CHAPTER 10

3.5K 131 15
                                    

Hinila niya si Donny patungo sa lababo. His expression was bored when she urged him to wash his hands clean. Hindi lang para malinisan ang sugat kung hindi upang makita na rin kung gaano ito kalalim.

Naghalo ang dugo at dumi sa tubig. Nang matapos ay kumuha siya ng malinis na towel sa isa sa mga cabinet para tuyuin ang kamay nito. Panay ang sabi ni Donny na kaya na niya iyon ngunit patuloy lang din siyang nagbingi-bingihan. 

"It's not that deep," she announced after looking at the cut again. "But we have to clean this to avoid infection. Do you know where they put the first-aid kit?"

"Cabinet," turo nito sa may kataasang cabinet.

Binitawan niya ang kamay ni Donny para puntahan iyon at makuha ang first-aid kit na nasa loob. Ngunit masyado nga ito'ng mataas. Kinuha niya ang high stool para sana sumampa roon ngunit bago pa siya tuluyang maka-akyat sa silya ay naunahan na siya nito.

Naabot ni Donny ang pinto ng cabinet nang walang kahirap-hirap. Pagkabukas no'n ay agad nitong nakuha ang kailangan niya. Nang-aasar ang tinging ibinigay nito sa kanya kasabay ng pag-abot ng first-aid kit.

"Y-You should've done that earlier!" Hinintay pa talaga siya nitong kumuha ng silya at magpakahirap sa pagsampa roon, para ano? Para maipamukha sa kanya kung gaano ito mas matangkad kaysa sa kanya?!

He chuckled before walking away. Hinila nito ang isang silya na nakaharap sa mesa upang okupahin iyon. Naglakad siya palapit dito. Inilapag niya ang kit sa ibabaw ng mesa at binuksan iyon para inspeksiyunin ang laman. He looked so amused as he watched her. Kunwaring naiinis man ay nagdidiwang naman ang kanyang puso na makasama ito ngayon.

Isa-isa niyang nilabas ang mga kakailanganin. "I know how to clean wounds—"

"Bakit?" putol nito sa litanya niya.

Napasinghap siya. "Girl scout ako noong elementary. Tinuro sa'min 'to."

"Hmmm..."

Binalingan niya si Donny na marahang tumango. Dahil naka-upo ito at nakatayo naman siya ay halos nalamangan niya ng kaunti ang tangkad nito. Ngunit kahit ganoon ay hindi maikakaila ang mas malaki nitong pigura kaysa sa kanya.

"As I was saying, I can clean this wound. Pero dapat ipatingin pa rin 'to sa doktor. Baka mamaya ma-tetano ka dahil lagare ang naka-sugat sa'yo."

"Okay."

"When will you have it checked?" her eyes narrowed into slits. Hindi ito mapagkatiwalaan.

"Bukas," halata ang pigil nitong ngiti.

"Just make sure!"

Umirap siya rito bago inabot ang may pinsala nitong kamay ngunit napatingin muli kay Donny nang kumilos ito para iusog ang silya palayo. Kanina pa niya iyon napupuna. Tuwing madidikit siya rito ay umuusog ito palayo.

"What?" hindi niya napigilang itanong.

"Ano?"

"You keep on moving away."

Ang ekspresyon nito ay nahalinhinan ng hiya. O ganoon nga ba? Hindi niya kasi alam kung bakit ito makakadama ng hiya sa kanya. Simula't sapul kasi ay wala na ito'ng ibang ginawa kung hindi ang buwisitin siya.

Well...hindi naman talaga siya naiinis dito.

"I'm dirty while you...y-you smell nice." Embarrassment was so evident on his tone and expression.

Tulad nito ay pinamulahan din siya ng pisngi at nakadama ng hiya. Ngunit ayaw niya na nilalayuan siya ni Donny. She...hates the feeling.

"It's okay," marahan niyang sinabi. He could be covered with dirt for all she cares and she would still want to be near him.

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon