CHAPTER 28

2.8K 93 14
                                    

Nauna siyang sumampa sa helicopter. Kasunod niya ang kanyang ina na agad inangkin ang isa sa mga pang-isahang upuan sa harapan niya at sinuot ang headphones na naroon. Naka-upo na siya nang lapitan ni Turs at isuot ang headphones sa kanya bilang proteksiyon sa malakas na ingay ng rotor blades.

Blangko ang tingin nito kaya wala siyang mabasa roon. Wala na rin naman ito'ng sinabi pa at mabilis na umalis nang matapos sa kanya. Naupo ito sa isa pang pang-isahang upuan sa tabi ng kanyang mommy bago kinuha ang sariling headphones at sinuot sa sarili.

Nang masigurong maayos na ang lahat ay sumakay na rin sa private chopper ng tiyo niya ang dalawang seryosong bodyguards na kasama ng mommy niya. Naalala niya ang ginawang pambubugbog ng mga ito kay Donny at hindi niya sigurado kung dapat ba siyang magalit dahil alam niyang sumusunod lamang ang mga ito sa utos.

Hindi na sila naghintay pa ng matagal at pumasa-ere na ang helicopter. Dinungaw niya ang labas kahit na alam niyang mabibigo lamang siya. Bukod sa nasa ibang direksiyon nakaharap ang bintana ay masyadong malayo ang kinalulugaran ng private helicopter mula sa ancestral house kaya hindi niya alam kung ano nang nangyayari doon.

Wala pa rin bang malay si Donny hanggang ngayon? Did they rush him to the hospital? Bumagsak ang kanyang paningin sa mga kamay na hindi mapakali sa kanyang kandungan. Gustuhin man niyang pilitin ang sariling huwag mag-alala pero hindi niya iyon lubos na magawa.

Ayaw niyang isipin na kaya siya nakakaramdam ng pag-aalala rito ay dahil sa kabila ng lahat ay mahal niya pa rin si Donny. No. There's no any deeper meaning to the concern she's feeling for him. Normal na pakiramdam lang ito ng isang tao sa kanyang kapwa taong nasaktan. Hindi siya ganito katanga. Hindi siya ganito kabaliw kay Donny.

"Can anyone tell me what's going on here?" narinig niyang tanong ni Turs mula sa headphones na suot nila.

Kinakabahan niyang nilingon ito. Kuryoso ang tingin sa kanya ni Turs taliwas sa may bahid ng galit na mga matang itinututok sa kanya ng ina. Nasisiguro niyang may ideya na ito ngayon tungkol sa namagitan sa kanila ni Donny sa halos dalawang buwan niyang pananatili sa hacienda pagkatapos ng lahat ng narinig at nakita nito kanina.

Her mother gave her a warning look. Hindi na niya binalak pang buksan ang bibig para punan ng sagot ang tanong ni Turs. Arturo turned his attention to her mother. Soledad's irritated expression quickly changed into a friendlier one when she faced him.

"I-I'm sorry for the mess, Arturo. Hindi ko hiniling na madamay ka pa sa gulong ito," malambing na sinabi ng kanyang ina bago marahang hinaplos ang braso ni Turs na nasa ibabaw ng armrest ng upuan.

Kumilos ang buto sa panga ni Turs bago bahagyang tinabingi ang ulo. Kita ang kawalan nito ng pasensiya sa madilim at matalim na mga mata.

"Lily found out that her father is going to get married again," her mother finally said. "Ang masaklap dito ay ikakasal siya sa babaeng siyang rason kung bakit nasira ang aming pamilya."

Bumalik ang kuryosidad sa ekspresyon sa anyo ni Turs nang lingunin siya. Nag-iwas siya ng tingin dito. Ayaw makita ang akusasyon sa mga mata nito. She knew she made a very stupid mistake.

"Who?" ngayon ay may bahid naman ng pagkamangha ang tono ni Turs.

"Mirasol Pangilinan," her mother answered. Bitterness was dripping like acid in her tone. "You've seen her, Arturo. She's there a while ago. That lowly woman has no shame in her body."

"So...this means your boyfriend's mom is your father's mistress, Liberty?" tanong ni Turs sa kanya. "Wow. I didn't expect this kind of twist."

Mas lalo niyang hindi ito matignan sa mga mata dahil sa sinabi nito. Hindi na rin niya kinakailangan pang lingunin ang kanyang ina upang makumpirma ang galit na tinging ipinupukol nito sa kanya.

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon