CHAPTER 39

3.5K 115 11
                                    

Kung hindi pa hinalikan ni Donny ang tuktok ng kanyang ulo, hindi pa maibabalik ang atensiyon niya rito. Napagtanto niya ring nakasiksik pa rin siya sa matipunong katawan nito. But instead of taking a step back to regain a safe distance from him, nanatili siya sa kinatatayuan dahil nararamdaman pa rin ang pangangatog ng kalamnan.

"Are you hurt?" nag-aalala nitong tanong sa kanya.

Mabilis siyang umiling bilang tugon.

"What are you doing in the forest, Liberty? Hindi mo ba alam na delikado rito?" malumanay ngunit may panenermon ang tono nito.

Dahil hindi sanay na napapagalitan, nag-iwas siya ng tingin dito at binalak pang lumayo. But his strong arm on her waist didn't allow her to move even an inch. Hinapit siya nito upang mas magdikit pang lalo ang kanilang mga katawan.

"I know that!" napagsabihan na siya kanina ng tiyo nito. "I-I know that there are wild animals—"

"Wild animals!" magkahalong pagkamangha at iritasyon ang mauulinigan sa tono nito. "Mabuti nga kung iyon lang panganib sa gubat na ito, Lily. Kung masuwerteng hindi ka maihuhulog ng kabayo mo, maitatakas ka niya mula sa mga hayop. Pero ang inaaalala ko ay iyong tagong bangin na malapit dito na bago mo pa mapansin ay nahulog ka na."

Nanlamig siyang lalo dahil sa sinabi ni Donny sa kanya. Hindi niya alam iyon! Kung siguro ay hindi pa siya nakita ng tiyo at ilang tauhan nito kanina na pagala-gala sa gubat, baka nga nahulog na siya sa bangin at maaaring huli na bago pa man may makakita sa katawan niya!

That thought scared her even more. Kusa tuloy na umangat ang kamay niya upang kumapit sa braso ni Donny habang iginagala ang tingin. "T-There's a cliff? Really, I-I was just thinking of snakes and wild boar."

"Oh damn it, princess..." nahaluan na ngayon ng kaunting pagka-aliw ang tono ni Donny. Ngunit halata pa rin sa ibinibigay nitong tingin sa kanya ang matinding pag-aalala. At dahil wala na halos distansiyang nakapagitan sa mga katawan nila, nararamdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito.

He kissed her forehead. Ilang sandaling nanatili roon ang labi ni Donny bago muling tinutok ang mga mata sa kanya. Hindi na niya mabasa ngayon ang emosyong naglalaro roon dahil nawawala na rin ang isip niya sa masarap na pakiramdam na hatid ng katawan nito sa kanya.

"Tara na sa rancho," kinuha ni Donny ang renda ni Batik habang ang isa pang kamay ay nakahawak naman sa kanya.

Dahil sa gulat, wala pa siyang lakas na bawalan ang sarili kaya naman hinayaan niya ang kamay kay Donny habang naglalakad sila patungo sa tamang direksiyon ng rancho. Nakakaginhawa rin naman ang init na hatid ng palad nito. And being near to him like this...knowing that he could protect her from danger anytime...gives her a sense of security.

"Talaga bang hindi ka nasaktan? Kahit galos, Lily? You look like you're going to pass out anytime a while ago. I'm worried," anito.

Tila walang hanggan ang mga puno at talahib na kanilang dinadaanan. Ngunit kahit katiting na takot ay wala siyang maramdaman. Donny knows where they're going and he'll not allow anything bad to happen to her.

"I'm fine," pagod siyang suminghap. "Just...shocked, I guess?"

"Shocked?"

Unti-unti ay naging manipis ang halamanan at nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanila. Up close, the sight of the corrals with horses and cows in different colors and sizes roaming freely is even more fascinating. Malawak at tila walang hanggan ang lupaing nababalot ng berdeng damo at luntiang mga puno.

"Hey, baby, answer me," pukaw muli ni Donny sa atensiyon niya. "Why were you shocked?"

Nilingon niya ito at naalala ang kanilang pinag-uusapan kanina. "Your tito and your men who guard the borders of your land...do they always bring guns with them?" she asked curiously. Wala kasing may ganoon sa kanilang hacienda. None that she's aware of.

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon