The ride back to the house was quiet. Kalmado lamang ang patakbo ni Donny sa kabayo pero damang-dama naman niya ang tensiyon na nagmumula rito. Nakikita niya rin kung paanong namumukol ang mga ugat ni Donny sa braso sa higpit ng hawak nito sa renda.
Bumuntong-hininga siya habang binabalikan sa isip ang pinag-usapan nila kanina. What's wrong with her suggestion? Iniisip lang naman niya ang kapakanan nito at ng pamilya nito. Gusto niyang maibalik kanila Donny ang nararapat sa mga ito.
Hindi naman iyon ililimos sa mga ito. Kung gusto ni Donny, maaari nitong hulugan iyon sa kanyang ama hanggang sa tuluyang mabayaran at mabawi. Iyon nga lang hindi na niya iyon nasabi. Hindi niya kaagad naipaliwanag ng maayos ang side dahil nauna ang galit nito.
But, maybe, she really offended him with her suggestion. Baka iniisip nitong minamaliit niya ang kakayahan nitong maka-ahon sa sariling paraan. Pero hindi talaga ganoon ang gusto niyang iparating! She just wanted to help. Iyon lang.
Mabilis na umibis sa kabayo si Donny nang marating nila ang kuwadra. Tinulungan siya nitong makababa ngunit hindi siya nito nililingon. Not that she wanted his eyes, burning with so much fury, directed on her. Nakaka-nginig pala ng kalamnan ang presensiya ni Donny kapag ganitong galit.
"Umuwi ka na," anito sa malamig na tono.
"Donny—"
"Hindi na muna kita maipapasyal bukas. At baka sa mga susunod na araw..."
Nakadama siya ng matinding pagpa-panic nang dahil sa sinabi ni Donny. "Is this because of—"
"I'll be very busy, Liberty. Maraming trabaho ang hindi ko na puwedeng ipagpaliban ngayon," maagap nitong putol sa kanya habang tinatanggal ang saddle sa likuran ni Bangis.
"K-Kailan mo ako maisasamahan ulit?" hindi na niya nagawang itago pa ang panlulumo sa tono.
"Hindi ko alam. Depende kung may libreng oras ulit ako. Pero puwede namang maghanap ka na lang ng ibang sasama sa'yo. Sabi mo puwede kang samahan ni Aileen hindi ba?"
Mas lalong gumuho ang kanyang pakiramdam sa suhestiyon nito. Kung gagawin niya iyon, mas lalo lamang mawawala ang posibilidad na samahan siyang muli ni Donny para ipasyal sa hacienda. "N-No. I'll just wait 'til you're free."
Hawak ang renda ng kabayo ay sinulyapan siya nito. Hindi nagbabago ang malamig na ekspresyon. "Bahala ka. Ipapasok ko na sa kuwadra si Bangis, Lily. Uuwi na rin ako pagkatapos nito."
"I'm really sorry, Donny," hingi niya muli ng tawad bago pa man ito maka-alis sa kanyang harap. Umaasang sa pagkakataong ito ay mapawi na ang inis nito.
"Bumalik ka na sa bahay. Gumagabi at lumalamig na ang hangin, Lily. Baka magkasakit ka pa," anito na parang hindi siya narinig bago siya tuluyang tinalikuran.
Her shoulders sagged as she watched him walk away. His tall frame and powerful aura matched the wild beast beside him. Hindi niya matanto kung ano'ng maaaring gawin para hindi na magalit pa ito o mabawasan man lang iyon.
Iyon lamang ang umikot sa kanyang isip habang nagmumukmok sa loob ng kanyang kuwarto kung saan siya kaagad dumiretso kanina pagkauwi.
Donny is just very difficult to read. There were times when she feels that he likes her...but there were also moments wherein she feels that he doesn't. Inisip niya ang maaaring dahilan no'n.
Naalala niya kung paano niya ito nasagot gamit ang malamig na tono noong tanungin siya nito kung ano ang gusto niyang kainin nang mag-alok ito'ng kuhanan siya ng pagkain. Ngunit inilingan niya rin nang matantong masyadong mababaw na rason iyon. And she didn't peg Donny as an irrational person.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfiction"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."