CHAPTER 44

3.7K 120 14
                                    

Naghalo na ang lahat ng emosyon sa kanya dahilan para ma-estatwa siya sa kinatatayuan. Habang si Donny ay kalmado nang maglakad patungo sa mesa nito at maupo sa swivel chair na nasa likuran no'n.

Sumandal ito sa backrest ng upuan nang naka-de quatro ang mga binti. Itinukod nito ang siko sa arm rest bago hinaplos ng daliri ang ibabang labi habang pinagmamasdan siya ng maigi. His brown eyes were dark, his demeanor calm.

"I'm giving you a week to decide, Lily. Kung papayag ka sa kondisyon ko, mangyayari ang kasal sa lalong madaling panahon. A week or earlier than that. And also...I want you to split-up with your boyfriend and tell him that you're marrying me. I don't mean personally. I think that could easily be done over the phone," he said casually.

Umawang ang kanyang mga labi dahil sa kaswal nitong pagkakasabi no'n. What an arrogant beast! Kung makapagsalita ito ay para bang siguradong-sigurado nang magpapakasal siya rito!

Bakit hindi ba, Lily? Anang isang bahagi ng isip. Of course, not!

"H-Hindi ako magpapakasal sa'yo," aniyang halos pabulong na. Maging siya'y hindi makumbinsi ang sariling ganoon.

Donny smirked. His eyes were twinkling with enjoyment. Marahil ay natutuwang makita na nagigipit siya ng ganito. Gusto mang maghihinanakit, hindi niya rin ito masisisi dahil nasaktan nila ng ina ang pinaka-importanteng babae sa buhay nito. Normal lang na naisin nitong maghiganti sa kanila. Lalong-lalo sa kaniya.

"Kahit ako na lang ang tanging sagot sa mga problema mo?" hindi nakatakas sa kanyang pandinig ang panunudyo sa tono nito. "Pag-isipan mo, Lily. Nag-aalala ang mga tauhan mo dahil anomang oras maaari kang umalis at iwanang mabulok mag-isa ang hacienda—"

"I'm not going to do that!" putol niya sa sinasabi nito.

"Do you think your words were enough to make them trust you? You are an outsider here, Liberty. At bukod sa hindi ka naman lumaki rito, Masyado ring malawak ang mundo mo kaya bakit maniniwala silang hindi ka nga aalis?" anito.

Nais niya nang sabunutan ang sariling buhok dahil sa labis na galit at frustration. She doesn't want to hear all the truth, alright? Alam niya na iyon! Ngunit hindi pa tumigil si Donny sa pagsasalita.

"If you will marry me, bukod sa lahat ng tulong na binanggit ko kanina, iisipin din ng mga tauhan mong hindi ka basta-basta makakaalis dahil nakatali ka sa lugar na 'to. Nakatali ka sa'kin dahil dinadala mo na ang pangalan ko. And they know I won't let you go easily...especially now that I have all the means to keep you with me," dagdag nito. Ang boses ay nagkaroon ng kakaibang hagod sa tono nito.

She hates how Donny was able to come up with sensible reasons. At mas naiinis siya sa isang bahagi ng isip na sumasang-ayon dito at pilit ding kumukumbinsi sa kanyang sarili na pumayag na. Pero hindi lang dahil sa ito ang may kakayahang lumutas sa lahat ng problema niya kung hindi dahil para siyang dinadala sa langit ng ideyang magpapakasal silang dalawa.

"A-Ang ibig mo bang sabihin permanente ang magiging arrangement natin kung sakali? O-Our marriage will be a real one?"

Ngumiti lamang ito sa kanya. Ngiting hindi niya alam kung may planong itinatago o ano. "You're already negotiating. Pumapayag ka na ba?"

Pinilig niya ang ulo. Napakahusay talaga nitong mang-asar! "C-Can't you just help me out without making this...this kind of offer?! Tutal malaki ang utang-na-loob mo kay dad and—"

"Well, you said so yourself, princess. Ang utang-na-loob ko ay sa daddy mo lang kaya hindi ako obligadong gumawa ng kahit ano'ng pabor para sa'yo ng wala ako'ng nakukuhang kapalit," anito sa malamig na tono.

Damn you, Donato! Wala siyang masabi dahil sa labis na galit dito. Mabilis na nagtaas-baba ang kanyang dibdib sa galit at hindi na alam kung ano pa bang dapat na sabihin. Bawat kibot niya ay may pambalik ito kaagad sa kanya at mas doble pa!

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon