Kahit pinahintulutan, hindi binalak ni Lily na sundan ang asawa sa library. She wanted to give Donny space to think and time to cool his emotions down. Matapos niyang magalang na ipaligpit kay Aling Lydia ang mga pagkain at magpaalam dito, dumiretso na siya kaagad sa kuwarto.
Noon pa'y alam na niya kung gaano kalapit si Donato at Benjamin sa isa't-isa. Donny adored his brother and Benjamin has the utmost respect for Donny. Nalulungkot siyang makitang magkagalit ang dalawa nang dahil sa kunwariang kasal na ito. Kung maaari lang ay ibinunyag na niya kanina sa mga ito na hindi magtatagal ang pagsasama nilang dalawa ni Donny. Makabawas man lang iyon pagdaramdam ni Benjamin.
Nagbuga siya ng hangin at nahahapong napa-upo sa gilid ng malawak na kama.
Ang away ng magkapatid ang bumabagabag sa kabilang panig ng utak. The other half was bothered with something else. Hindi niya kailanman nalaman ang tungkol sa pagsunod ni Donny sa kanya sa Maynila. Kaya naman ngayong ibinunyag iyon ni Benjamin, naghalo-halo ang kanyang pakiramdam.
Nalilito siya, naguguluhan, nasasaktan. Hindi niya alam kung ano'ng posibleng mangyari kung sakali mang nakaharap niya si Donny noon nang sundan siya nito pero hindi niya rin maitanggi ang saya sa kanyang puso. He followed her. Kahit alam nitong galit siya at posibleng masaktan ito'ng muli...sumunod ito sa kanya.
Pinilig niya ang ulo at mariing pinikit ang mga mata. She shouldn't think much about it. Sa halip na ito ang problemahin niya, ang pamamalakad sa hacienda at ang pagkuha sa loob ng mga tauhan ng ama ang dapat iniintindi niya. That's the reason why she risked her heart and bargained with the devil, in the first place. Masasayang ang lahat kung patuloy siyang madi-distract ng ibang bagay.
Mabilis kumilos ang kamay ng orasan. Hindi na niya napigilan ang antok kaya naghanda na sa pagtulog. Gumapang siya sa malaking kama matapos mapatay ang ilaw. Nanlalamig dahil sa pag-iisa niya roon. Marahil ay nakatulog na rin si Donny sa library o sa alinmang silid sa bahay na iyon.
Naalimpungatan siya nang may malakas na mga brasong nag-angat sa katawan niya. Mula sa malambot na kutson ng kama, nilapag siya sa mainit at matigas na bagay. But, fascinatingly, tila mas kumportable ang kinahihigaan niya ngayon kumpara sa kamang pinanggalingan niya.
"Good night, princess," Donny whispered soothingly.
Bumalik siya kaagad sa pagtulog. Mas kumportable at kontento ngayon.
Nag-inat siya nang magising sa liwanag na sumasabog sa kabuuan ng silid. Pagkamulat niya, ang naaaliw na tingin ng asawa ang sumalubong sa kanya. He's already dressed for work on the field. His massive frame and muscled body was now sheathed with a flannel shirt on top of a black sando, faded maong and brown boots.
Even on his casual working attire, Donny was such an eye candy. Ngunit napababa ang braso niya at napaiwas ng tingin nang matanto ang marahil estado ng itsura. She just woke up! Wala pang suklay, toothbrush at hilamos! Pasimple niyang pinasadahan ng palad ang mukha para palisin ang kung ano mang 'di kanais-nais doon.
"Good morning," he greeted huskily.
"M-Morning..." ganting-bati niya saka bumangon. "Magta-trabaho ka na?"
"Kanina pang alas-kuwatro ng umaga. Bumalik lang ako rito para makasabay ka sa agahan at ihatid ka sa hacienda."
Oh, the hacienda! Ngayon ang unang araw ng muli niyang pagbabalik doon!
Sinulyapan niya ang orasan. Nakita niyang maga-alas otso na ng umaga dahilan para magkumahog siya sa pagbangon. Ngunit bago pa man siya tuluyang makaalis ay pingilan siya ni Donny sa braso at hinila palapit dito. Bago pa siya maka-angal, nilapat na nito ang malambot na labi sa kanya para sa mababaw na halik.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fiksi Penggemar"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."