NAPANSIN ni Cheska na titig na titig sa kanya ang ikalimang aplikante.
"Anong tinitingnan mo sa mukha ko?" mataray niyang tanong habang pinagsasalubong ang kanyang kilay.
"Bakla ka, 'di ba? In fairness, hindi ka mukhang bakla." Hinawakan pa ng lalaki ang baba niya habang tila nag-iisip kung paano naging mukhang babaeng-babae ang baklang nasa screen ng kanyang laptop.
"Ha?! Sinong bakla? Sino ang nagsabi sa'yo na bakla ako? Itong itsurang 'to? Tingnan mo ngang mabuti." Ibinalandra niya ang kanyang pagmumukha sa camera ng laptop sa iba't-ibang anggulo para makitang mabuti ng ka-skype niya ang kanyang itsura. "Iyan ba ang bakla? Tell me."
"Seryoso, babae ka talaga? Eh, bakit ka naghahanap ng boyfriend kung totoong babae ka? Wala bang nanliligaw sa'yo?" Hindi pa rin makapaniwala ang lalaki. Kaya siya nag-apply bilang boyfriend ng baklang ito ay para sakyan lang kung ano man ang trip nito. Hindi niya akalaing babae ang naghahanap ng boyfriend. At ganito kaganda!
"Gusto mong kumanta pa ako?"
"Huh? Ng ano?"
"Hindi ako bakla kla kla kla kla kla. 'Di ako syokla kla kla kla kla kla. Nililinlang ka lang ng 'yong paningin. Babae po ako, so soft, so sweet..." Kinantahan niya talaga ang lalaking diskumpiyado sa kanyang kasarian. "Ano, kumbinsido ka na?"
Umiling-iling ito pero natatawa. "Hindi pa rin. Sinong niloko mo? Sa sobrang advanced ng siyensiya ngayon, mas mukha pa ngang babae ang bakla kesa sa tunay na babae."
"Hindi nga ako bakla!" Nanggigigil na siya sa lalaki."Hindi ako bakla! Babae ako."
"Eh, 'di hindi. Sabi mo, eh."
"Umpisahan na natin ang interview. Anong pangalan mo?"
"Hindi ba nag-send na ako ng resume? Basahin mo na lang do'n." Tablado si Cheska, unang tanong pa lang.
"Okay, so ikaw si Jerimie Alexander Manderico, 25 years old, walang sabit, taga-Caloocan." Binasa na lang niya ang resume nito.
"Yeah..." Tumango pa ito.
"Hindi mo nilagay dito kung anong trabaho mo."
"Ayoko nga. Baka mamaya scammer ka gamitin mo sa panloloko ng ibang tao ang mga personal details ko."
"Mukha ba akong scammer? Ang kapal ng mukha mo. Kanina bakla, ngayon scammer..." Nanggigigil na talaga siya sa lalaking ka-skype. Kung nasa harapan lang niya ito, baka nasampal na niya. Napakapresko!
"Kung assurance lang na may trabaho ako ang gusto mo, huwag kang mag-alala. May trabaho ako. Kayang-kaya kitang buhayin kung magiging asawa kita."
"Paano kung magtanong ang mga kaibigan ko, anong sasabihin ko?"
"At saka mo na iyon problemahin, kapag napili mo na ako para maging boyfriend mo. Sa ngayon, tama nang alam mo na may silbi ako sa mundo."
"Sige..." Iyon lang talaga ang nasabi niya.
"Ano may question ka pa? Bilisan mo ang interview na 'to at marami pa akong gagawin."
"Wow, ha? Para namang sumasagot ka nang matino sa mga tanong ko."
"Matino naman ang mga sagot ko, ah. Hindi lang kasi 'yon ang ini-expect mong marinig," pangangatwiran ni Jerimie.
Gigili na gigil na talaga siya sa lalaking kausap niya. Baka makalbo siya kung ito ang magiging boyfriend niya.
"Paano kung ako ang mapili mong maging boyfriend?" kumpiyansang tanong nito. "Anong mangyayari?"
"Bilib na bilib sa sarili?" pang-iinis niya rito. "Marami kayong pinagpipilian ko kaya 'wag ka agad umasa."
"Hindi naman ako umaasa. Nagtanong lang ako, para alam ko ang mangyayari if ever na mapili ako."
"Magpapanggap ka lang na boyfriend ko. You'll act as my real boyfriend, the only difference is that everything is acting."
"So, magiging artista ako?" Biglang nangislap ang mga mata ni Jerimie. "May talent fee ba ito?" naisipan niyang itanong.
"Huwag kang mag-alala. Pinaghandaan ko ito. Babayaran ko kung sino man ang mapipili kong magpanggap na boyfriend ko."
"Ohh..."
