Like how she started her day yesterday, inubos niya ang buong umaga sa pagkatuto ng gawaing-bahay. Today, she's helping Aileen do general cleaning. Nagwalis siya ng kalat, nagpunas ng alikabok, nagpalit ng kurtina at pillow cases at kung ano-ano pa.
It was very tiring. Ngayon ay mas na-appreciate niya ang kanilang mga taga-silbi sa Maynila. Halos triple ang laki ng kanilang mansiyon kumpara dito. She cannot imagine how tiring it is for their servants to clean their mansion while doing other chores. This is definitely not a joke! Magkatulong na sila ni Aileen nito pero pagod na pagod na siya.
"Ayos ka lang ba diyan, Lily? Magpahinga ka na kaya? Ako na rito. Marami na rin naman ang naitulong mo," suhestiyon ni Aileen nang marahil ay mapansin ang pagod niya.
Despite the exhaustion, she gave Aileen a sweet smile. Nakakahiya naman para dito kung magpapahinga siya habang ito ay magpapatuloy. Parehas lang naman sila na kanina pa naglilinis. For sure Aileen is tired too.
Tinungo niya ang cabinet sa sulok ng library na nagsisilbing opisina na ng kanyang papa sa bahay na iyon upang sana ay linisan. Ngunit nang makita niya ang mga kuwadrong naka-display doon ay nawala sa orihinal na plano ang kanyang atensiyon.
She scanned the frames and smiled when she saw that most were her pictures. Magmula noong sanggol, unang araw niya sa eskwela at mga pinaka-recent pictures. Hindi niya akalain na may kopya rin pala ng mga larawang ito ang kanyang ama. Lalo siyang nangiti nang maisip na marahil ay ang kanyang mommy ang nagpdala ng mga ito sa kanyang papa. It's possible, right? Sino pa bang magpapadala dito?
Kung ganoon ay kahit paano may napagkakasunduan naman pala ang dalawa. She can't help but think that, maybe, with enough pushing, there's a possibility of reconciliation between the two. But she dissolved the idea just as quickly.
Reconciliation? Posible bang magsama ang dalawang magkaibang mundo?
She cannot imagine her mother living here. This hacienda represents everything that her mother hates. Sun, dirt and hard work. She could also say the same with her father. Hindi niya ito maisip na tumira sa Maynila at mag-trabaho sa opisina. Hindi na nga nakakapagtaka kung sa hiwalayan din nauwi ang dalawa.
But another picture caught her attention. Bakas sa larawan ang pagiging luma nito hudyat na matagal na taon na ito'ng kinunan.
In the picture she saw three people whose age ranges from sixteen to eighteen. Isang babae ang pinagi-gitnaan ng dalawang lalaki. Pawang naka-ngiti ang mga ito at halatang masaya habang nakatutok ang mga mata sa camera.
She realized, with shock, that the beautiful lady in the middle was a younger version of Tita Mirasol, Donny's mom. Ang nasa kanan nito ay mas bata rin niyang ama. Hindi niya agad ito nakilala sa unang tingin dahil 'di hamak na mas maliit ang katawan nito sa larawan at mas malago ang buhok kumpara ngayon.
Pamilyar din sa kanya ang isa pang lalaking nandoon ngunit hindi niya mapangalanan. Though he looked oddly familiar. His angular jaw, full lips, narrow and aristocratic nose in between thick and dark brows that matched his deep set eyes reminded her of...Donny.
"Aileen, can you come over here?" tawag niya sa kasama.
"Bakit, Lily?" tanong naman nito nang makalapit na sa kanya.
Tinuro niya ang picture na nakapaloob sa kuwadro. "This is dad and Tita Mirasol, right?" she asked Aileen for confirmation even if it's not really needed.
"Oo. Sila nga 'yan. Mga bata pa sila niyan."
Tumango siya. She knew it, "And...this is? Who is he?" turo niya sa isa pang lalaki.
"Si Sir Antonio Pangilinan 'yan. Tatay nina Donny at Benjamin. Magka-kaibigan silang tatlo nina 'Tay Albert."
She stared at the picture, now wide-eyed with awe. Magka-kaibigan ang dad niya at ang parents ni Donny? Wow. No wonder Benjamin and Donny were close to her dad! At siguro kaya ayos lang din dito na 'Tatay' ang tawag nina Donny sa dad niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/120664250-288-k928880.jpg)
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfic"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."