CHAPTER 53

3.7K 111 22
                                    

Two days of getting enough rest helped her mother regain her strength quickly. Color returned to her cheeks at ngayon hindi na maitago ang excitement habang abala sa mga preparasyon para sa anniversary party ng AGC.

Despite of the difficulty that the company is currently experiencing, piniling ituloy ang selebrasyon. Dahil imbitado ang pinaka-malalaking negosyante at tao sa bansa, magandang pagkakataon iyon upang makahikayat ng posibleng investors o 'di kaya ay mga kliyente. Baka kasi lalong mawalan ng tiwala sa AGC sa pag-iisip na lugmok na lugmok na ang kompanya kung ica-cancel pa ang party. Bukod pa sa matagal na talagang napaghandaan ang pagtitipon.

Isa sa mga sariling disenyong gowns na lamang niya ang isusuot kaya pinanood na lang niya ang pagsusukat ng kanyang mommy. Hindi na niya alam kung pang-ilang gown na ang sinusubukan nito. Dumating ang pinagkakatiwalaan nitong designer kaninang pagkatapos mananghalian bitbit ang apat na rack ng mga gowns at hanggang ngayon na unti-unti nang dumidilim sa labas ay hindi pa rin natatapos ang mga ito.

With her slender body and youthful face, ang lahat ng naunang gowns na isinukat ng ina ay bumagay ng husto rito. Ngunit para bang may nakikita ito'ng pagkakamali na ito lamang ang nakakapuna kaya sa huli ay inaayawan ang damit.

"Are you staying in the country for good, Lily?" Kourtney asked.

"Yes. I'm marr—"

"I like this. I think I'll wear this one," singit ng kanyang mommy. Nawala sa kanya ang atensiyon ng designer nang magkapag-desisyon na ito tungkol sa damit.

"I think you should open your own shop here. Maganda ang takbo ng couture shop mo sa Paris kaya siguradong ganoon din 'yan dito," ani Kourtney habang tinutulungan ang kanyang mommy sa pamimili naman ng accessories na babagay sa suot nito.

"Wala pa iyan sa isip ko." Thinking of designing again gave her an odd feeling. Hindi naman siya ganoon katagal huminto pero parang nakakapanibago gayong sa mga nakalipas na buwan, umikot lang ang trabaho niya sa hacienda.

"Then you better start thinking about it, Lily. I'm sure a lot will go crazy with your designs. Hindi ba't kahit sa Paris ka naka-base noon, eh, may mga malalaking celebrities dito ang bumibili ng designs mo?"

Nilinga siya ng kanyang mommy at nakita ang makahulugang tingin nito. But she just shrugged her shoulders. For now, running the hacienda is her priority. Ipinangako niya sa daddy na siya ang bahala roon kaya iyon muna ang pagtutuonan niya ng pansin. Makakabalik naman siya sa pagdi-disenyo kailan man niya gustuhin.

Gabi na nang magpaalam si Kourtney sa kanila. Pagkatapos mag-dinner, dumiretso na rin sa silid nito ang kanyang mommy para magpahinga.

Nagmamadali rin siyang tumuloy sa silid. Mabilisan siyang naligo, nagbihis ng sedang pantulog at ginawa ang rutina sa balat bago nahiga sa kama bitbit ang kanyang cellphone.

Kinagat niya ang labi nang makita ang ilang missed calls at texts galing kay Donny. Hindi niya nadala kanina ang cellphone sa silid ng kanyang mommy at naging masyado rin siyang abala maghapon.

Bago pa man niya unang matawagan ito, nag-ingay ang cellphone niya para sa video call ni Donny. Mabilis niyang tinanggap iyon. "I'm sorry..." pauna niyang bati.

Donny isn't smiling but he doesn't look mad either. Tinitigan lamang siya nito ng ilang sandali bago bumuntong-hininga. "I miss you."

Every time they call or text each other for the past two days, he would never fail to tell her that. At tuwing ganoon ay parang pinipiga ang kanyang puso sa labis na sakit at pangungulila.They will be away from each other for just a week, she always reminds herself. And he's not that far. Ang iba nga riyan ay milya-milya ang layo sa mga mahal sa buhay pero kinakaya naman.

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon