PAGKATAPOS ng apat na araw na pagkaka-confine sa ospital ay nakalabas na rin si Zinnia. Si Jerimie na ang nag-asikaso ng lahat dahil hindi na muling bumalik ng ospital si Maddy.
"Daddy, are we going home?" tanong ni Zinnia sa ama habang nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan katabi ni Gina.
"Yes, we're going home. Why, are you excited?"
"Yes, daddy. I want to play with my toys." Bumaling ito sa katabi. "Nurse Gina, are you excited to go home, too?"
"Of course, Zinnia."
"But why?"
"Because you're okay now. We can play all day again at home," sagot ni Gina sa paslit.
Nag-focus na lang sa pagmamaneho si Jerimie. Pinabayaan na lang niyang mag-usap sina Zinnia at Gina at nakuntento na lang siya sa pakikinig sa mga ito.
Pagdating nila sa bahay ay binuksan ng kasambahay na si Diday ang gate. Malaki ang bahay at alam mong may kaya ang nakatira rito. Pumasok sila sa loob ng bahay.
"Nasaan si Maddy?" tanong niya sa katulong.
"Nasa pool po, ser," magalang na sagot nito.
"Gina, ihatid mo na sa room niya si Zinnia."
"Yes, sir." Hinawakan nito sa kamay ang bata. "Halika na, Zinnia. Let's go to your room."
Pinuntahan ni Jerimie sa pool area si Maddy. Naabutan niyang abala ito sa paglangoy.
Umakyat ang dugo sa ulo ni Jerimie at kaagad niyang sinita ang babae.
"Anong klase kang ina? Nasa ospital ang anak mo, pero nandito ka lang at kampante na parang walang nangyari."
"Eh, 'di ba magaling na nga si Zinnia? Ano ba ang gusto mong gawin ko, tumambay sa ospital at ngumawa nang ngumawa? At anong masama kung mag-swimming ako? Nagbabawas lang ako ng stress. Ilang araw na akong stress dahil sa pagkakasakit ni Zinnia. Anong gusto mo, ako naman ang magkasakit?"
Natampal ni Jerimie ang sariling noo. Anong klaseng babae ba itong naging ina ng kanyang anak? Ito ba talaga ang babaeng minahal niya nang sobra-sobra? Noon! Oo, noon. Dahil imposibleng mahalin pa niya si Maddy ngayon. Hinding-hindi niya kayang mahalin ang isang taong puro sarili lamang ang iniisip. Walang concern sa iba, kahit na yata sa sariling anak.
"Aalis na ako. Nasa kuwarto na niya si Zinnia. She is okay now. Sana naman iwasan mo nang ma-expose siya sa mga bagay na puwedeng mag-trigger ng pag-atake ng sakit niya."
Tinaasan lang siya ng kilay ni Maddy. "Huwag mo akong turuan kung paano ko aalagaan ang anak ko," mataray nitong sabi.
"Tuturuan kita hanggang hindi ka natututong magpakaina kay Zinnia. Hindi ka na dalaga. May anak ka na. Dapat alam mo kung paano magpakaina lalo na at maselan ang kalagayan ng anak mo," nanggigigil na sabi ni Jerimie.
"Whatever! Kung magsalita ka akala mo naman ay napakabuti mong ama. Eh, ikaw nga itong kung saan-saang impiyerno nakalarating para lang maglakwatsa." Dinampot ni Maddy ang sigarilyo at lighter na nasa marmol na mesita sa gilid ng pool at sinindihan iyon.
"I told you to stop smoking!" inagaw niya ang sigarilyo at inis na itinapon sa pool. "Kung gusto mong sunugin ang baga mo, 'wag mong idamay ang anak mo!"
"Leche! Gagawin ko kung ano'ng gusto ko. At walang puwedeng pumigil sa akin. Not even you!" Nagdadadabog na iniwan siya ni Maddy.
Huminga siya nang malalim para i-compose ang sarili. Gusto niyang sumabog sa inis pero useless lang makipagtalo sa babaeng sarado ang pag-iisip. Nagpasya siyang umalis na lang sa bahay na iyon. "Diday!!!"
BINABASA MO ANG
Tall, Daks and Handsome
HumorSa panahong milenyal, marami na ang ipinagbago ng lipunan. Pati ang dreamboy ng mga kababaihan ay nagbago na rin. Kung dati'y Tall Dark and Handsome ang ideal man nila, ngayon naman ay TALL DAKS AND HANDSOME na. Cover Design: @greatfairy (Jean Ser...