Chapter 1

46.4K 701 81
                                    

"TEH! Walang sinabi ang mga dyowa n'yo sa dyowa ko. Itsura pa lang, panis na agad ang mga boyfriend n'yo!" Katulad nang dati ay bumabangka na naman sa usapan si Kenly, ang bading niyang kaibigan. Tuwing lumalabas silang magkakabarkada, madalas na sagot nito ang kuwento. Pero siyempre, hindi naman magpapatalo ang dalawa pa niyang kaibigan na sina Mariel at Portia. Lalo na pagdating sa payabangan ng boyfriend ang pag-uusapan, asahan mong may kani-kaniyang anekdota ang bawat isa para ipagyabang ang kanilang kasintahan.

"Kung mas guwapo pala ang boyfriend mo kesa sa boyfriend ko, eh bakit nagka-crush ka sa boyfriend ko kahit sinasabi mong masaya ka naman sa dyowa mo?" Hindi talaga magpapatalo si Portia. Sa kanilang apat, ito 'yong tipong laging nasa unahan. Nasanay na kasi itong laging nangunguna sa klase. Katunayan, grumadweyt itong Summa Cum Laude.

"Hoy, Portia Dela Cruz! Hindi naman porke crush ko ang dyowa mo eh, mas guwapo na 'yon sa boyfriend ko. Sa ating lahat, dyowa ko ang pinakaguwapo. Alam mo 'yan, 'di ba Mariel."

"Ewan ko sa'yo. Basta kuntento ako sa boyfriend ko. Hindi lang 'yon basta guwapo, malaki pa. Kitang-kita n'yo naman, sa height pa lang panlaban na. Six-footer! Asahan mo nang malaki pati ibang bahagi ng kanyang katawan, if you know what I mean," pilyang sabi ni Mariel sabay kindat.

Pinamulahan ng mukha si Cheska. Ganito talaga magsalita itong si Mariel, walang preno. Laswa kung laswa. Pero hindi rin talaga magpapatalo si Kenly.

"Bakit, nakita mo na ba? Baka naman binabase mo lang sa height. Hindi iyon ang sukatan para malaman kung dakota ang boylet. Believe me. Iyong isang ex ko, ang laking tao pero mas malaki pa 'yong sa akin 'noh!"

Napahalakhak nang malakas si Portia. "Dapat nakipagpalit siya ng nota sa'yo. Kaya mo ba hiniwalayan iyon ay dahil sa maliit niyang pag-aari?"

"Partly yes," pag-amin ni Kenly. "Nakaka-disappoint kasi. Nakakaloka. Looks can really be deceiving. Iyong inaakala mong daks, duty free, tax free pala!"

Napatanga si Cheska. "Anong daks? Anong duty free tax free?"

"Hay naku, Maria Clara saang planeta ka ba nagmula at hindi ka maka-relate sa pinag-uusapan namin? Daks lang 'di mo pa alam. Ibig sabihin no'n, dakota. Malaki. Big. Ganern!" Iminuwestra pa ni Kenly sa pamamagitan ng kamay kung paano ang daks o dakota. "Iyong duty free naman, siyempre kabaligtaran ng big. Dyutay. Small. Maliit."

"Ahhh," napapatangong usal ni Cheska. "Ganoon pala 'yon."

Tinaasan lang siya ng kilay ni Kenly. "Mag-boyfriend ka na kasi. Para hindi ka naiiwanan ng sibilisasyon."

"Oo nga, beshie. Ang ganda-ganda mo ba't wala kang boyfriend? Tomboyita ka ba?" tanong ni Portia.

"Hindi, ah!" mabilis niyang pagkontra. "Anong magagawa ko kung wala namang nanliligaw sa akin? Ako pa ba ang manliligaw?"

Natawa si Mariel. "Eh, kung ganyan pala na hindi ka ligawin, paano ka magkakadyowa?"

"Hindi naman ako atat magkadyowa," depensa niya sabay irap sa mga kaibigan.

"At kelan ka magiging atat, kapag hindi na uso ang dyowa?" pang-aasar ni Mariel.

Sumabad si Portia. "Cheska, kapag hindi mo ginamit 'yan, magsasara 'yan lagot ka! Mas malaking problema 'pag nagsara 'yan," pananakot nito sa kanya.

"At saka mahiya ka naman sa akin, beshie. Kababae mong tao, wala kang boyfriend. Eh, ako nga beki, pero meron. Tinalo pa kita," turan ni Kenly ng may pagmamalaki.

"Ako na naman ang nakita n'yo..."

"Mag-boyfriend ka na kasi!" sabay-sabay na sigaw ng tatlo niyang mga kaibigan.

Tall, Daks and HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon