UMAGA na nang magising si Zinnia. Si Jerimie ang unang namulatan nito. "Daddy... You're here..."
Nilapitan ni Jerimie ang anak at hinalikan sa pisngi. "Good morning. How is my beautiful angel?" Hinaplos niya ang buhok nito.
"I'm okay now, but not yesterday. I thought I was going to die."
"Ssshhh.... No, don't say that. That is not going to happen. Not until you're a hundred years old," malambing niyang bulong sa anak.
Humagikgik ang paslit. "I don't want to be that old, Daddy. That would be very lonely."
"Why?"
"Because by that time, it will be very hard for me to stand, to walk, and to do any thing that I would like to do. Isn't it sad?"
Hindi siya sumagot pero binigyan niya ng isang matamis na ngiti ang anak.
"Where is mommy?"
"She went home. But she'll be back."
"Do you love me, daddy?" biglang tanong nito.
"Of couse, I love you."
"Do you love, mommy?"
Hindi siya nakasagot. Ayaw niyang magsinungaling kay Zinnia. Ayaw din niyang bigyan ito ng sama ng loob.
Saved by the doctor si Jerimie nang biglang pumasok ang doktor na tumitingin sa kondisyon ni Zinnia. Kasama nito ang isang nurse na agad nag-check ng vital signs ng paslit.
"Hello, little girl. Kumusta na ang pasyente ko?" magiliw na tanong ng doktor kay Zinnia.
"I'm fine now, doc. Can I go home now?"
"Oh, let me see. I still need to check on some things before I allow you to go home."
"Vital signs are okay, doc," sabi ng nurse.
Kinausap ng manggagamot si Jerimie. "We'll just wait for the results of the lab tests we conducted yesterday. Kapag okay na, idi-discharge na natin si Zinnia. In the meantime, dito na muna siya para namo-monitor natin ang condition niya."
"I'm good with that, doc. Anything para gumaling ang anak ko," seryosong sagot niya.
Ngumiti ang doktor. "I'm just in my office for any concern."
Tumango si Jerimie. "Thank you, doc."
Lumabas na ng kuwarto ang nurse at ang manggagamot.
"Daddy, kelan ako uuwi?"
Nginitian niya ang anak. "Soon! Maybe tomorrow. Or maybe a day after tomorrow."
"I miss my toys na..."
"Daddy is here naman to play with you." Binalingan niya si Gina na nasa isang sulok lang at nanonood sa pag-uusap nilang mag-ama. "Gina, mag-breakfast ka na muna." Dinukot niya ang wallet at kumuha ng pera. "Eto'ng pera."
Inabot nito ang pera. "Salamat, sir."
"Ikaw, Daddy aren't you going to eat?"
"Later na lang. Hindi pa naman ako gutom."
"ANONG balita kay Cheska?" tanong ni Portia kina Mariel at Kenly minsang nagkita sila para mag-bonding sa condo ni Mariel pagkatapos ng trabaho.
"Ayun, nasa La Union pa rin. Hindi ko pa kinokontak, busy pa iyon doon," sagot ni Kenly. "Hintayin na lang nating bumalik ang gaga."
"Makikipagkita iyon sa atin kaagad pagbalik niya ng Manila," salo naman ni Mariel.
"Bakit ba naman kasi ayaw pa niyang mag-apply sa sa work natin, para isang kompanya na lang tayo. Si Portia sa tv, ako sa behind the camera. Puwedeng-puwede rin siya sa tv, ah! Sa ganda niyang iyon." kita sa mukha at boses ni Kenly ang paghanga sa kaibigan. "Ikaw naman Mariel, lumipat ka na sa station namin. May radio station rin naman sa kompanyang pinapasukan namin."
"Okay naman ako sa trabaho ko," ani Mariel. "Pero kung mas malaki ba ang offer, eh why not? Kaso, nag-eenjoy naman ako sa trabaho ko kaya paano ko maiisip na lumipat?"
"Eh, kumusta naman ang mga lovelife n'yo mga bakla?" pumipilantik ang daliri na tanong ni Kenly. "Iyong jowa ko, nag-mountain climbing na naman. Wala na ngang time sa akin ang bruhong 'yon. Kung 'di ko lang mahal iyon, matagal ko na sanang itinapon 'yon. Mas importante pa sa kanya ang mga bundok kesa sa akin."
