WARNING: R18
A/N: The most detailed bs (i think) in this story so far. Kaya kung hindi kumportable sa ganito, huwag nalang basahin ang sa dulo. Salamat. :)
----------------------------------
"He's the investor I told you about! Do you know this, Lily? Why didn't you tell me?!"
Wala sa sarili siyang umiling sa kanyang ina. Hindi pa rin siya lubos na makapaniwala sa nakikita. Panaginip ba 'to? How did this happen? How could Donny be the rich investor?
"And the man beside him is Mr. Geraldo Fonacier. He's a highly respected businessman, Lily! He owns the biggest investing firm in the country!"
Sa pagkakabanggit ng kanyang mommy sa pamilyar na pangalan, lumipat ang mga mata niya sa katabi ni Donny na ngayon lang talaga niya napagtuonan ng pansin. Yes, she remembered Mr. Fonacier. Nakita niya na ito nang minsang magtungo sa rancho but they were never formally introduced to each other.
She's even more dumbfounded.
"Paanong mayroong ganoong kalaking halaga ang anak ni Mirasol? Her fashion sense didn't even improve. She still looks poor to me. Is the ranch just a front, hija? Is your husband involved in an illegal business, Liberty?"
She quickly turned her gaze to her mother. Mas lalong hindi mapaniwalaan na umabot ito sa ganoong konklusyon. "Mommy! Hindi ganoong tao si Donny."
Hindi niya alam kung narinig ba nito o hindi ang kanyang sinabi. Puno pa rin ng pagkamangha at mga tanong ang anyo nito nang ibalik ang mga mata kay Donny. Nasisiguro niyang repeleksiyon din iyon ng itsura niya ngayon.
Nilingon niyang muli ang asawa. She needed to get answers from him. Ngunit inilayo na si Donny ng kanyang tiyo bago pa man niya mahanap ang lakas na lumapit sa mga ito. Now they're busy conversing with the other shareholders. He looked so at ease as if he's been doing this for a long time.
"Liberty, explain to me what's happening," her mother demanded as they walked towards their table. "Paano niya nakilala si Mr. Fonacier? P-Paanong mayroon siyang malaking pera?"
"Mr. Fonacier is Donny's client, mom. He would bring his imported thoroughbred horses in the ranch to train or he would buy from my husband," sagot niya.
Sa ikalawang tanong nito, wala na siyang mahanap na sagot. Paano niya malalaman kung ang alam niya lang din ay ang rancho lang ang pangunahing pinagkukuhanan ni Donny ng hanap-buhay?
His ranch is making a fortune, alright. And he owns several properties that they never usually talked about. But the money he invested in their company is even bigger. Kailanman ay hindi sila nag-usap ng asawa tungkol sa pera ngunit ngayon ay nagsisimula na siyang magtaka kung saan nga iyon nagmula.
Does he have any other businesses she wasn't aware of? O nangutang ito para lang may mai-invest sa kanila?
"I have mixed feelings for this. Masaya ako'ng nalutas na ang problema ng tito mo sa kompanya at hindi na nila tayo pag-iinitang sisihin. But I cannot believe that Mirasol's son now owns a portion in our company," her mother thought out loud.
"I just hope you aren't dumb enough not to sign a pre-nup agreement before you married him! I will really write you out from my will, Liberty. Kung idadagdag ang shares mo sa shares na mayroon na siya ngayon sa kompanya, kaunti na lang at maaabutan niya na ang sa tito mo!"
Pagod siyang suminghap sa kung ano-ano'ng mga naiisip nito. "We signed a pre-nup agreement, mom."
"Good. I thought you completely lost your sense because of love. Pero mukhang may kayamanan ding pino-protektahan ang asawa mo mula sa'yo," naiiling na sinabi ng kanyang mommy. Isang sarkastikong ngiti ang naglalaro sa mga labi. "Sana lang talaga ay hindi iyan sa illegal nanggaling."
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfiction"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."