DINALA ni Uriel si Elsa sa isang coffee shop.
"Bakit ka umiiyak kanina sa sasakyan?" puno ng pag-aalalang tanong ni Uriel. Mula nang makilala niya si Elsa ay hindi pa niya ito nakitang umiyak. Para sa kanya ay napakatatag nitong babae kaya para umiyak ito, marahil ay napakabigat na ng dinadala nitong problema.
"Wala. Kalimutan mo na 'yon." Ito pa ang isang ugali ni Elsa. Hindi mo mapipilit na magsalita kung ayaw nitong magkuwento.
"So, kumusta ka na? Matagal na rin mula noong uli tayong nagkausap," pagbabago niya sa usapan.
"Matagal na nga," matipid niyang sagot.
"Lumipat ka kasi ng eskuwelahan, 'di ba? Sa probinsiya. Kaya nawalan tayo ng communications. Hindi kita makontak sa cellphone number mo. Hanggang pagtagal ay parang mali na talaga 'yong number, siguro nagpalit ka na ng sim card. Even sa social media, hindi kita mahanap. I tried na hanapin ka. Pero dahil limitado lang din ang oras at resouces ko dahil estudyante pa lang naman ako noon, wala ring nangyari sa paghahanap ko."
"Kasalanan ko rin naman. Ako iyong kusang umiwas."
"Bakit?"
Hindi sumagot si Elsa.
"Dahil hindi mo ako mahal?
Umiling siya. "Hindi ganoon," tanggi niya. "Naisip ko lang, walang mangyayari sa isang long distance relationship. Lalo na at pareho pa tayong nag-aaral noon. Umaasa sa magulang."
"May matatag na akong trabaho ngayon..."
Napatingin sa kanya si Elsa.
"Puwede ba tayong maging magkaibigan muli?" tanong ni Uriel.
Marahang tumango si Elsa. "Hindi naman kita inalis bilang kaibigan sa buhay ko. Wala naman tayong pinag-awayan. Nawalan lang tayo ng communications. Pero deep inside, alam kong you will always be a friend... my friend."
"Ang saya ko na nakita kita ngayon. Naniniwala ka ba na everything happens for a reason? Kung ano man iyon, I hope it will both make us happy," nakangiting sabi ni Uriel. "Kaya huwag ka ng malungkot. Malay mo, baka kaya nagkita tayo ngayon dahil malungkot ka at kailangan mo ng magpapasaya sa'yo. Baka kailangan mo ng mga joke ko para tumawa ka. I would love to put a smile on your face."
"Thank you..." naluluhang sabi ni Elsa.
"Don't be sad," pag-aalo niya sa babae. Dahan-dahan niyang inabot ang kamay nitong nakapatong sa mesa at hinawakan nang mahigpit. "I'm here..."
HUMANGA si Cheska sa bahay na pinuntahan nila ni Jerimie.
"Kaninong bahay ito? Dito ka ba nakatira?" Nakakatawa. Boyfriend niya pero hindi niya alam kung saan ang bahay nito.
"No, iba ang nakatira rito. Malalaman mo mamaya."
Binuksan ni Diday ang gate para maipasok ni Jerimie ang kotse. Pagbaba ng sasakyan ay agad na nagtanong ang binata.
"Nasaan si Zinnia?"
"Nasa kuwarto po, sir. Kasama si Nurse Gina," magalang na sagot nito.
"Si Maddy?"
"Nasa kuwarto rin po."
"Sige, pupuntahan na lang namin." Bumaling siya kay Cheska. "Alam mo na kung sino ang nakatira rito."
Tumango ang dalaga.
Hinawakan siya ni Jerimie sa kamay at naglakad sila paakyat ng hagdan patungo sa kuwarto ni Zinnia.
Dahan-dahan niyang binuksan ang silid ng bata at naabutan niyang abala ito sa pagkukulay ng mga imahe sa coloring book. Pumasok sila at naiwan nang bukas ang pinto.
"Hello, baby!" masiglang bati ni Jerimie sa paslit. Hindi naman nakapagsalita si Cheska nang makita ang napakagandang batang babaeng inakala niya dati na totoong anak ni Jerimie.
"Daddy!" Hindi maitago ang saya ni Zinnia nang makita ang kinikilalang ama. Agad itong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at tumakbo papalapit kay Jerimie.
Sinalubong niya ang bata at niyakap at saka binuhat. "I want you to meet your Tita Cheska. You say hi to her," utos niya rito.
