Chapter 24

12.4K 311 28
                                    

MAAGANG pumunta si Jerimie sa bahay ni Maddy kinabukasan. Pinagbuksan siya ng gate ni Diday. Pagbaba ng kotse ay kaagad niyang tinanong ang kasambahay, "Nasaan si Zinnia?"

"Nasa kuwarto po niya, sir. Kasama po si Nurse Gina," sagot ni Diday.

"Si Maddy?"

"Tulog pa po. Lasing na naman po kagabi, eh."

"Madalas ba siyang umiinom?"

"Gabi-gabi, sir. Nakakatakot na nga po si Ma'am 'pag nalalasing. Parang papatay ng tao," sumbong pa nito.

"Ha?" Hindi makapaniwala si Jerimie.

"Opo, sir. Grabe po si Ma'am kapag nakakainom. Nambabato ng kahit na anong mahawakan niya. Tapos sigaw nang sigaw. Nagkukulong na nga lang po ako sa kuwarto at hindi ako lumalabas kahit tinatawag niya ako. Mabuti na lang, hindi niya naaalalang gamitin ang susi ng kuwarto ko," mahabang kuwento ng kasambahay.

"Pupuntahan ko lang sa kuwarto si Zinnia." Mabibilis ang ginawang paghakbang ni Jerimie para mapuntahan agad ang silid ng bata.

Ang masayang mukha ng paslit ang sumalubong sa kanya.

"Daddy!" sigaw nito sabay tayo sa kama para salubungin siya.

Mahigpit na yakap ang ibinigay niya rito at saka hinalikan sa pisngi.

"Why are you here, Daddy? Don't you have work today?" inosenteng tanong nito.

"I'm here because I want to see you. I miss you so much, baby." Magiliw niyang hinagkan ulit ang bata. "I'll go to the office later."

Kinarga niya si Zinnia at hinarap ang nurse. "Kumusta kayo rito?"

"Maayos naman, sir. Naiinom ni Zinnia ang mga gamot niya on time. Magana rin siyang kumain. Eto nga po katatapos lang niyang mag-breakfast." magalang na sagot ni Gina.

"Balak ko sanang kausapin si Maddy pero natutulog pa raw. Baka magkabanggaan lang kami kapag ginising ko 'yon para sitahin sa araw-araw niyang pag-iinom," seryosong sabi niya. "Kaya babalik na lang siguro ako sa ibang araw. Basta, hahanap ako ng oras para magkausap kami," paniniguro pa ni Jerimie.

Walang maisip na isagot si Gina kaya tumango na lang ito.

"Baby," baling niya sa kargang si Zinnia. "I need to go to the office na. Be a good girl always okay?"

Nakangiting tumango ang paslit.

"Kapag pinapainom ka ni Nurse Gina ng medicine, inom kaagad, ha? And make sure to always eat on time."

"Yes, Daddy!" sagot ng paslit kasabay ang sunod-sunod na tango.

Ibinaba niya sa kama ang bata at hinagkan sa noo. "I love you..."

"I love you, too, Daddy!" Isang mahigpit pang yakap ang ibinigay nito sa kanya bago siya tuluyang umalis ng bahay.

KINAHAPUNAN ay nagulat pa si Cheska nang biglang dumating sa opisina nila si Jerimie.

"Anong ginagawa mo rito?" pabulong na tanong niya sa binata.

Katulad ng dati ay matamis ang ngiting isinalubong sa kanya ni Jerimie na lalo pang nagpaguwapo rito. "Sinusundo ka. Boyfriend duties..." Siniguro niyang narinig ng mga kaopisina ni Cheska ang sinabi niya.

Nagtinginan sa kanila ang mga nakarinig. Isang katrabahong babae ang hindi nakatiis na magkomento. "Cheska, ipakilala mo naman kami sa boyfriend mong pogi."

"Oo nga naman, Cheska," segunda ng isa pang medyo may edad ng babae.

Tiningnan ni Cheska si Jerimie, pagkuwa'y ngumiti. "Guys, I want you all to meet Jerimie, my boyfriend."

Tall, Daks and HandsomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon