Aling Lydia's assumption fueled her depleting energy. Halos hindi niya na alintana ang iniindang pagkahilo nang magtungo sa silid upang maligo at magbihis ng puting cotton dress. She would cook dinner as planned and tell Donny about her pregnancy.
Alam niyang mas tamang masiguro niya munang buntis nga siya bago sabihin dito ang magandang balita pero napupuno na siya ng labis na excitement para maghintay pa. Nasisiguro naman niyang magiging positibo ang kahit na ano'ng tests dahil sa mga sintomas na nararamdaman niya nitong mga nakaraang araw.
Her period is also delayed for almost a week now! Masyado siyang naging abala kaya hindi niya iyon napansin ngunit ngayon ay mas nakumbinsi lang siyang tunay siyang nagdadalang-tao. She could imagine Donny's excitement and happiness once he finds out!
She was humming as she started to grill the steak marinated in a special sauce that was her own recipe. Paborito iyon ni Donny at palaging nire-request na iluto niya.
Maagang nagpaalam na umuwi si Aling Lydia. Hindi pa rin mawala-wala ang excitement sa mukha nito para sa kanila ni Donny. Naisin man nitong saksihan ang magiging reaksiyon ni Donny, Aling Lydia said that she wanted to give them some time alone to celebrate the great news.
Inihahanda na niya ang hapag nang bumukas ang pintuan sa kusina. Donny looked so shock to find her there. May bakas pa ng putik ang damit, pantalon at bota nito.
Malapad niya ito'ng nginitian. "Hi..."
"Maaga kang umuwi?" naka-kunot noo nitong tanong ngunit bakas naman sa mga mata ang tuwang makita siyang naroon.
"Yup! I cooked your favorite steak," she said as she walked closer to him.
Sinubukan nitong umatras nang balakin niyang hagkan ito. "I'm still dirty, baby. Maliligo lang muna—"
Napigil ito sa pagsasalita nang mangunyapit siya sa batok nito at ituloy ang balak na paghalik sa mga labi nito. Naramdaman niya ang protesta nito ng ilang segundo bago hinuli ang kanyang bewang ng matikas nitong mga braso upang halikan ng mabuti.
She smiled as she tightened her legs around his waist to keep herself from falling. Though, his strong hands gripping her butt already made sure of that.
Nararamdaman niya rin ang ngiti nito habang ibinibigay sa kanya ang masusuyong halik. She returned his kisses with equal ferocity and hunger. She'd been kissing these beautiful lips for so long but she couldn't quite get enough of it.
Ngunit may balita siyang kanina pa nais sabihin. Ang balak niya ay pagkatapos na nilang kumain ngunit ngayong nakita niya na ito, mas lalo lang siyang hindi makapaghintay.
"Donny..." she said as she tried to move her lips away. Hinabol pa iyon ni Donny upang hagkan at pinagbigyan niya ito sandal bago muling pigilan. "Babe, I have an important news to tell you."
Iyon ang bahagyang nagpawala ng atensiyon nito sa kanyang mga labi. Itinutok ni Donny ang mga mata nito sa kanya habang hinihintay siyang dugtungan ang sinabi. Halos mapunit na ang labi niya sa pagngiti. While his growing frustration was so evident on his brown eyes.
"What is it, Liberty? Pinapakaba mo ako..."
She grinned, "Well...I think I'm pregnant."
Donny's grim expression changed into something she couldn't explain. Napamulagat ito na tila isang batang namamangha. She laughed 'because she found his expression funny.
"W-What..."
"Yeah," tumango-tango siya.
Ikinalas niya ang mga binti sa beywang ni Donny at madali rin naman siya nitong naibaba. Kumurap-kurap ito na para bang pinag-iisipan kung totoo ba ang narinig mula sa kanya o hindi.
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfiction"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."