"AYAW mo ba?" tanong ni Elsa kay Jerimie.
"I don't think we need to meet. Wala naman tayong dapat pag-usapan pa. I made everything clear to you," matapat niyang sabi.
"Puwede naman siguro tayong magkita as friends." Desidido talaga si Elsa na mapapayag siya.
"Then I think I need to bring Cheska with me," kaswal niyang pahayag.
"What?!" sigaw ni Elsa sa kabilang linya. "Ikaw ang gusto kong makita at makausap, hindi si Cheska."
"I'm sorry. I'm really sorry, but I can't come to see you if Cheska is not going with me," pinal niyang sagot. "I'm sorry, Elsa."
Hindi maipinta ang itsura ni Elsa nang magbaba na ng telepono si Jerimie. Pero hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Siya pa ba ang susuko nang basta-basta?
NANG gabing iyon ay mahimbing ang tulog ni Cheska. Sa kahimbingan ng tulog niya ay dinalaw siya ng isang panaginip. Isang pilyong panaginip.
Nasa bahay daw siya at nag-iisa. Malakas ang ulan sa labas kaya ang sarap magkulong sa kuwarto. At saka naman may kumatok sa pinto. Nagtungo siya sa pintuan upang pagbuksan ang dumating na bisita. Laking gulat niya nang buksan niya ang pinto. Naroon si Jerime na basang-basa at giniginaw na.
"Ba't sumugod ka eh alam mong umuulan?" sermon niya sa nobyo. "Nasaan ang kotse mo?"
"Nami-miss na kita, eh. Hindi ko matiis na hindi ka makita," sagot nito habang nanginginig na sa ginaw. "Eh, nasa talyer ang kotse ko. Papasukin mo naman ako."
"Ay, oo nga pala. Sige, pumasok ka." Binigyan niya ito ng madadaanan.
Isinara niya ang pinto at saka muling nagsalita, "Teka at ikukuha kita ng tuwalya." Tiningnan niyang muli ang itsura ni Jerimie. "Ano ba 'yan? Para kang basang sisiw."
Mabilis siyang nagtungo sa kuwarto at kumuha ng tuwalya. Kumuha na rin siya ng t-shirt na tingin niya'y kakasya kay Jerimie at saka isang cycling short. For sure, wala naman siyang shorts na kakasya kay Jerimie. Isa pa, pambabae ang shorts niya. Wala siyang unisex na short pants.
Pagkaabot ng tuwalya ay kaagad na pumasok sa banyo si Jerimie para maligo. Hindi na nito kinuha ang iniaabot din niyang shirt at cycling short.
Hindi nagtagal ay lumabas itong nakatapis lang ang tuwalya sa baywang nito. Preskong-presko ang itsura nito at lalo pang gumuwapo sa magulo at basang buhok nito.
Pigil ang paghinga ni Cheska nang makita ang malapad na dibdib ni Jerimie. Ang abs din nito ay nakalantad at tila ba nagmamalaki. Perpekto ba sa pisikal na kaanyuan ang lalaking ito?
"O, ba't para kang natuka ng ahas diyan?" natatawang tanong nito sa kanya. Ipapahiram mo ba sa akin ang t-shirt at cycling shorts na 'yan?
"Ha? Ah, oo. Eto, o..."
Lumakad si Jerimie papalapit kay Cheska para kunin ang damit na ipapahiram nito. Ngunit anong kamalasan! Sumabit sa kanto mg mesa ang isang bahagi ng tuwalya at natanggal ito sa pagkakatapis sa baywang ni Jerimie!
Halos manlaki ang mga mata ni Cheska nang tumambad sa kanya ang itinatagong kayamanan ng nobyo. Hindi siya makapaniwala sa nakita.
"Ay! Ano 'yan?" tili niya na titig na titig sa pagkalalaki ni Jerimie.
Agad namang dinampot ni Jerimie ang tuwalya at muling ipinulupot sa baywang niya. Alam niyang namumula ang kanyang mukha sa matinding kahihiyan.
"Bakit ang liit?" tanong ni Cheska. "Parang disposable lighter lang." Takang-taka talaga siya.
Si Jerimie ay hindi na nakasagot. Hiyang-hiya siya kay Cheska na nakita nito ang kanyang hindi kalakihang okra.
Nagising si Cheska na tumatawa. Ano ba naman kasi 'yong napanaginipan niya? Hanggang sa panaginip, iyong kabuhayan showcase pa rin ni Jerimie ang isyu.
BINABASA MO ANG
Tall, Daks and Handsome
MizahSa panahong milenyal, marami na ang ipinagbago ng lipunan. Pati ang dreamboy ng mga kababaihan ay nagbago na rin. Kung dati'y Tall Dark and Handsome ang ideal man nila, ngayon naman ay TALL DAKS AND HANDSOME na. Cover Design: @greatfairy (Jean Ser...