Hi Jerimie,
I am choosing you to be my dummy boyfriend. I need to discuss with you some other things before we can fully start with this, including your fee for acting as my boyfriend.
Please inform me when can we talk regarding this matter.
Thank you.
Cheska
Napangiti si Jerimie nang mabasa ang email ni Cheska. Nae-excite ba siya? Hindi niya inaasahang siya ang mapipili dahil puro asaran lang naman ang nangyari sa interview. He thought there would be a much better applicant na papasa sa standard ni Cheska. But he is happy na siya ang napili nito. He may have applied as her dummy boyfriend for a wrong reason but he is willing to play his part well now that the role is given to him.
Sinagot niya ang email.
Dear Cheska,
Wow! This came to me as a big surprise but I want to thank you so much for choosing me.
I am a busy person but I will always find time for my girl. So, just tell me when would you like to personally discuss those other things and I'll give you all my time for it.
See you soon!
Yours,
Jerimie
Pagkatapos i-send ang email ay napangiti siya. Ewan. Hindi niya maintindihan ang kakaibang damdamin na bigla niyang naramdaman kanina nang mabasa niya ang email ni Cheska.
Ang totoo, hindi naman yata kanina lang nagsimula ang nararamdaman niyang ito. Parang nag-umpisa ito noong una niyang makita si Cheska sa skype.
Oo, nakita na niya ang dalaga sa profile photo nito sa online dating site kung saan ito nag-post ng "Wanted Boyfriend". Pero iba ang dating nito kapag kausap mo na. Mas maganda ito kapag nagsasalita na at gumagalaw.
At mas lalong nagiging cute kapag naiinis o medyo naaasar.
Parang ang sarap niyang yakapin.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at pinuntahan sa gallery ang screenshot ng mukha ni Cheska habang iniinterbyu siya nito noong nakaraang gabi. Walang kaalam-alam ang dalaga na ilang larawan nito ang naka-save sa phone niya at tinitigan niyang mabuti bago siya natulog kagabi.
Ah, excited na siyang makita nang personal si Cheska.
"CHESKA! Nasaan ka?" Kausap niya sa cellphone si Kenly. Papalabas na siya ng opisina nang tumawag ang kanyang kaibigan.
"Eto pauwi na. Bakit?"
"Nandito ako sa Gateway kasama sina Mariel at Portia. Manonood ng sine. Punta ka na rito. Hihintayin ka namin," excited na sabi nito.
"Ha? Naku, next time na lang ako sasama. May gagawin pa kasi ako sa bahay. Kailangan kong makauwi agad." sabi niya. Hindi naman palusot iyon. Gusto lang talaga niyang umuwi na dahil inaasahan niyang maka-skype ulit ngayong gabi para sa final interview si Jerimie.
"Girl, kahit kelan killjoy ka talaga. Sige na, punta ka na rito. Kakainis naman 'tong babaitang 'to!"
"Kayo na lang kasi. Marami pa namang next time. May kailangan lang talaga akong gawin mamaya sa bahay para sa mga kakailanganin ko pagpunta ng La Union."
"At ano naman ang gagawin mo sa La Union? Lumalakad ka na nang hindi kami kasama, ha?"
"Gaga! May project kami doon. Ako ang ipapadala ng opisina namin. Two weeks lang naman iyon."
"O, siya! Dahil diyan hindi na kita pipiliting sumama sa amin tonight. Basta, siguruhin mo na hindi lang trabaho ang gagawin mo sa La Union. Take it a s an opportunity to find love as well. Prove to us na may kamandag din ang ganda mo, teh!"
BINABASA MO ANG
Tall, Daks and Handsome
HumorSa panahong milenyal, marami na ang ipinagbago ng lipunan. Pati ang dreamboy ng mga kababaihan ay nagbago na rin. Kung dati'y Tall Dark and Handsome ang ideal man nila, ngayon naman ay TALL DAKS AND HANDSOME na. Cover Design: @greatfairy (Jean Ser...