CHAPTER 20

4.5K 136 24
                                    

Alam naman niya iyon. Donny likes Ysabel. He's in love with her. Bakit hindi? Like what he told her, Ysabel posses all the qualities he's looking for in a woman. Aside from being very beautiful, she knows how to cook and other household chores na inuumpisahan pa lamang niyang matutunan.

Simple lang din ito. Hindi niya masabing ganoon din siya. All her possessions were of the finest and most expensive brands. She's living a very extravagant life back in Manila. Kahit pa sabihing hindi iyon ang hinahanap-hanap niya, hindi rin niya maitatangging ganoon ang pamumuhay na nakasanayan niya.

But somehow her heart hoped for a different response from Donny. Siguro dahil may mga pagkakataon noon na naramdaman niyang magka-lebel lamang ang nararamdaman nilang dalawa.

Hindi naman niya siguro gawa-gawa lang ang lahat ng iyon! Ngunit ngayon, dahil sa mga sinabi nito, ay napatunayan niyang marahil ang pag-asang iyon ay sanhi lamang ng pagkakaroon niya rito ng gusto.

She likes him so much that she gave meaning to his actions. Even that kiss. Totoo naman ang sinabi ni Donny. Una niya ito'ng hinalikan kaya humalik din ito. Siguro kung sa ibang lalaki niya rin iyon ginawa ay baka ganoon din ang naging tugon. There's nothing more to it than that.

"Kahapon lang noong sumama ang pakiramdam mo dahil sa mga pagkain ngayon iba naman! Saan ka na naman ba nagpunta, Lily, at kinagat ka ng napakaraming langgam? Tignan mo, ang dami mong pantal!" sermon ni Aileen sa kanya habang nilalapatan ng ointment ang kanyang balat.

Tinitigan lamang niya ang mga namumulang kagat sa kanyang balat. They're painful and itchy but her mind is on something else.

"Kapag nalaman ni tatay Albert 'to, lagot ka talaga!"

Doon niya ito binalingan, "Don't tell my dad, Aileen! Kagat lang naman 'to ng mga langgam. I didn't notice kasi na may mga langgam pala doon sa punong p-pinagpapahingaan ko kanina after walking around."

Pinaningkitan siya ni Aileen ng mga mata. Nag-iwas siya sa pangambang baka may mapansin pa ito sa ekspresyon niya. "Bakit namumugto ang mga mata mo? Umiyak ka ba?"

Agad siyang nakadama ng pagpa-panic dahil doon. Sabi na nga ba niya!

"Umiyak ka, Lily, 'no? Halata sa mga mata mo! Bakit?" nag-aalala na ngayon ang tono ng kaibigan niya.

Naisip niya muli ang komprontasyon kay Donny kanina. Hindi niya alam kung pinagpapasalamat niya ba iyon o hindi. At least now she doesn't have to guess about his feelings. May mga sagot na siya sa kanyang tanong.

Pero ganito pala kasakit kapag hindi ka minamahal pabalik ng taong gusto mo. And to make it even more painful, the reason why Donny cannot like her is because of something she didn't choose to be.

Hindi naman niya piniling maging mayaman. Hindi niya kasalanan kung lumaki siyang may mga taga-silbi kaya wala siyang alam na gawaing bahay o hindi siya marunong magluto. Hindi niya kasalanan kung hindi siya simple. She cannot do anything about this because this is how she was raised. This is the life given to her.

"Because it's painful," she answered Aileen.

Totoo naman. Pero iba ang pagkaka-intindi ni Aileen doon dahil pinaalalahanan na naman siya nitong maging mas ma-ingat sa susunod para hindi na muling mapahamak.

Gusto sana niyang manatili lang sa kuwarto buong maghapon kinabukasan. Ngunit ayaw naman niyang mag-alala pa ang kanyang daddy at iba pang kasama nila sa bahay kung ipapahalata niya ang pagiging matamlay.

After all, this is just a heart break. Everyone goes through this. And everyone can get through this. Siguro ngayon sobrang apektado pa siya pero kalaunan magiging maayos din ang pakiramdam niya. Mas makakabuti rin na ma-distract siya sa ibang gawain para hindi niya iyon palaging naiisip.

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon