Chapter 39

10.5K 290 43
                                    

KAMPANTENG pumasok si Elsa sa gusali kung nasaan ng opisina ni Jerimie. Base sa address na nakuha niya sa kahon ng mga school supplies na dala nito sa barangay nila noon ay sa ikawalong palapag matatagpuan ang Cibo Degli Amici Corporation. Akala siguro ni Jerimie ay hindi siya makagagawa ng paraan para hanapin ito. Kung ayaw nitong makipagkita sa kanya, puwes siya na lang ang pupunta rito. Naisip niya, hindi naman siguro magagalit si Jerimie kung bigla siyang darating. Hindi naman masamang puntahan sa trabaho ang isang kaibigan... o kakilala.

Paglabas niya ng elevator sa ikawalong palapag ng gusali ay saglit pa niyang inayos ang sarili. Alam niyang maganda siya at presentable sa suot niyang all black business attire na medyo sexy ang dating. Hindi naman iyong tipong bastusin, pero sapat para hindi siya basta balewalain ni Jerimie. May handbag pa nga siyang dala. Para nga lang siyang pupunta sa isang business meeting sa kanyang itsura. Pinaghandaan talaga niya ang araw na ito. Bahala na kung masorpresa nang bongga si Jerimie, pero nandito na siya at wala nang urungan ito.

 Bahala na kung masorpresa nang bongga si Jerimie, pero nandito na siya at wala nang urungan ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagpasok niya sa opisina ay agad siyang nagtungo sa receptionist.

"Hi, good morning! I am looking for Mr. Jerimie Manderico," nakangiting sabi niya sa babaeng receptionist. Siniguro niyang very friendly ang kanyang dating.

"Do you have an appointment with him, Ma'am?" tanong ng receptionist na gumanti rin sa kanya ng ngiti.

Saglit niyang natigilan. Ano ba ang trabaho ni Jerimie rito at kailangan pa ng apppointment?

"Actually, wala. But I am his personal friend. Sabi niya, I can come here anytime. Busy ba siya? I can come back some other day na lang kung hindi siya puwedeng makausap ngayon." Ginamitan niya ng reverse psychology ang kausap.

"Ah, hindi naman po. Ano pong pangalan n'yo, Ma'am?"

"Pakisabi si Elsa."

"Sige po, maupo muna kayo. Tatawagan ko lang siya sandali."

Nagtungo siya sa isang sofa kung saan may nakaupo ring ibang mga bisita.

Iginala niya ang tingin sa paligid ng opisina. Simple pero sopistikada ang interior design nito. Pero ano nga kaya ang trabaho rito ni Jerimie? Ayaw naman niyang magtanong sa receptionist dahil mabubuko siya nito. Saan ka nakakita ng personal friend pero hindi alam kung anong trabaho nito?

"Ma'am, puwede na po kayong pumasok sa office ni Sir Jerimie. Diretsuhin n'yo lang po ito, iyong dulong pinto sa kanan." Itinuro pa nito ss kanya kung saan dadaan.

"Thank you." Tumayo siya at muling nagpakawala ng napakabait na ngiti bago naglakad papunta sa opisina raw ni Sir Jerimie. Marami pa yata siyang hindi alam sa Jerimie na 'to.

Kumatok pa siya ng tatlong ulit bago binuksan ang pinto at sumilip. Muling nag-flash ang kanyang ngiti nang makita sa loob ng opisina si Jerimie.

"Surprise?" masayang tanong niya rito.

Tall, Daks and HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon