They kissed and cuddled the whole night until they both fell asleep with numb lips. When she woke up the next day, she immediately longed for the feeling of Donny's warm and strong body and protective arms around her.
Bumalikwas siya upang suyurin ng tingin ang buong silid. Nang natantong talagang mag-isa na siya roon ay bumalik siya sa pagkakahiga. Marahil ay maagang umalis si Donny. Masyadong napasarap ang tulog niya kaya hindi na niya namalayan.
Inalala niya na lamang ang lahat ng bagong tuklas mula kay Donny kagabi at sapat na iyon para bumalik ang kanyang saya. Matagal na itong may gusto sa kanya! At tuwing maiisip niyang iyon ang dahilan kung bakit kailanman ay hindi nagka-girlfriend o nanligaw man lang si Donny ay parang kinikiliti ng libong paru-paro ang kanyang tiyan.
Nanatili ang ngiti sa kanyang labi hanggang sa mag-desisyon siyang bumangon na at simulan ang kanyang araw. Ngunit natigil ang akmang pagtayo mula sa kama nang mapuna ang isang tangkay na bulaklak sa bedside table. May kasama pa ito'ng maliit na note.
Dinampot niya ang bulaklak at ang note bago binasa ang nakasulat doon.
Kung puwede lang sanang matulog at gumising palagi sa tabi mo. Ang sarap mong pagmasdan, mahal ko :)
I love you, princess. –Donny
Pigil niya ang tili dahil doon. Sinulyapan niyang muli ang bulaklak at tila nababaliw na hinalikan ang talulot nito. Sa halip na magtungo na sa banyo para makaligo ay naghanap pa siya ng maaaring lagyan ng bulaklak na iyon.
She found an empty vase from the cabinet. Agad niya iyong pinuno ng tubig. Ipinatong niya ang vase sa bedside nang ma-kontento na roon. Ilang beses niya ring binasa ang note na iniwan ni Donny para sa kanya. His handwriting is so neat and perfect. O dahil mahal niya ito kaya wala talaga siyang maipintas dito?
Maingat niyang itinago ang note kasama ng pinaka-mahalaga niyang mga gamit. Naligo na siya at nagbihis ng panibagong damit. Habang tinutuyo ang buhok sa pamamagitan ng tuwalya ay nahagip ng tingin niya ang kanyang cellphone. Naalala niya ang naging pag-uusap nila ni Donny kagabi.
Lumapit siya roon upang subukan muling kausapin ang ina. Nagpadala muna siya ng mensahe kay Donny bilang pasasalamat sa pagtulog nito sa silid niya kagabi at sa bulaklak na may kasamang note bago d-in-ial ang numero ng kanyang ina. Sana naman ay damputin na ng mommy niya ang kanyang tawag!
Mukhang mabilis na nakarating sa langit ang kanyang panalangin dahil ilang ring lang ay sinagot na ng kanyang mommy ang cellphone nito. Ngunit ang unang sumalubong sa kanyang pandinig ay ang napakalakas na musika at ingay ng mga taong nagkakasiyahan sa background.
"Liberty, darling!" her mommy in a shrill tone.
She shut her lids firmly. Hindi na niya kailangan pang tanungin ito para malamang naka-inom ang kanyang ina. It's so evident with her tone. "Mom...I've been trying to call you for days! Why are you not answering your phone?"
Her mother laughed flirtatiously. Ilang tinig ang narinig niya sa kabilang linya.
"I'm sorry I didn't hear you, sweetie. What is it again?"
Sinapo niya ang noo. "Where are you?! Tito George told me that you broke up with tito Damian. Is that true mom? Why didn't you even tell me?"
"Oh..." humalakhak ang kanyang ina. Para bang wala lamang dito ang narinig. "I don't know that you're interested about my relationships, Liberty, darling! But, yes, it's true! Wala na kami ng Tito Damian mo. It's all good, sweetie. Don't worry about me! In fact, I'm dating a new guy right now—"
"Mom! Please!" nag-ikot siya ng mga mata.
Ang nakakalokong halakhak ng kanyang ina ang sumunod niyang naulinigan. "What? I thought you want to know. Well...hindi pala ako ang dapat na pinag-uusapan natin dito, Liberty. Is it true that you and Arturo are in a relationship now? Oh my god, that man is so hot, Liberty. Good choice, darling. You really are my daughter!"
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfic"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."