niya gagawin ito. Mame-miss niya ang kaibigan at ang trabahong natutunan niya nang mahalin. Ngunit hindi niya magagawang biguin ang kanyang daddy. Her father loves this hacienda so she'd take care of it for him.

Ilang oras nilang pinag-usapan ang tungkol doon. Malungkot ang mga boses at mabibigat ang dibdib sa desisyon. Hindi na rin siya makapangakong makakarating sa kasal nito na mas lalong nagpabigat lang ng kanyang loob. It will be two weeks from now and there's still too much to do...and to learn. Hindi siya maaaring basta-basta umalis ngayong nangangailangan na ang hacienda ng mamumuno rito.

Matapos ma-finalize ang mga hakbang na kinakailangang gawin at mga plano ni Sam para sa negosyo, nagpasya silang tapusin na ang tawag. Ngunit nabitin ang pagpatay niya sa tawag nang muli ito'ng magsalita.

"Wait. Nagka-usap na ba kayo ni Arturo, Lily? He stopped asking me about you."

Suminghap siya. "Not yet. And I don't think he still needs information from you. He knows I'm here."

"So...he already visited you?"

"No, he didn't. Pero naka-usap ko ang sekretarya ng Tito ko at napag-alaman kong nasa business trip siya ngayon. She didn't know when he is coming back, though."

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon