Mae was brought to the police station for questioning. Ayaw sana siyang isama ni Donny doon dahil sa pagpupumilit niyang pigilan ang pagdakip kay Mae ngunit sa huli ay wala rin ito'ng nagawa. On their way to the police station, she still kept on convincing him about Mae's innocence.
"Babe, I could assure you that Mae will never think of doing that to me. Matagal-tagal ko na rin siyang nakasama," aniya na halos sirang plaka na dahil sa paulit-ulit na sinasabi.
Donny's silence was deafening. At kung hindi lang din niya alam na kahit kalian ay hindi siya pagbubuhatan ng kamay nito, kanina pa siya tumahimik dahil sa intensidad ng galit na makikita sa anyo nito. He looked really brutal.
Bumuntong-hininga siya dahil mukhang kahit ano'ng pangungumbinsi niya ay hindi na ito matitinag. She slumped weakly on her seat as they got near to their destination.
Nakakabigla ang balitang may lumalason sa kanya. Kung totoo mang may nais pumatay sa kanya at hindi aksidente ang pagkakalagay ng lason sa kanyang pagkain o inumin gaya ng nais niyang paniwalaan, she wanted to know who's doing that too but she'll never think of Mae as a suspect. Masyado ito'ng mabait sa kanya para paghinaalan niya ito.
Isa pa, ano'ng magiging dahilan ni Mae para gawin sa kanya iyon? She only showed her kindness! Wala siyang naaalalang dahilan para magalit ito sa kanya at gawin ang bagay na ipinipilit ni Donny dito.
They weren't allowed to watch Mae being interrogated by the police. Wala rin ito'ng matawagang abogado upang gabayan ito sa pagsagot sa mga tanong. Lalo pa siyang naawa sa sitwasyon nito nang dumating na ang mga magulang ni Mae sa istasyon at halos magmakaawa na sa kanila ni Donny.
"Wala pong kasalanan ang anak namin, Ma'am Lily, Sir Donny. Mabuti pong anak si Mae," anang nanay ni Mae sa kanila.
She cried with them and tried to comfort them but her ruthless husband didn't allow her to get close. Matigas din ang anyo nito na tila walang naririnig na mga pakiusap.
Gusto niyang kamuhian si Donny dahil sa inaasal ngunit may bahagi sa kanyang naiintindihan kung bakit ganoon na lamang katindi ang galit ng asawa. If she finds out that someone is endangering his life, she would be mad as well.
Makalipas ang ilang oras, kinausap sila ng pulis na nagtanong kay Mae. Anito, walang nakuhang matinong sagot mula kay Mae. They also cannot detain her due to lack of evidence to support Donny's accusations. Ngunit nangako ang mga ito na ipagpapatuloy ang imbestigasyon hanggang sa malutas ang kaso.
Donny looked really disappointed with how it turned out. Dahil doon, hindi niya alam kung dapat ba iyong ikasaya. For her, Mae is really innocent.
"Wala ba kayong nakaaway, Ma'am? O naiisip na kahit sino'ng maaaring magtangka sa buhay ninyo?" tanong ng pulis sa kanya.
Inisip niya si Ysabel ngunit matagal na rin noong huli niya ito'ng makita at hindi na niya muling nakasalamuha pa. And Ysabel might be a bitch ngunit naniniwala siyang wala ito'ng kakayahang pumatay ng tao.
Hindi niya rin maisip na magagawa ni Turs ang ganitong bagay. Isang buwan na rin ang lumipas noong nangyari sa Maynila. Kung gusto nitong gumanti kay Donny sa pamamagitan ng pananakit sa kanya, matagal na sana iyong nangyari.
Iiling na sana siya sa tanong ng pulis nang isang ideya ang pumasok sa isip niya. But that couldn't be possible! Those two events couldn't be connected to each other. Malabo iyon.
She shook her head finally, "Wala po talaga, Sir. This could be just an accident."
Narinig niya ang galit na pagsinghap ni Donny sa kanyang tabi. She looked at him. Matalim ang tinging ibinibigay nito sa kanya. Ano'ng magagawa niya kung wala siyang maisip na posibleng dahilan para pagtangkaan ang buhay niya? O kung mayroon mang motibo, sa tingin niya ay wala namang kakayahang gumawa ng ganitong klaseng krimen.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfiction"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."