"Hi, Tita Cheska!" nakangiting bati sa kanya ni Zinnia.
"Hello, Zinnia! I'm so glad to meet you," tugon niya sa paslit.
"May mga bisita pala ako, wala akong kaalam-alam." Mula sa pinto ay nagsalita si Maddy. Hindi na nila namalayan na nakapasok na ito.
"Mommy! Daddy is here and he has a friend with him," masiglang sabi ni Zinnia sa ina.
"Mabuti at nandito ka na. I would like to introduce to you my girlfriend, Cheska," sabi nito kay Maddy. "Cheska, si Maddy mommy ni Zinnia."
"I'm pleased to meet you, Maddy." Sinsero ang ngiting ibinigay niya sa babae kasabay ng paglahad ng palad niya.
"The pleasure is mine," sagot naman ni Maddy. Inabot nito ang palad ni Cheska habang titig na titig dito.
"Bakit hindi na lang kayo dito maghapunan? Magpapaluto ako kay Diday," alok ni Maddy sa dalawa.
"Huwag na," mabilis na sagot ni Jerimie. "Aalis din kami kaagad. Dumaan lang kami kasi gustong makilala ni Cheska si Zinnia."
"Next time na lang siguro, Maddy. Thanks for the invitation, though." Napaka-friendly ng ngiti ni Cheska. Ayaw niyang ma-offend si Maddy dahil sa pagtanggi nila sa paanyaya nito.
"Okay. Sana may extra time na kayo sa sunod ninyong pagpunta rito. Babalik na ako sa kuwarto. Zinnia, ikaw na ang bahala sa kanila." Lumabas na ng silid si Maddy at mabilis na nagtungo sa sariling kuwarto. Nang makapasok ay siniguro nitong nai-lock niya ang pinto at saka binuksan ang drawer niya. Doon ay kinuha niya ang isang baril. Matagal na sa kanya ang baril na ito. Naghihintay lang siya ng paggagamitan. Ngayon, mukhang magagamit na niya ito. Kung inaakala ng Cheska na 'yon na makukuha nito si Jerimie nang ganoon kadali ay nagkakamali ito. Kung siya nga na matagal nang nakasama ni Jerimie ay hindi nagtagumpay na makuha ito, mas lalong hindi siya makapapayag na makuha ito ni Cheska. Kung kailangang pumatay siya para kay Jerimie, gagawin niya!
PAGKAHATID ni Jerimie kay Cheska sa apartment nito ay saka naman tumawag si Kenly.
"Girl, nasaan ka?" bungad na tanong nito nang sagutin niya ang cellphone. Parang balisa ang boses nito.
"Nasa bahay. Bakit parang natataranta ka?"
"Nabalitaan mo na ba?"
"Ang alin?" nagtataka niyang tanong.
"Iyong tungkol kay Gordon."
"Bakit, anong nangyari kay Gordon?" curious niyang tanong.
"Girl, wanted sa mga pulis si Gordon. Kaya pala wala tayong balita sa kanya, nagtatago pala ang lokong 'yon. Ibinaba na ang warrant of arrest laban sa kanya. Pinaghahanap na siya ng mga pulis," pagbabalita pa ng bakla.
"Wanted? Bakit? Anong kaso niya?"
"Kinasuhan siya ng rape ng isang estudyante niya. Ang gagong iyon, manyak pala talaga," inis na pahayag ni Kenly. "Mag-iingat ka, girl. Alam mo naman, may pagnanasa sa'yo ang lalaking 'yon. Isara mong mabuti ang mga pinto at bintana bago ka matulog. At kung sakaling maliligaw diyan ang Gordon na 'yan, huwag na huwag mong papapasukin."
"Hindi naman siguro siya pupunta rito," sabi ni Cheska.
"Mabuti na ang nag-iingat," paalala ni Kenly sa kaibigan.
Pagkatapos nilang mag-usap ni Kenly ay hindi na agad dinalaw ng antok si Cheska. Aminin man niya o hindi, naapektuhan siya sa nabalitaan lalo na't minsan ay muntik na rin siyang gawan ng hindi maganda ni Gordon.
BINABASA MO ANG
Tall, Daks and Handsome
HumorSa panahong milenyal, marami na ang ipinagbago ng lipunan. Pati ang dreamboy ng mga kababaihan ay nagbago na rin. Kung dati'y Tall Dark and Handsome ang ideal man nila, ngayon naman ay TALL DAKS AND HANDSOME na. Cover Design: @greatfairy (Jean Ser...