CHAPTER 55

4.2K 103 12
                                    

She was dead tired and boneless when Donny finally decided that it's time for them to go to bed. Binuhat siya nito upang dalhin sa kanilang silid ngunit sa halip na idiretso siya sa kama ay nagtungo ito sa banyo gaya ng kanyang gusto.

Wala na siyang kahit na anong lakas upang kumilos kaya ito na rin ang halos nagpaligo at nagbihis sa kanya. Sa sobrang pagod, hindi na rin niya naisip pang paglaanan ng oras gawin ang rutina sa kanyang balat at nagpasalamat nang marating na ang kama.

Suminghap siya nang maihiga na sa malambot na kutson. Gumapang siya sa puwesto niya roon at agad niyakap ang malaking unan. "I miss sleeping here," aniya habang naka-pikit. Kaunting-kaunti na lang at matatalo na siya ng antok.

Nagulat siya nang maglaho ang unan na mahigpit niyang yakap dahilan para agad siyang mapamulat. Napalitan iyon ng matigas na katawan ni Donny sa kanyang likod at ng matitikas nitong mga brasong lumalamon sa mas maliit niyang bewang. Bumalik siya sa pagkakapikit kasabay ng pagkurba ng ngiti sa kanyang mga labi.

Donny rained tiny and wet kisses on her nape that made her insides burn. Ang mainit nitong balat ay nanunuot sa kanyang kalamnan. Ang palad nitong sumusuot sa ilalim ng seda niyang pantulog at tumatalunton sa kanyang dibdib ay naghahatid sa kanya ng bolta-boltaheng kuryente 'di niya inasahang kaya niya pang maramdaman sa kabila ng labis na pagod.

"I miss sleeping with you," he said and the longing was so evident in his voice. "Hindi ko na kayang magkalayo tayo, Liberty. Akala ko sapat na ang sampung taon para masanay ako. But I will never get used to a life without you."

Pumihit siya upang maharap ang asawa ng maayos. Lumamlam ang kanyang mga mata nang matagpuan ang tila nagmamakaawa nitong anyo sa kanya. Malayo sa imahe ng lalaking gumulat sa kanya sa party kanina. Malayo sa imahe ng lalaking halos pangilagan na ngayon ng lahat.

He looked so vulnerable right now...so fragile. Na para bang kahit munting dampi ng kanyang daliri ay maaaring bumasag dito. She still touched him, though. Hinaplos niya ang palad sa pisngi ni Donny at nang mas ilapat nito ang ulo roon kasabay ng mariing pagpikit ay parang may kung ano'ng nawasak din sa kanyang puso.

"I don't think I could ever get used to a life without you too, Donato," she solemnly whispered. "I don't think I could ever fall in love with anyone as much as I am fiercely in love with you."

He opened his eyes and smiled at her. Hindi niya ito kailanman nakitang ngumiti ng ganoon kasuyo. Tila kinikiliti ng milyong paru-paro ang kanyang tiyan sa isiping ang ngiting iyon ay para sa kanya lang nakalaan. Na ang puso nito ay sa kanya lang nito ibibigay.

"I love you too. So much, Liberty. So much..." anitong punong-puno ng emosyon. "Let's get married again, baby."

She bit her lower lip to stifle a smile. Kinunutan ni Donny ang kanyang reaksiyon sa marubdob nitong pahayag. "I thought you wanted a baby."

"Yeah," agaran nitong sagot.

"We can't get married while I'm pregnant, Donny. I won't look good in my dress. Kung gusto mong ikasal tayo ulit, then the baby could wait until the wedding is finished."

"What?!" he blurted out. Naghahalo ang iritasyon at pagkamangha sa anyo nito habang tinatanaw siya. Pinigilan niya ang matawa ng malakas dahil batid niyang baka lalo lang nitong ika-inis iyon.

Tumango lang siya bilang suporta sa kanyang sinabi.

"Puwede naman tayong ikasal na kaagad sa susunod na linggo! Wala pa naman sigurong magiging pagbabago sa katawan mo no'n," giit nito.

Inikutan niya ito ng mga mata. Siyempre, wala pa! She's certain she wasn't fertile tonight.

"Donny, I don't like another rushed wedding! May ideya ka ba kung gaano katagal pinaghahandaan ang isang church wedding? Just finding the perfect wedding dress would take so long!"

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon