Hindi niya akalain na ganoon lamang kalapit ang hacienda sa komunidad kung saan nakatira sila Donny. Pero siguro ay gumamit din ito ng shortcut para mas mapabilis pa lalo ang pagdating nila roon at 'di na madisgrasya pa dahil sa biglang pagbuhos ng malakas na ulan.
Habang sinusuklay ang buhok ay sinuyod niya ang kabuuan ng kuwarto kung saan siya nagbihis. Kuwarto iyon ni Aling Mirasol. Bukod sa kama at cabinet, wala nang iba pang makikita roon. Her room in her father's house is two times bigger than this, the one she has back in Manila is three times bigger.
Maliit ang bahay at gawa lamang sa simpleng materyales ngunit napanatiling maayos at malinis. Napangiti siya sa ideyang dito lumaki si Donny at nagmalay. What does his room look like? Dalawa lamang ang pintuang nakita niya kanina kaya malamang ay kasalo nito si Benjamin sa silid.
Nang maging presentable na ay lumabas siya ng kuwarto. Nasa hapag na ang lahat. Maging sina Donny na nakapagpalit na rin ng damit. Katabi nito si Ysabel sa upuan. Pinigil niya ang pagtabang ng pakiramdam.
"T-Thank you for letting me borrow your clothes, Ysabel," she told her.
"Walang anoman iyon. Pasensiya ka na kung hindi iyan tulad ng mga mamahaling damit na nakasanayan mong isuot."
"It's okay."
"Bagay nga sa'yo, Lily," naka-ngiting papuri ni Aling Mirasol.
Ngumiti siya sa gawi nito. "S-Salamat po."
"Wala namang 'di bagay kay Lily. Ang ganda niya kasi," dagdag komento ni Benjamin.
She smiled shyly at him.
"Kumain na tayo," anunsiyo ni Donny. "Na-text ko na si tatay. Mayamaya lang nandito na iyon."
"Halika na, hija," tango ni Aling Mirasol sa kanya upang anyayahan siya sa mesa.
"Dito ka na sa tabi ko Lily." Tumayo si Benjamin sa silya nito upang hilahin ang silyang para sa kanya. Sa kaliwa iyon ni Aling Mirasol, tapat ng inuupuan ni Donny.
"Thank you," she smiled at Benjamin sweetly.
Napasulyap siya sa direksiyon ni Donny. Seryoso ito'ng nakamasid sa kanya at kay Benjamin. Nang mahuli nito ang panonood niya ay maagap nitong iniwas ang tingin upang ituon na sa pagkain.
"Tikman mo ito'ng chopsuey, Lily. Si Ysabel ang nagluto nito," si Aling Mirasol na kinuha ang mangkok na may lamang ulam.
"Masarap magluto iyan si Ysabel. Kasing-sarap ng kay Nanay," dagdag ni Benjamin.
"Uy, grabe ka naman, Benjamin! Marami pa ako'ng kailangang matutunan para maging kasing-husay ni 'nay Mirasol," si Ysabel na pinamumulahan ng pisngi.
She looked at the food with bitterness. Si Ysabel ang nagluto nito? She can cook? Pero hindi naman siguro ibig sabihin na marunong magluto, eh, masarap na agad hindi ba? Ugh, why is she having these mean thoughts?! Wala namang masamang ginawa si Ysabel sa kanya kaya hindi dapat siya nag-iisip ng ganito!
"Kumain ka na rin, Donny..."
Napalingon siyang muli sa direksiyon ng dalawa. Nilalagyan ni Ysabel ng ulam ang plato ni Donny. Pagkatapos no'n ay ang kanin naman ang sinandok nito patungo sa plato. Ysabel did that while smiling sweetly at Donny. Lalo lamang bumigat ang kanyang pakiramdam.
"Lily, bakit hindi ka pa kumakain?" puna ni Aling Mirasol.
"Hindi ka siguro sanay sa ganyang pagkain?" ani Ysabel sa kanya.
"Hindi naman," depensa niya.
She doesn't know if it's just her or she saw her smirk.
Hindi na lang niya iyon inintindi at tinikman na ang pagkain. She chewed the food with so much bitterness in her. Hindi nagmamalabis si Benjamin nang purihin nito ang luto ni Ysabel. Masarap nga iyon. Ngunit kahit ganoon, hindi pa rin siya ginaganahan sa pagkain.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfiction"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."