"Maghubad ka na. Gusto kong makita kung malaki ang itinatago mo," kaswal niyang sabi. Medyo nawala na sa kanya ang hiya.
"What?! Seryoso ka?" gulat na tanong ni Jerimie.
"Paano ko malalaman na malaki 'yan kung hindi ko makikita?" argumento ni Cheska.
"Walang nakalagay sa post mo na required maghubad ang boyfriend applicants. Kung nakalagay doon na may nudity involved, hindi ako mag-a-apply," protesta ng lalaki.
"Puwede kang mag-backout kung ayaw mo."
"I am not backing out! Nakapasa na ako sa initial screening. Ngayon pa ba ako aatras?"
"Hindi ba pag-atras ang tawag sa pagtanggi mong maghubad?"
Napamulagat si Jerimie. "Ibang usapan 'yan. Are you a pervert?"
"Excuse me?! Kung maka-pervert ka."
"Eh, ba't ganoon na lang ang eagerness mo na makita ang baston ko?" Nakakaloko ang ngiting pinakawalan niya.
"Baston talaga? Ganoon kahaba? Then prove it!" hamon niya kay Jerimie. "Throw your pants and underwear on the floor and show me the merchandise." Siniguro niyang nakataas ang kilay niya at makikita iyon ng kausap.
"I won't buy that. If you really want me to go naked in front of the cam to your delight, you have to agree with my condition."
Tumaas ang isang kilay niya. "At anong kondisyon naman 'yan?"
"Una kong napapansin sa mga babae 'yong kanilang boobs. I'll show you my meat popsicle but you have to show me those lady bubbles," diretso niyang pahayag. Ang lagay eh, siya lang ba ang malalamangan ng babaeng ito?
"Bastos! Hinding-hindi ako maghuhubad sa harap mo."
"Mas lalo naman ako. Ang suwerte mo naman kung basta mo na lang makikita ang pangkabuhayan showcase ko."
"Look, magpapanggap ka lang naman na boyfriend ko. Hindi naman totohanan ito. Kailangan ko lang ng maipapakitang boyfriend sa mga kaibigan ko para hindi na nila ako binu-bully. At kailangang masiguro ko na pasado sa standard nila ang ipakikilala kong boyfriend."
"Iyon na nga! Role playing lang, pero bakit kailangang makita mo ang hindi mo dapat makita? Kasama ba sa standard ng mga kaibigan mo na dapat malaki ang alagang ahas kaya kailangang makita mo pa? Hindi pa ba sapat na sinabi kong daks ako? Kapag nag-apply ka ba ng trabaho, ora mismo patutunayan mo sa HR na kaya mong gawin ang trabaho? Hindi ba nagre-rely lang din sila sa mga sinabi mo sa interview?" Wala siyang balak magpatalo sa babaeng ito.
Hindi siya nakasagot. Ang totoo, hiyang-hiya na siya sa sarili niya. Bakit ba niya pinipilit ang lalaking ito na maghubad? Hindi naman siguro ire-request ni Kenly o ng sino man kina Portia at Mariel na ipakita ng magiging boyfriend niya ang nota nito.
"Para-paraan..." nakangisi niyang sabi.
"Hindi, ah! Hindi naman ako maniac na bigla-bigla na lang gustong makakita ng kuwan."
"I am not showing you my boomstick and that's final. But I am proceeding with my application as your dummy boyfriend. Malay mo, ako ang mapili. Sayang din 'yong bayad kung magkano man iyon. Ang hirap yatang kumita ng pera ngayon."
"Eh, 'di huwag. Basta, sinasabi ko sa'yo marami kayong aplikante, at 'yong iba naman ay pumayag na ipakita ang private parts nila. Kaya kung pipili ako between you and them, mas paniniwalaan ko 'yong nakita ko, kesa sa sinabi mo lang." Mukhang pera, sa loob-loob niya.
"Go ahead! Piliin mo sila. Mag-iingat ka lang dahil anong klaseng mga lalaki ba ang basta na lang magpapakita ng ari nila sa ibang tao? Tandaan mo, role playing lang ang gagawin ninyo. Baka mamaya, you are already dealing with a psychotic maniac on the loose."
Gumapang ang kilabot sa katawan ni Cheska. Oo nga! Hindi niya naisip iyon. Napakadelikado pala nitong ginawa niya. In-expose niya ang sarili sa mga malilibog na anak ni Adan.
BINABASA MO ANG
Tall, Daks and Handsome
HumorSa panahong milenyal, marami na ang ipinagbago ng lipunan. Pati ang dreamboy ng mga kababaihan ay nagbago na rin. Kung dati'y Tall Dark and Handsome ang ideal man nila, ngayon naman ay TALL DAKS AND HANDSOME na. Cover Design: @greatfairy (Jean Ser...