CHAPTER 37

3.3K 112 13
                                    

Kahit noong iwanan na siyang muling mag-isa ng tiya, nanatili pa rin ang isip niya sa huling pinag-usapan nila. So, that is how Donny acquired everything back. She must admit...napahanga siya nito. He may have enough capital to start a business but without proper skills and knowledge, it won't prosper. She's a businesswoman herself so she knows.

At kung sinabi ng tiya niya na si Donny ngayon ang sumusuporta sa pinansiyal na pangangailangan ng hacienda upang magpatuloy pa rin operasyon nito, she's certain that the money he's making from his business is no joke. Who would've thought, right? Ang dating trabahador nila ang siya ngayong tumutulong sa hacienda upang hindi tuluyang bumagsak?

The young Liberty would've been so proud. Wala namang ginawa si Donny noon ang hindi niya hinangaan. Her younger version, she means. Ngayon...ang tanging nararamdaman niya ay ang kagustuhan na bayaran ang lahat ng ginastos nito para sa hacienda. She doesn't want to be indebted to him in any way. Kayang-kaya niya namang tustusan ang lahat ng pangangailangan ng hacienda at gayon din sa kanyang ama.

Natigilan siya nang may mapansin matapos isilid ang huling piraso ng damit sa kanyang cabinet. She took the small bottle in her hand and stared at the dead flower inside.

Sa tagal na naka-imbak doon ng bulaklak, halos hindi na iyon makilala. Ngunit tandang-tanda niya kung gaano iyon kaganda nang ilagay iyon ni Donny sa gilid ng kanyang tenga. Ang alam niya ay tinapon niya na ito. But someone probably thought that she threw it by mistake so now it's still here.

She couldn't help but smile at her silliness. At kung hindi pa sapat iyon para mas ikahiya niya ang dating Liberty, naalala niya ang lahat ng katangahang nagawa niya dahil lang sa kanyang paghanga kay Donny. Probably the most stupid thing of all the stupid things she did for him was when she'd willingly given herself to Donny.

Bumaba siya upang mananghalian habang iniisip kung paano niya kakausapin si Donny tungkol sa pagbabayad niya rito ng utang. Hangga't maaari talaga ay ayaw niya ng kahit na ano'ng interaksiyon dito. His presence is just...too much for her to handle and he's confusing her. Kapag hindi niya ito nakikita ay mas madaling mamuhay ng payapa.

Ang buong hapon ay nilubos niya sa pagbabantay sa kanyang daddy. Siya ang umaasikaso sa mga pangangailangan nito habang ang tiya ay kausap ang pamilya nito. Kasama ng kanyang Tita Helga ang Tito at dalawang pinsan niya nang unang umuwi rito but they can't stay too long because of work.

Nang maka-tulog ang kanyang daddy, naging abala naman siya sa pagbabasa ng mga panibagong resume na pinadala sa kanyang email. Ang mga aplikante para maging private nurse ng kanyang daddy ay pawang may magagandang credentials. But she wanted to pick only the best ones of the bunch. Mag-schedule siya ng interview. Siguro bukas o sa makalawa.

Kumatok ang kanyang tiya sa pinto nang oras na para sa hapunan. Her father is now wide awake. Mas masigla na rin ang anyo nito kaysa kaninang dumating sila. He even insisted on eating with them on the dining hall instead of having dinner in the comfort of his room. Maligaya nilang sinang-ayunan iyon ng kanyang tiya.

They were all smiling as they went out of the room. The atmosphere was light and she's happy to see that her father is so happy. Hawak niya ng mahigpit ang kamay nito habang ang tiya Helga niya ang nagtutulak sa wheelchair nito patungo sa komedor.

"M-Magandang gabi..." Mirasol's greeting stopped them abruptly. Mag-isa lamang ito.

Narinig niya ang pagsinghap ng kanyang tiya habang ang ekspresyon niya'y ginawa na lamang blangko. Naramdaman niya ang marahang pagpisil ng ama sa kanyang kamay.

"M-Mirasol!" bulalas ng kanyang tiya. Her tone was marked with shock and worry. "What brought you here?"

Nilingon siya ni Aling Mirasol nang may pag-aalala sa anyo. Siguro ay inaasahang magwawala siya at kakaladkarin ito paalis doon. But she won't cause any trouble now that her father is watching. Ayaw niyang bigyan ito ng sama ng loob kaya nanatili siyang walang reaksiyon.

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon