Chapter 23

11.9K 313 33
                                    

PAGDATING sa bahay ay agad na inilatag agad ni Jerimie ang katawan niya sa kama. Hindi na siya nag-abalang magpalit ng suot na damit. Noon siya nakadama ng pagod.

Habang nakahiga ay naaalala pa niyang muli si Cheska. Ang magandang mukha ni Cheska na napakainosente. Ang kabaitan nito na may itinatago ring katarayan. Katarayang ilang beses na ring ipinakita nito sa kanya.

Napangiti si Jerimie. Si Cheska ang nag-iisang babaeng nagpapangiti sa kanya ngayon, maliban siyempre kay Zinnia.

"Oww, si Zinnia! I need to call her." Bumalikwas siya nang bangon at dinukot sa bulsa ng suot niyang pantalon ang kanyang cellphone. Tinawagan niya si Gina para makausap si Zinnia.

"Gina, gising pa ba si Zinnia?" tanong niya sa babaeng sumagot sa tawag niya.

"Tulog na po, sir. Mag-aalas dose na po, eh." Sa timbre ng boses ni Gina ay mukhang nagising lang ito sa tawag niya.

"Aww, shit! Sorry, sorry. Hindi kita minumura. Pasensya na, nakalimutan ko ang oras. May inasikaso kasi ako. Bukas ko na lang siya tatawagan."

"Okay, sir..."

"Kumusta si Maddy?"

"Nakakatakot po siya 'pag nalalasing. Nagsisisigaw. Binabato sa dingding ang kung ano mang madampot," sumbong ng nurse.

"Ganoon ba siya araw-araw?"

"Opo..."

"I really need to talk to her again. Hindi puwede 'yung ganyan ang ginagawa niya."

"Natatakot na nga po si Diday. Siya lagi ang sumasalo ng galit ni Ma'am Maddy."

Napabuntong hininga siya. Habang tumatagal ay mas nagiging hopeless na si Maddy. At napababayaan na rin nito si Zinnia.

"Sabihan mo kaagad ako kapag uminom na naman siya. Make sure na ilayo mo sa kanya si Zinnia 'pag naninigarilyo siya," bilin niya sa nurse.

"Yes, sir."

"Sige na, tatawag na lang ulit ako bukas kay Zinnia."

Pagkatapos kausapin si Gina ay si Cheska naman ang tinawagan niya. Sana, gising pa ito.

"O, ba't napatawag ka?" nagtatakang tanong ni Cheska nang sagutin nito ang tawag ni Jerimie. "Magkasama lang tayo kanina, ah!"

"Wala naman... Nami-miss ko lang ang boses mo," diretso niyang sabi.

"Agad-agad? Naku, Jerimie Alexander Manderico hindi mo ako mauuto."

"Inuuto ba kita? Hindi naman, ah."

"Well, wala namang dahilan para ma-miss mo ako..."

"Anong wala? Girlfriend kita."

"Alam mong kunwari lang 'yon," protesta niya.

"Kaibigan kita. Magkaibigan tayo. Hindi pa ba sapat iyon para ma-miss kita?"

"Ewan ko sa'yo! Matulog ka na kasi matutulog na rin ako."

"Seriously, how do your friends find me? Pasado na ba ako sa kanila?" tanong nito sa kanya.

"Wala naman silang sinabing komento," tanggi niya.

"Imposible..." Hindi ito makapaniwala. "Ang tagal n'yong nag-usap kanina. Iniwan n'yo nga akong mag-isa.

"So, galit ka na niyan?"

"Hmm, hindi naman. Anyway, sige na matulog ka na. Baka mapuyat ka pa dahil sa akin."

"Matulog ka na rin..."

"Opo... Goodnight."

"Goodnight..."

Mahimbing ang tulog ni Cheska nang gabing iyon samantalang si Jerimie naman ay balisa at nananatiling gising habang nakahiga sa kanyang kama. Sari-saring eksena ang naglalaro sa kanyang isip. Isang araw bago sila bumalik ng Maynila ni Cheska ay nilapitan siya ni Elsa at kinausap nang masinsinan.

Tall, Daks and HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon