EPILOGUE

8.7K 174 36
                                    

WARNING: R-18

--------------------

Benjamin went with the police while Donny insisted on bringing her to the hospital despite all the reassurance that she's fine. Although, her sprained arm hurts a little at ang bahagi ng kanyang ulo na hinampas ni Hugo ng baril ay tila nagkabukol at sumasakit din. Sa tingin niya naman ay walang malalang pinsala.

But they still ended up being at the hospital. After some series of tests done to her, dinala sila sa private room na kinuha ni Donny kung saan siya nagpalit ng hospital gown at patuloy na ginamot.

Lumapit si Donny sa kinaroroonan niya matapos tumawag upang magpahatid ng kanilang gamit kay Mel. She was told a while ago that Aling Mirasol is in the ranch together with Aling Lydia. Mayroon ding dalawang pulis doon na nagbabantay para sa seguridad nito.

"Parating na ang mga gamit natin. Gusto sana ni nanay na pumunta kaagad dito pero sinabihan ko siyang palipasin na muna ang gabing ito," balita sa kanya ni Donny.

Tumango siya. "Mabuti pa nga. Uuwi rin naman tayo kaagad bukas. I'm worried about her health too. Masama ang pakiramdam niya kanina. Baka lalo lang sumama oras na makita niyang narito tayo sa ospital at ganito pa ang lagay."

He nodded in agreement. Wala nang dinugtong pa. Ibinalik na nito ang cellphone sa bulsa ng pantalon bago matamang pinanood ang ginagawa ng nurse na paggamot sa kanya.

Her eyes remained on her husband. Wala na ang bakas ng pagdadalamhati rito but she knew he's just trying to hide the pain he's feeling right now. Hindi ganoon kadaling makabawi sa lahat ng natuklasan nito. Maging siya nga ay hindi pa rin mapaniwalaan ang mga nalaman ngayong araw.

"Your wounds and bruises have to be treated as well," aniya sa asawa habang ang nurse ay nilalagyan na ng gasa ang palapulsuhan niyang nagasgas ng magaspang na taling ipinulupot sa mga iyon kanina.

Hindi natinag sa kinatatayuan nito si Donny. His chiseled jaw was clenched so hard while looking at all the scratches on her skin. Ang kulay tsokolate nitong mga mata ay nagdidilim ng husto at halos labasan ng apoy. At kahit pa tila kampante lang na nakatayo at nagmamasid, nangangahinog ang mga litid nito dahil sa tinitimping galit.

"I'm fine..." he said coldly.

She doesn't care whether he looked really scary right now. May pasa ito sa gilid ng labi at ang kamay ay namamaga rin dahil sa pakikipagbuno nito kanina sa tiyo. Kailangan ding magamot ang mga iyon kaya hindi siya napigilan sa pangungumbinsi rito.

"Ayos din naman ako pero pinagamot ko ang mga sugat ko, Donato."

Nilingon siya nito ng diretso sa mga mata. Ang tinging ipinupukol nito ay makakapagpanginig na sa tuhod ng sinoman pero hindi siya.

"T-Tapos na po..." the nurse awkwardly said in between her staring contest with Donny. Tumayo ito bitbit ang mga ginamit sa kanya ngunit pinigilan niya.

"Can I borrow that?" tukoy niya sa mga panggamot nito. "Gagamutin ko lang ang mga sugat at pasa ng asawa ko. Napaka-tigas kasi ng ulo at ayaw pang ipagamot sa inyo. Don't worry, marunong naman ako."

"Uh..." ilang sandaling tila naguguluhan na napatitig sa kanya ang nurse.

"Liberty..." Donato in a warning tone.

Nginitian niya pa ng mas malapad ang nurse para sa kanyang pakiusap. Sa huli, nagawa niyang kumbinsihin ito kahit na hindi niya sigurado kung labag ba iyon o hindi sa alituntunin ng ospital.

"I have never met anyone as stubborn as you, Liberty Pangilinan," nailing na sinabi ni Donato nang mapag-isa na sila sa silid.

"Oh, you actually have, baby. Ikaw," sarkastiko niyang sinabi rito.

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon