She waited for Donny's text the whole night. Ngunit nakatulog na lang siya at nagising kinabukasan ay tanging mensahe mula sa ina, kay Turs at sa ibang 'di kilalang numero na sigurado naman siyang hindi si Donny ang tanging naging laman ng cellphone niya.
Pinadalhan niya ng reply ang mahahalagang texts, the others remained unread.
Napasinghap siya at napatulala na lamang. Iniisip niya ang naging kilos ni Donny kagabi. Why is he acting cold on her again? May nasabi na naman ba siyang mali? May nagawang naka-offend dito at hindi nito nagustuhan? Ano? Wala siyang maisip dahil nitong mga nakaraang araw naman ay ayos sila.
They're more than fine actually. She knew, during those days, that there's something special going on between her and Donny. Wala lang ni isa sa kanila ang pumansin doon ngunit nararamdaman niya. Hindi niya iyon gawa-gawa. It's real, she felt it.
But what's with Donny's actions? Paulit-ulit niya iyong inisip hanggang sa matapos nang maligo at makapag-bihis para mag-agahan sa ibaba. Papasok pa lamang siya sana siya sa komedor nang makasalubong niya ang kanyang papa. Mukhang palabas naman ito.
"Dad!" tawag niya rito.
Mabilis huminto ang kanyang ama para balingan siya. "Princess..."
Lumapit siya rito upang humalik. "Tapos ka nang mag-breakfast, dad? Hindi na kita nasabayan." Malungkot niyang sinabi. Masyado kasi siyang natagalan kanina dahil sa lalim pa ng iniisip.
"I'm sorry, hija, kung hindi na rin kita nahintay. Pupunta ako ngayon sa bayan para makipag-usap sa mga buyers at aasikasuhin na rin ang delivery ng mga panibagong binhing itatanim," paliwanag nito.
"Ganoon ba, dad?" mukhang nagmamadali nga ito. "Sige po. I won't hold you off anymore. Take care, dad. See you later."
"See you later, princess."
Isang mabilis na halik sa kanyang noo bago ito umalis na may malalaking hakbang.
Kung abala ngayon ang kanyang papa sa trabaho nito, hindi sila makakapasyal mamaya. Naisip niya si Donny ngunit nang matantong marahil ay abala rin ito tulad ng kanyang ama ay bumagsak lang din muli ang kanyang mga balikat.
After eating her breakfast, she proceeded into doing her usual tasks in the house. Kasama niya si Aileen sa hardin. Habang siya ay nagdidilig ng halaman, ito naman ay winawalis ang mga tuyong dahon na naroon.
Nababagabag pa rin siya ng naging pagkilos ni Donny kagabi. Ch-in-eck niya muli ang kanyang phone na nakalagay lamang sa bulsa ng suot na shorts ngunit wala pa ring kahit na ano'ng galing dito. Napabuntong-hininga siya at lalong namigat ang pakiramdam.
"May problema ka ba, Lily? Kanina pa kita naririnig na bumubuntong-hininga diyan, ah," puna ni Aileen pagka-lapit nito sa kanya.
"Aileen, have you seen Donny?" hindi niya na napigil ang sariling itanong.
"Si Donny? Naku, hindi ko pa iyon nakikita. Baka nasa bukid? Simula na kasi ulit ng taniman ngayon. Ang anihan at taniman ang pinaka-abalang mga panahon sa hacienda," she explained.
"Ah!" tumango-tango siya, nangingiti na.
Naisip niya na wala naman palang basehan ang mga pag-aalala niya! He's just probably busy right now like her daddy. At siguro kaya ganoon din ang naging kilos nito kagabi ay dahil pagod. Normal lang naman ang maging iritable kapag pagod. Naging makulit din siya kagabi kaya siguro ganoon.
"Bakit? Nagka-pikunan na naman kayo 'no? Kaya siguro namomroblema ka diyan?"
Hindi taliwas sa kaalaman ni Aileen ang mga tuksuhan at paminsan-minsang bangayan nila ni Donny. Naroon din ito nang buhatin siya ni Donny pabalik sa kanyang kuwarto nang hindi nagustuhan ang kanyang suot.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfiction"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."