"What was that behavior, Liberty? How could you treat Donato and his mother like that?" ang galit na sermon sa kanya ng tiya sa likod.
She didn't mind her. Inayos niya ang kumot ng ama na bahagyang nakababa bago itinabi ang ilang hibla ng buhok palayo sa mukha nito. It pains her so much to see her father in this state. Hindi niya kailanman inakala na hahantong ang kalusugan nito sa ganito. He's always been strong.
"Where's my father's doctor, Tita Helga? I want to talk to his doctor. I need to know dad's current condition," aniya. Hindi pinapansin ang sentimyento ng tiya.
"Dr. Sarosa will be here in an hour. Kakabisita lamang niya rito kanina at may iba pa siyang pasyenteng kinakailangang tignan."
Wala na siyang itinugon pa roon. Ginagap niya ang kamay ng ama at hinawakan iyon ng mahigpit. She lightly touched his hand. It used to be strong but now his fingers became bony and fragile. Tanging pagsisisi at hinagpis ang nararamdaman niya.
"Mali ang ginawa mong pagpapalayas sa mag-ina kanina, Lily. Tumutulong si Mirasol sa pag-aalaga sa iyong papa at si Donny naman ang tumitingin-tingin sa pamamahala ng hacienda," anang kanyang tiya na bagaman mas malumanay na ang tono ay kababakasan pa rin ng disgusto para sa ikinilos niya kanina.
"I don't care about them," she said without even batting an eyelash. "You should've told me sooner about this, Tita Helga! Paano mo nagawang ilihim sa akin ang ganito ka-importanteng bagay?"
"Because that is your father's wish, Liberty. But when I learned about your arrival here, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Alam kong pagsisisihan ni Kuya sa huli oras na hindi ka niya nakasama sa mga nalalabing panahon niya."
Umiling siya dahil hindi niya gustong tanggapin ang sinasabi ng kanyang Tita Helga. Although the evidence of her father's deteriorating health is already right in front of her, she just couldn't let herself accept that easily.
"Let's bring that in the best hospital that you know, Tita Helga. Money is not a problem. I can pay—"
"Sa tingin mo ba hindi ko naisip gawin iyan, Lily? I already brought the best doctor that I know who specializes in your father's illness. Maging siya ay nagbigay-taning na sa iyong ama," bakas ang pighati sa tono ng kanyang tita. Of course, her dad is her only brother. Ang natatangi nitong pamilya. Kaya kung nasasaktan man siya ngayon ay ganoon din katinding sakit ang nararamdaman ng kanyang tita Helga.
"Matagal na nilihim ni Kuya Albert ang karamdaman niya kaya huli na rin ito'ng na-diskubre. He's no longer responding to medications or any treatments. Mas lalo lamang siyang manghihina kung pipilitin siyang mag-chemo. And in his current state, any operation is no longer an option."
Nananatili siyang taas-noo habang pinapalis ang kanyang mga luha. She wanted to oppose her aunt but her Tita Helga is a doctor. Kumpara sa kanya, mas alam at naiintindihan nito ang totoong kalagayan ng kanyang ama. Kung pipilitin niya ang gusto niyang gawin, she might risk her father's life even more.
"Kuya Albert only wants to live the remaining days of his life in the farm, Lily. Iyong hindi siya mas pinapahina ng kung ano-ano'ng medikasyon. And I know he's silently hoping to see you once again. Even for the last time. You are his princess, Liberty."
Naramdaman niya ang kamay ng tiya na pumatong sa kanyang balikat. Hindi na niya napigilan pa ang paghikbi. Hawak ng mahigpit ang kamay ng ama sa dalawa niyang palad, maka-ilang ulit siyang pabulong na humihingi ng tawad sa kanyang ama dahil ngayon lamang nakauwi.
Dumating ang doktor makalipas ang isang oras gaya ng sinabi ng kanyang tiya. Dr. Sarosa looked sympathetic while telling her the same thing her aunt has told her. Masyadong mabilis at agresibo ang pagkalat ng kanser sa katawan ng kanyang ama. Apektado na ang malaking bahagi ng baga nito dahilan upang mahirapan ito'ng huminga.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfic"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."