HABANG nakahiga ay mukha ni Jerimie ang naglalaro sa isipan ni Cheska. Ang guwapong mukha nito na palaging nakangiti o kaya naman ay nakatawa. Oo, may pagkapilosopo ito pero hindi maitatangging may magaganda rin itong katangian na puwedeng mahalin ng kahit sino. Aakalain ba niyang ang pinabalot nitong tirang pagkain ay ibibigay nito sa batang nagtitinda ng sigarilyo sa kalye? Unti-unti ay nakukumbinsi niya ang sarili na hindi siya nagkamali sa pagpili kay Jerimie para magpanggap na boyfriend niya.
MAGANDA ang mood niya sa trabaho kinabukasan. Ang nagdaang gabi ay nagdulot sa kanya ng isang libo at isang kaligayahan at inspirasyon. Magaan ang pakiramdam niya nang gumising siya kanina at hanggang dito sa opisina ay excited siyang gawin ang mga kailangan niyang tapusin. Ganado siyang kumilos. Maaliwalas ang kanyang mukha. Para siyang halaman na bagong dilig.
"Blooming ka yata ngayon." Hindi niya namalayan ang paglapit ni Pura. "Kanina pa kita nakikitang nakangiti. Basta, parang ang saya-saya mo."
"Ikaw pala. Excited lang ako sa next project natin. Gusto ko na ngang pumunta sa La Union," palusot niya rito.
"Actually, 'yan ang dahilan kaya ako lumapit sa'yo." Hindi rin maitago ang saya sa mukha ni Pura.
"Good news?"
Tumango-tango ang babae na halata rin ang excitement. "Cheska, may makakasama ka na sa pagpunta mo sa La Union," bulalas ni Pura na lalo pang lumawak ang pagkakangiti. "Isa sa mga sponsor natin ang magpapadala ng empleyado nila para personal na mag-asikaso sa pagbibigay ng school supplies sa mga bata. Nag-donate ang kompanya nila ng ilang kahon ng mga notebooks, pencils, ballpens at pad papers. So, wala na tayong magiging problema. Nakausap ko na rin 'yong leader ng mga volunteer natin sa La Union. Handa na silang magturo sa mga bata, pati na rin ang pag-i-initiate ng livelihood programs sa mga magulang doon."
"Wow! Magandang balita nga 'yan. Naku, nararamdaman ko nang magiging successful ang project nating ito."
"Sigurado 'yan. And with your supervision, kampante ako na magiging maayos ang lahat mula umpisa hanggang sa matapos ang dalawang linggo," matapat na pahayag ni Pura.
"Anong pangalan ng makakasama ko?"
"Wala pa silang ibinigay na pangalan. Tatawag na lang daw sila sa akin kapag na-finalize na. Magtatanong pa raw sila kung sino ang gustong sumama, but definitely may isang sasama sa'yo."
NANG sumapit ang araw ng pagpunta ni Cheska sa La Union ay mas lalo pa siyang na-excite.
"Para kang bulateng 'di mapakali," bati sa kanya ni Pura.
"Anong oras ba darating iyong makakasama ko? Sigurado bang dadaanan niya ako rito? Kasi puwede naman akong mag-commute na lang para hindi na ako makaistorbo sa kanila."
"Darating iyon. Sila na nga ang nagsabing doon ka na lang din sumabay sa sasakyan nila lalo na nang malaman na mag-isa ka lang na pupunta," paliwanag ni Pura. "Huwag mong kalimutan ang pasalubong namin, ha?"
"Oo nga, Cheska. Iilan lang naman tayo rito sa opisina kaya huwag na huwag mo kaming kalilimutan," halos sabay-sabay na sabi ng mga iba pa niyang katrabaho.
"Hayaan n'yo, hindi ako uuwi hanggang hindi ako nakakabili ng pasalubong para sa inyo."
Hiyawan ang mga kaopisina niya.
"Ano bang number noong makakasama ko? Pahingi naman ng cellphone number niya para matawagan ko siya?"
Sumagot si Pura, "Ibinigay ko na sa kanya ang number mo. Magte-text na lang daw siya sa'yo kapag nasa labas na siya."
"So, maghihintay lang talaga ang beauty ko sa pagdating niya."
Noon tumunog ang cellphone niya. May nag-text.
BINABASA MO ANG
Tall, Daks and Handsome
HumorSa panahong milenyal, marami na ang ipinagbago ng lipunan. Pati ang dreamboy ng mga kababaihan ay nagbago na rin. Kung dati'y Tall Dark and Handsome ang ideal man nila, ngayon naman ay TALL DAKS AND HANDSOME na. Cover Design: @greatfairy (Jean Ser...