MAGKAHAWAK-KAMAY na nagtungo sa pool sina Jerimie at Cheska para puntahan si Maddy. Sabi ni Diday ay nasa pool daw ang babae at ayaw magpaistorbo kaya minabuti nilang sila na lang ang magtungo sa pool area para makausap ito.
Parang walang nakitang paparating na tao si Maddy kahit natanaw naman nito ang pagdating ng dalawa. Patuloy lang itong naglunoy sa tubig at lumangoy nang lumangoy.
"Maddy, gusto kitang makausap," sabi ni Jerimie. "Umahon ka muna riyan."
Lumangoy papalapit sa kanila ang babae.
"What brought you here?" tanong sa kanila ni Maddy na hindi pa rin umaahon sa pool.
"Umahon ka nga muna riyan. Paano tayo makapag-uusap nang matino kung nandiyan ka sa pool?"
"Daddy!"
Napatingin sa likod si Jerimie at nakita niya si Zinnia na tumatakbong papalapit sa kanya kasunod ang nurse na si Gina.
"Zinnia, come back here!" sigaw ni Gina habang hinahabol ang alaga.
"Be careful. Don't run!" Siya ang kinabahan para sa pamangkin. Sinalubong niya ito at kinarga.
Umahon sa pool si Maddy.
"Anong meron today? Bakit kumpleto kayo rito?" Ang kilay ni Maddy ay kaagad na tumaas. Kahit hindi lasing ay lumalabas na talaga ang pagkasuplada nito.
"Mabuti na rin na kumpleto tayo because I want everyone to know that Cheska and I are getting married," masayang pagbabalita ni Jerimie. Ang lapad nga ng ngiti niya. Abot hanggang tainga.
Nakita ni Cheska na napangiti si Gina. Pero nang tingnan niya si Maddy ay iba ang nakita niya sa mukha nito. Gulat? Lito? Lungkot? Bakit tingin niya ay tumalim bigla ang mga mata nito?
"Kailan naman ang kasal?" kaswal na tanong ni Maddy.
"Pag-uusapan pa namin. This weekend, pupunta kami sa province ni Cheska para makilala ko ang parents niya. From there, paplanuhin na namin ang lahat ng details ng kasal."
"What about your parents? Alam na ba nila?"
"Nasabi ko na when we skyped last night and okay naman sa kanila. They will be here to attend our wedding." Hinapit pa ni Jerimie ang baywang ng nobya. Bigla ay parang naging isang buong pamilya sila. Si Jerimie, si Cheska at si Zinnia.
Hindi nakaligtas sa mata ni Cheska ang pasimpleng pag-ismid ni Maddy. Pero binalewala lang niya ang kakaibang reaksyon ng babae.
"Hindi na kami magtatagal. We just came here to say the good news." Hindi nawawala ang ngiti ni Jerimie, patunay na totoong maligaya ito sa nangyayari ngayon sa kanyang buhay.
NANG makaalis sina Jerimie at Cheska ay nagkulong sa kuwarto si Maddy. Hindi na nga nito nagawang magpalit ng damit. Humarap ito sa malaking salamin na nasa kanyang silid at masusing pinagmasdan ang repleksyon niya sa salamin. Nagtataka siya kung ano ba ang kulang sa kanya. Bakit hindi napapansin ni Jerimie ang kanyang presensya? Ano ba ang mali sa itsura niya? Maganda naman siya. Ano bang hindi magustuhan ni Jerimie sa katawan niya? Sexy naman siya.
Bakit sa ibang babae nagkagusto si Jerimie at hindi sa kanya?
Hindi pa nakuntento si Maddy at walang pangingiming hinubad nito ang suot na two-piece swimsuit at malayang pinagmasdan sa salamin ang hubo't hubad niyang repleksyon. Kasabay nito ang pamumuo ng hindi maipaliwanag na galit sa kanyang mukha. Dahan-dahang tumulo ang luha ni Maddy. Hindi na rin niya napigilan ang nag-uumapaw na poot sa kanyang dibdib. Buong lakas siyang humiyaw upang palayain ang bigat sa dibdib na kanyang nararamdaman.
"Aaaaahhhhhh!"