"Wala ka kasing bundok. Magpagawa ka na kasi. Para 'yong bundok mo na lang ang aakyatin niya," komento ni Portia kasunod ang malakas nilang halakhakan. Itong si Portia, hindi mo iisiping kagalang-galang na broadcaster kapag kasama nito ang mga kaibigan.
"At mag-Thailand ka na rin para maging lubos na ang pagkababae mo, girl!" segunda naman ni Mariel. "Sawadeka!"
Muling napuno ng halakhakan ang paligid.
"Nag-iipon pa ako. Darating din tayo riyan. Makakapunta rin ako ng Thailand para magpagawa ng pechay!" baklang-baklang sabi ni Kenly.
"Seryoso?" tanong ni Mariel.
"Naman!" mabilis niyang sagot. "Pera lang ang kulang, teh! Kapag nakaipon na ako, goodbye Junjun. Papatapyas ko na 'to para mapalitan ng kepyas."
Ang lakas ng tawa ni Portia sa sinabi ni Kenly. Ngayon lang nila nalaman na desidido pala itong magpa-sex change. Ang akala nila, nagbibiro lang ito kapag napag-uusapan ang tungkol doon.
"Hindi ka ba nanghihinayang?" tanong ni Mariel.
"Saan? Kay Junjun? Hindi 'noh! Anong gagawin ko rito? Pang-ihi, ganern?"
"Guwapo ka kaya," sagot ni Mariel. "Paano kung gusto mo nang magpakalalaki? Tapos, wala na 'yan. Paano na?"
"Girl, kung magpapakalalaki ako sana noon pa. Ang daming taon na ang dumaan. Kahit sa panaginip, hindi ko napanaginipan na lalaki ako," sigurado sa sariling sagot ni Kenly. "Lalaki ang hanap, oo!"
"Bahala ka na nga. Sayang ka kasi, girl."
"Ba't ako masasayang eh, natitikman naman ako ng mga kalahi ni Adan," pagkontra niya sa sinabi ni Mariel. "Si Cheska ang totoong sayang dahil hanggang ngayon, virgin pa ang lola mo. Sa ganda niyang iyon walang nagkamaling manligaw sa kanya. Masyado kasing seryoso sa buhay!"
"Isa pa 'yon," singit ni Portia. "Ihanap na nga natin ng boyfriend 'yon para hindi out of place kapag gumigimik tayo with our boyfriends. Lagi siyang naiiwan sa isang sulok, eh. Alone and lonely."
"Okay, let's do a pact," sang-ayon ni Mariel. "Operation ihanap ng boyfriend si Cheska. Pero dapat, we should do this as soon as possible. Mas maganda kung pagbalik niya ng Manila ay may mairereto na tayong guy na willing ligawan siya. Dapat iyong boyfriend material talaga. Gawin natin itong surprise sa kanya the next time na magkita tayo."
"Tama! We should do this fast," pagsegunda ni Kenly. "As in really fast!"
"Eh, saan naman kaya tayo hahanap ng guy?" tanong ni Portia.
"Wala bang poging news reporter sa department n'yo?" si Mariel.
"Sa amin, wala. Majority babae at beki. Beki na mas malambot pa sa marshmallow at jelly," pagkumpirma ni Kenly. "Parang mga tipo ko lang."
"I'll see. Pero kung wala, hanap na lang tayo sa iba," suggestion ni Portia.
"Saan naman?" tanong ni Mariel.
"College friends," mabilis na sagot ni Portia. "May naaalala ba kayong classmate natin na may crush kay Cheska noon?"
Saglit silang nag-isip. Pagkatapos ay bigla silang nagkatinginan na para bang nababasa nila ang naiisip ng bawat isa.
"Si Gordon!" sabay-sabay pa nilang isinigaw ang pangalan ng lalaking naalala nilang may crush kay Cheska noong college pa sila. Sayang nga lang at hindi naman nito niligawan si Cheska.
"Nasaan na kaya iyon ngayon?" tanong ni Mariel.
"Leave it to me," sabi Kenly. "Ako ang bahalang maghanap sa kanya. Babalitaan ko agad kayo kapag nakita ko na si Gordon Almendral.
BINABASA MO ANG
Tall, Daks and Handsome
HumorSa panahong milenyal, marami na ang ipinagbago ng lipunan. Pati ang dreamboy ng mga kababaihan ay nagbago na rin. Kung dati'y Tall Dark and Handsome ang ideal man nila, ngayon naman ay TALL DAKS AND HANDSOME na. Cover Design: @greatfairy (Jean Ser...