She was so shocked that she probably stopped breathing. Pabagsak siyang napaupo sa gilid ng kama nang magsimulang mangatog ang mga tuhod niya. She tightened her grip on the phone when it started to slide from her hand.
Bumuka at nagsara ang labi niya para sa mga salitang hindi mahanap. Pinaslang si Mae at ang buong pamilya nito. Ang itinuturong salarin ay ang mga tauhang inutusan ni Donny para hanapin ang mga ito. Now SPO4 Soriano wanted to talk to her husband. Hindi niya kailangang maging pinaka-matalinong tao para maintindihan kung ano ang nangyayari.
"Y-You think my husband is behind the murder." Nanginig ng husto ang kanyang mga labi habang sinasabi ang mga katagang iyon. Nagbabara ang kanyang lalamunan at nahihirapan siyang huminga sa bilis ng tibok ng kanyang puso.
Suminghap ang pulis na nasa kabilang linya. Pumikit siya ng mariin at pilit pinatatag ang sarili. Nahahabag siya sa sinapit ni Mae at ng pamilya nito ngunit hindi siya naniniwalang magagawa ng asawa niya ang ganoon.
Donny might be harsh sometimes, alright. May mga nasasabi ito bunsod ng matinding galit dahil sa kagustuhan nitong protektahan siya. Pero alam niyang hindi ito papapatay ng isang buong pamilya kahit na para pa iyon sa kanya. He's just not that kind of person.
"Mabuting tao ang asawa ko, Sir. Hindi niya magagawa iyon," aniyang may halong determinasyon at pagmamakaawa ang tinig.
"Alam ko iyon, Mrs. Pangilinan. Sa katunayan, iyon din ang dahilan kung bakit ako tumawag imbis na bigla na lang magtungo riyan. Kilala ko si Donato at ang pamilya niya magmula pa pagkabata dahil dito na rin ako sa bayan na ito tumanda. Pero may proseso ako'ng kinakailangang sundin. Sangkot ang mga tauhan niya rito kaya tama lang na maka-usap namin siya tungkol dito."
Tears escaped from her eyes. Pinalis niya ang mga iyon habang tumatango sa sinasabi nito. It's a little comforting to know that the officer believes of her husband's innocence too. Marami ring makakapag-patunay sa kabutihan ng kanyang asawa. Ngunit hindi mabura-bura sa kanya ang pag-aalala.
"Wala kang dapat ikabahala, Mrs. Pangilinan. Ganoon din si Donato. Kung wala siyang kinalaman dito, mapapatunayan iyon sa imbestigasyon at malilinis ang kanyang pangalan."
Bumuntong-hininga siya at kahit paano'y naibsan ang bigat sa kanyang dibdib. Naniniwala siyang mapapatunayan nga na walang kinalaman sa pangyayari si Donny. At umaasa rin siya na kung sino man ang tunay na may sala sa krimen ang siyang magbayad para sa ginawa nito kanila Mae. Kahit na may nagawa sa kanyang hindi maganda ang huli, hindi sa ganitong paraan niya nais humantong ito.
"Nariyan ba si Donny, hija? Gusto ko muna siyang maka-usap. Hindi ko matawagan ang numero niya," ani SPO4 Soriano pagkaraan ng ilang sandali.
"W-Wala po siya rito, Sir. He's in Tagaytay for a very important appointment with a client. Kakatawag niya lang sa'kin kanina..."
Tahimik sa kabilang linya ng ilang sandali matapos niyang ibigay ang impormasyon na iyon. Nang ilang sandali pa'y wala pa ring imik ang pulis ay nagsalita siyang muli.
"Sir?" untag niya.
"Saan mismo sa Tagaytay, Mrs. Pangilinan?" SPO4 Soriano's tone became stiffer. Dahil doon kaya nagbalik ang kanyang pag-aalala.
"Chronos Riding Club, Sir," sagot niya. "M-May...May problema po ba?"
"Malapit lang kami..." tugon ni SPO4 Soriano. "Kailangan ko na munang ibaba ang tawag, Mrs. Pangilinan. Magandang araw sa inyo."
They're just near? Kung ganoon...nasa malapit lang din ang pinangyarihan ng krimen?
Marami pa sana siyang tanong sa pulis ngunit naibaba na nito ang tawag. Maaaring sa mga sandaling ito ay patungo na ang mga ito kay Donny. Panic is starting to rise in her throat. Ngunit pilit pa rin niyang kinakalma ang sarili.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfic"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."