"Bata pa lang ay mulat na iyang si Donny sa mga gawain sa hacienda. Kaya nga hindi ako nagdalawang-isip na kunin siya rito. Malaki ang naitutulong sa'kin nito ni Donny, hija," dagdag ng kanyang ama.
She just absent-mindedly nodded at her father. Naiinis siya dahil sa labis na tensiyong nararamdaman. Nasa harapan niya si Donny ngunit hindi niya ito diretsong matignan dahil sa kakaibang kaba. Nakikita naman niya sa gilid ng mga mata ang mataman nitong pagtitig sa kanya dahilan para dumoble ang nararamdaman niyang iritasyon.
How can he look at her easily? How can she not? She may not have the level of confidence of her mother pero sa pagkaka-alala niya ay hindi rin naman siya mahiyain!
"Magiging maligaya ako kung magkakasundo kayong dalawa ni Donny, Lily. Parang anak ko na kasi ito'ng sina Donny at Benjamin."
Napasulyap siya kay Donny. His brown eyes bore into her as if looking straight into her soul. He has the most beautiful pair of eyes she had ever seen. They were dark, deep and very soulful. But she cannot look at him longer dahil para siyang tinutunaw.
"Y-Yes, dad." Though, hindi niya alam kung paano sila magkakasundo ng lalaking ito! Ni hindi nga niya ito maharap ng maayos nang hindi nakakaramdam ng kung ano-ano!
"Oh, siyangapala. Ano'ng gusto mong kainin, hija? Maraming niluto si Rowena. Ikukuha kita—"
"Ako na po 'tay," putol ni Donny sa sinasabi ng kanyang ama. She turned her gaze to him again and now his eyes were all on her father.
"Sigurado ka ba, hijo? Iiwanan mo itong si Ysabel dito?" anang ama na may halong panunukso sa tono.
She shifted uncomfortably on her seat. Nagbagsak siyang muli ng tingin.
"Tito Albert!" si Ysabel na natatawang nahihiya dahil sa panunukso. Hindi na niya nilingon pa ang reaksiyon ni Donny.
Humalakhak ang kanyang ama. "Oh, sige. Ikaw ang bahala, Donato."
"Ano'ng gusto mong kuhanin ko para sa'yo, Liberty?"
Napatuwid siya ng upo nang marinig ang pagbanggit nito sa kanyang pangalan. Her heart pounded shamelessly. Napalunok siya upang basain ang natuyong lalamunan bago pa ito binalingan at sagutin. "J-Just get me anything. Thank you."
She doesn't want her voice to sound cold and rude. Ngunit nang makita niya ang pagsimangot ni Ysabel sa tabi ni Donny ay napagtanto niyang ganoon nga iyon lumabas.
She bit the back of her bottom lip. She was so nervous and her mind was in chaos! Dahil doon ay hindi na niya naayos pa ang kanyang tono!
Pasimpleng nag-ikot ng mga mata si Ysabel ngunit nahuli niya pa rin iyon. Hinarap nito si Donny na nananatili ang tingin sa kanya. "Sasamahan na kita, Ton." Malambing nitong sinabi.
Donny nodded before standing up from his seat. Pinanood nito si Ysabel na makatayo at makawala rin sa upuan bago nagpatiunang maglakad patungo sa mesang puno ng pagkain. She noticed how tall he is. Tingin niya'y mas matangkad ng ilang inches si Ysabel sa kanya pero 'di man lang inabot ng tuktok ng ulo nito ang balikat ni Donny.
Her shoulders slumped. If her mother was here, pupunahin nito malamang ang pangit niyang posture. Kahit iyon ay hindi nito pinapalampas. But right now she can't help but feel down. Hindi niya naman ma-pin point kung saan siya nagkamali!
"Ayos ka lang ba, Lily? Nagugutom ka na siguro. Hayaan mo at babalik din naman kaagad ang aking anak," ani Aling Mirasol sa kanya.
She smiled and appreciated the woman's concern.
Naging mas maingay ang mga naroon nang dumating ang isang mini-truck dala ang videoke machine sa likuran nito. Ang mga kalalakihang nagbuhat no'n pababa ang siya na ring nag-abalang mag-set up ng videoke machine.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfiction"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."