NAGING abala na sina Jerimie at Cheska nang mga sumunod na araw. Umuwi ng Camarines Sur ang dalaga kasama ang nobyo para pormal na makapagpaalam sa mga magulang niya. Hindi naman tumutol ang ama at ina ni Cheska. Maging ang mga ito ay magaan agad ang loob sa kasintahan ng kanilang anak lalo na at nakita nilang mahal na mahal ni Cheska si Jerimie. Hindi na nila kinuwestyon kahit na ilang buwan pa lang na magkasintahan ang dalawa dahil nasa tamang edad na ang mga ito. Sa probinsiya nina Cheska, nailatag ang kabuuan ng detalye ng kasal nila ni Jerimie.
Pagbalik ng Maynila ay nagkita silang magkakaibigan sa condo ni Portia.
"So, kailan ang kasal?" excited na tanong ni Mariel.
"Six months from now. Kumuha na si Jerimie ng event organizer na kayang ihanda ang lahat ng kakailanganin sa kasal in so short a time," nakangiting sagot niya.
"Ang suwerte mo, girl," tila naiinggit sa pahayag ni Kenly. "Sana lang talaga, daks 'yang si Jerimie para lubos-lubos na ang kaligayahan mo."
"Hindi na importante sa akin kung daks man siya o hindi. Mahal ko si Jerimie. At tama na sa akin na mahal din niya ako. Kasi, at the end of the day hindi naman masusukat ang pagkatao ni Jerimie sa haba at taba ng pangkabuhayan showcase niya." Bahagya siyang napangiti nang maalalang iyon ang terminong ginamit dati ni Jerimie para itawag sa pribado nitong bahagi.
Natawa sina Mariel at Portia sa sinabi niya.
"Pangkabuhayan showcase talaga, girl? Titi lang 'yon, noh! Titi!" tili ni Kenly. "May pangkabuhayan showcase ka pang nalalaman diyan."
Tawa pa rin ng tawa sina Portia at Mariel.
"Ang bastos talaga ng bibig mo. Hindi mapigilan. Alam mo, ikaw lang ang curious na curious malaman ang size ng ano ni Jerimie. Eh, kung isumbong kaya kita sa boyfriend mo?" kunwa'y pananakot niya sa kaibigan.
Nanlaki ang mga mata ni Kenly, pagkatapos ay ngumiti. "Good news, girl! Wala na kami."
Napatingin si Cheska kina Mariel at Portia. Halos magkasabay na tumango sa kanya ang dalawang babae.
"Kailan pa?" tanong niya.
"Last week. Hindi ko na kinuwento sa'yo kasi ayoko namang sirain ang kasiyahang nadarama mo araw-araw. At saka alam kong busy ka sa planning ng kasal mo," paliwanag ni Kenly.
"Pero okay ka na ba?" naninigurong tanong niya.
"Oo naman! Ako pa ba? Kailan ba ako nagmukmok dahil iniwanan ng lalaki? Sa ganda kong 'to, madali akong makahahanap ng kapalit," puno ng kumpiyansang sabi ng bakla. "Kaya 'wag mo akong alalahanin. Planuhin mo na lang mabuti ang kasal mo. Basta, isa ako sa mga secondary sponsor, ha? Kahit sa cord or veil."
Nakangiti siyang tumango sa kaibigan. "Kayo rin Portia, Mariel ha. Part kayo ng wedding entourage."
"Anytime! Basta ikaw," mabilis na sagot ni Mariel.
"Sure, Cheska." Si Portia ay sumang-ayon din.
MULI silang pumunta sa bahay ni Maddy para kausapin ito tungkol sa magiging partisipasyon nito sa kasal. Sa salas sila hinarap ng babae.
"Maddy, we're here to formally ask your approval to be part of our wedding entourage," seryoso ang tinig ni Jerimie pero hindi nawawala ang ngiti sa maaliwalas nitong mukha. "We also want Zinnia to be the flower girl."
Hindi nila inaasahan ang sagot ni Maddy.
"No! Magpakasal kayo kung gusto n'yo pero huwag n'yo akong maisama-sama sa kalokohan n'yong 'yan! Leave me alone! Umalis na kayo rito. Alis!" nanggagalaiting sigaw nito na kasabay ang panlilisik ng mga mata.
Takang-taka si Cheska na nakitang reaksyon ng babaeng itinuturing na ring pamilya ni Jerimie.
BINABASA MO ANG
Tall, Daks and Handsome
HumorSa panahong milenyal, marami na ang ipinagbago ng lipunan. Pati ang dreamboy ng mga kababaihan ay nagbago na rin. Kung dati'y Tall Dark and Handsome ang ideal man nila, ngayon naman ay TALL DAKS AND HANDSOME na. Cover Design: @greatfairy (Jean Ser...