Chapter 26

11.4K 308 16
                                    

NANG muling magkita silang apat na magkakaibigan sa apartment ni Kenly ay nabanggit ni Cheska ang tungkol kay Gordon.

"Oy bakla, ikaw pala ang nagbigay ng address ko kay Gordon," sita niya kay Kenly. "Naku, huwag ka nang magbibigay do'n ng kahit na anong information tungkol sa akin."

"Bakit naman? Mabait naman 'yung tao, ah?"

"Mabait nga, napakakulit naman. Alam na ngang may boyfriend na ako ipipilit pa ang sarili niya. Nakakaloka! Bigla na lang lumilitaw sa bahay at may dalang bulaklak."

"Ayaw mo no'n? Kung dati ay walang bubuyog na gustong sumimsim sa bango mo, ngayon dalawa pa silang gustong tumikim sa'yo!" natatawang sabi ni Kenly na ikinatawa rin nina Mariel at Portia.

"Ang laswa mo, bakla! Kadiri ka!" Hinampas niya sa braso ang kaibigan pero nakaiwas kaagad ito kaya hindi niya tinamaan.

"Pero guwapo talaga 'yung Jerimie mo, ha? Lumalaban ng paguwapuhan sa boyfriend naming tatlo."

"Naman! Hahanap ba ako ng kamag-anak ni Chaka doll? Eh, 'di nilait n'yo lang siya at pinagtawanan. Mga laitera pa naman kayong tatlo!"

"Nakaka-hurt ka, girl!" tili ni Mariel kasunod ang paghalakhak. Sanay silang apat na magbalahuraan kaya hindi sila nasasaktan sa mga palitan nila ng hindi magagandang komento sa isa't isa.

"Gwapo nga. Matangkad nga. At maganda nga ang kulay ng balat... Pero ang tanong, malaki ba?" sabad ni Portia sa usapan.

"True! Dakota ba ang boylet mo, teh? Kasi walang silbi ang kaguwapuhan niya at tangkad kung siling pangsigang lang ang peg ng notes," excited na pagsang-ayon ni Kenly.

Hindi siya nakasagot. Paano siyang sasagot eh, hindi naman niya alam?

"Ano?" untag ni Mariel. "Naghihintay kami ng iyong big revelation," humahagikgik na sabi nito na in-emphasize pa ang salitang "big" at saka nakipag-high five pa ito kina Kenly at Portia.

Napunta lahat kay Cheska ang mga mata ng tatlo niyang kaibigan. Hinihintay ng mga ito ang sasabihin niya.

"M-malay ko... Bago pa lang naman kami. Siyempre hindi ko pa alam ang sagot diyan. Wala pa namang nangyayari," palusot pa niya.

"Bakit? Wala bang screening committee bago mo siya sinagot?" nagtatakang tanong ni Kenly.

"Gaga!" singhal niya rito. "Magmumukha akong malandi kung gagawin kong basehan iyon para maging boyfriend ko siya." At saka lang niya naisip na siya rin ang nasapol ng kanyang sinabi. Hindi nga ba't nag-request siya kay Jerimie na ipakita ang bedroom showcase nito? Kaso nga lang tumanggi ito sa kanya nang bonggang-bongga.

"Well, acquitted ka ngayon, girl!" deklara ni Kenly. "Pero dapat na gumawa ka ng paraan para makita ang itinatagong kabuhayan ng jowa mo. Kailangang may maibalita ka sa amin next time na magkita-kita tayo."

"Naku, hindi n'yo na ako mapre-pressure! Tama nang sinunod ko kayo at nag-boyfriend na ako. Okay na 'yon," matigas niyang sabi.

Nagkatinginan lang ang tatlo niyang kaibigan. Bawat isa ay tila hindi sang-ayon sa sinabi niya.

"Maiba ako," biglang sabi ni Mariel. "Na-confirm mo na ba 'yong sinabi ko sa'yo tungkol sa lalaki mo? Pinaamin mo na ba siya kung sino iyong babaeng kasama niya sa mall na nakapulupot sa kanya?"

"Hindi pa, eh. Nahihiya akong magtanong," asiwa niyang sagot.

"Teh, girlfriend ka kaya karapatan mong magtanong," susog ni Kenly. Itong mga kaibigan niya, kalahi yata lahat ni Gabriela Silang. Puro palaban!

"Ikaw rin, baka niloloko ka na wala ka pang kaalam-alam," paalala naman ni Portia.

Hanggang sa maghiwalay silang magkakaibigan ay nakatanim sa isip ni Cheska ang mga pinag-usapan nila. Oo nga at hindi naman ito totoong boyfriend niya, pero kung may iba itong girlfriend o asawa kaya ay dapat na niyang putulin ang usapan nila. Kahit biro ay hindi niya pinangarap na mapagbintangang mang-aagaw ng lalaki.

Tall, Daks and HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon