Tuliro na siya at halos wala sa sarili matapos malaman ang tunay na kondisyon ng ama. May bahagi sa kanya ang ayaw pa ring paniwalaan iyon. Malusog at malakas ang kanyang ama. Ni minsan ay hindi niya nabalitaang nagka-sakit ito noon. Pero kung nagsisinungaling si Donny ngayon, ano naman ang mapapala nito hindi ba? And this isn't something anyone would lie about.
Kanina pa siya tumahan ngunit nanatili ang mabigat na pakiramdam sa kanyang dibdib. The only thing holding her up right now is Donny's tight and steady grip on her waist while leading her the way to the lobby. Bitbit nito ang sariling overnight bag sa isang balikat habang ang isa niyang luggage ay tulak ng malaya nitong kamay. Ang isang bagahe niya ay hila ng inutusan nitong bellboy na nakasunod sa kanila mula sa likod.
"You wait here, Liberty. I'll just settle our bills and check out," he said tenderly, taliwas sa matigas na ekspresyon sa mukha at solidong pangangatawan na kababakasan ng matinding awtoridad.
Inalis ni Donny ang braso nitong nakakapit sa kanya. Para bang bigla siyang nakaramdam ng panghihina nang hindi na maramdaman ang init na inilalabas ng katawan nito.
Marahan niyang pinilig ang ulo para maibalik sa landas ang kanyang isip. Mabilis niyang binuksan ang handbag upang kunin ang wallet doon. Inilahad niya ang kanyang debit card dito. "Here's my card. Use it to pay for my bill."
Bumaba ang tingin ni Donny sa card na pilit niyang inaabot dito. His expressionbecame darker and even more dangerous, like she's offended him or what.
"I'll be quick," anito sa pormal na tono. Ang kamay niyang hawak pa rin ang card ay nanatili sa ere habang pinagmamasdan ang malapad nitong likod na papalayo sa kanya.
Hindi sa ganitong paraan niya inaasahan ang kanilang muling pagkikita. At mas lalong hindi niya naisip na pagkakatiwalaan at kakailanganin niya pa ng ganito si Donny. Siguro dahil sa balitang nalaman at kawalan niya rin ng taong makakaramay.
Her mother is not here. Mahihirapan din siyang kontakin ito dahil nasa bakasyon. And she's not even sure if her mother would still care about her dad. Ganoon din ang iba niyang kamag-anak. Hindi rin siya makapag-desisyon kung dapat ba niyang tawagan si Turs ngayon matapos ng naabutan niya sa condo nito kahapon. Matapos ng pagta-traydor ni Bea sa kanya, hindi na rin siya sigurado kung mapagkakatiwalaan pa rin ba ang iba niyang mga kaibigan.
Out of all the choices that she has, Donny is a slightly better option. Pansamantala lang naman ito. Tama. Pansamantala lang ito kaya kailangan niya munang pagtiyagaan ang presensiya nito.
Sa huli'y ibinalik na lamang niya ang card sa loob ng wallet bago ang cellphone ang hinugot mula sa bag. She tried calling her Tita Helga ngunit hindi nito dinadampot ang telepono. Siguro ay kasalukuyan ito'ng busy. Tinigilan na rin niya ang kanyang cellphone at naghintay na lamang ng tahimik para sa pagbabalik ni Donny.
Sa lalim ng mga iniisip niya'y nagulat pa siya nang maramdaman ang mainit na palad ni Donny sa braso niya. Tiningala niya ito bago mabilis na tumayo para maghandang umalis. Nanatili ang seryosong ekspresyon sa kulay tsokolateng mga mata nito.
"A-Are we going now?" she asked him.
Tumango si Donny bilang sagot sa kanyang tanong.
"How much is my bill? Give me your account number so I could-"
"You don't have to do that," matigas nitong sinabi. "There are more important things to worry about right now, Liberty.
Natahimik siya nang dahil doon. Hindi na nga dapat niya masyadong inaalala ang pagbabayad nito para sa bill niya. He probably has a lot of money now, huh?
"Let's go..." patalikod na ito nang may muli siyang maalala.
"I can call my driver to-"
Mabilis nitong pinutol ang kanyang sinasabi. "May dala ako'ng sasakyan."
BINABASA MO ANG
You're Still The One (A SharDon Fanfiction)
Fanfic"You don't know how hard it is...to love and hate you both at the same time."