Chapter 28

10.9K 275 13
                                    

NANATILING nakatingin sa kanya si Jerimie. Hinihintay nito ang sagot niya. Nang hindi ito sumagot ay muli siyang nagtanong, "Ano? Kelan?"

Nakita niyang nagbago ang itsura ni Cheska. Bahagya itong umirap at tinaasan siya ng kilay. "Ayokong isali ang mga magulang ko sa kalokohang ito. Sorry..."

"Nakikipaglokohan ba ako?" Nakita ni Cheska ang biglang paglungkot ng mukha ni Jerimie. Bigla ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Na-offend ba niya ang lalaking ito?

Tumayo siya at dinampot ang dalang bag. "Babayaran ko lang sandali itong mga kinain natin."

"Ako na!" maagap na sabi ni Jerimie sabay tayo na rin at naglakad papalabas ng function room. "Hintayin mo ako rito."

Saglit itong nawala pero agad ding bumalik. "Halika na, ihahatid na kita."

"Hindi mo obligasyong ihatid ako araw-araw."

"I insist." Hinawakan siya ni Jerimie sa braso at inalalayan papalabas ng function room. Binati pa sila ng store manager nang madaanan nila ito.

"Thank you for coming! Please come again," magalang nitong sabi sa kanila na sinagot lang ni Jerimie ng isang tango. Siya naman ay napilitang ngumiti.

WALA silang imikan sa kotse hanggang sa basagin ni Cheska ang katahimikan.

"Sorry, I didn't mean to offend you."

Sumulyap sa kanya si Jerimie. "Okay lang iyon. Hindi naman ako na-offend. I perfectly understand the situation."

"Puwede naman tayong pumunta sa province namin kung gusto mo. Puwede mo namang makilala ang mga magulang ko. Pero siguro, I'll introduce you as a friend. Ayoko naman kasi silang lokohin," matapat niyang sabi.

"Naiintindihan ko..."

"H-hindi ka galit?" nag-aalangan niyang tanong. Ewan pero ayaw niyang magalit sa kanya si Jerimie.

"Bakit naman ako magagalit? Sabi ko nga, I perfectly understand." Para siguro maniwala siyang hindi ito galit ay saglit pa itong lumingon sa kanya at ngumiti.

"Salamat..."

"Ikaw kasi ayaw mo pang totohanin," bulong nito pero dinig na dinig niya.

"Ano kamo?!"

Umiling si Jerimie. "Wala. Magpahinga ka lang diyan. Mukhang matatagalan tayo sa biyahe. Traffic," palusot pa nito. Nakahinto sila ngayon sa kahabaan ng EDSA. Hindi na naresolba ang problema sa traffic sa kalyeng ito. Sabagay, kahit naman saang parte ng Metro Manila ay hindi nawawala ang problema sa trapiko.

KAUSAP ni Gordon ang isang lalaki sa telepono. Nasa isang bar siya nang oras na iyon para uminom pero lumabas siya saglit dahil maingay sa loob. "Brother Toby, puwede ba akong humingi ng pabor?

"Oo naman. Malakas ka sa akin. Kahit ano, basta kaya ko," sagot ng kausap niya.

"Hindi ba may background investigation agency ka?"

"Oo, bakit? May ipatatrabaho ka ba?" Nahulaan agad ni Toby ang pakay niya.

"Nasapol mo, Bro! Meron nga."

"Sino ba 'yan?"

"Hindi naman importante. Gusto ko lang malaman ang background niya."

"Shoot, Bro! Anong pangalan?"

"Jerimie Alexander Manderico." Mabuti na lang at sinabi sa kanya ni Kenly ang pangalan ng lalaking iyon.

"Sige, bro. Ipatatrabaho ko agad ito," kampanteng sabi ni Toby.

"Kailan mo ako mabibigyan ng feedback?"

"Initial feedback after three days, okay na ba 'yon?"

"Okay, sige. Salamat, bro!"

Tall, Daks and HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon